Ako si Ramon, labing-siyam na taon, sa eskwela ay laging masaya halos walang mga "assignment" at lagi kaming with honors lahat.kung nagtataka kayu sino with high-honors Namin? Sa totoo walang high-honors na pwedeng makuha dahil matagal na itong binura. Hindi Ng depED kundi Ng asosasyon Ng pilipinas na ngayun Ang namumuno sa buong bansa. Lahat ay patas.bawat isa ay nagtatrabaho at bawat isa ay gumiginhawa. Walang mahirap o mayaman, konsepto lamang ito Ng mga inutil nang mga nakalipas, ngayun ay makabago na dahil sa nag-iisang propeta na nagsalba sa Mundo. Siya Ang nakasolba sa pangmalawakan na problema tulad Ng "world hunger,"generational uncertainty","crime","Drugs" at maraming iba pa.
Lahat Ng ito ay makakamit kung lulunukin mo Araw-araw Ang isang pill na sinabi Ng propetang si molejah na pagagandahin Ang iyong perspektibo at laging magiging positibo Ang Araw mo. mawawala bawat problema na Tila parang Bula.
Sa totoo Hindi Kona maalala Kung anong ngyari pagkatapos ito ianunsyo sa bawat telebisyon at sa "internet", ngunit naalala ko bago pa "iban" Ang mga Ibang "website" tulad Ng "reddit" and "Twitter" may nakita akong article na nakita ko sa "reddit".
"All the dissapearance of religion artifacts and believers and big figures in religion is made by all the government around the world in exchange for the pill supply of prophet molejah", naalala ko pa ayan Ang title Ng "article" na nakita ko ngunit sa pagkakaalala ko ay nabasa ko ito pero parang aking memorya ay sobrang labo pero masaya.
Parang Araw-araw ay masaya tila wag Ng isipin Ang mga problema, Ang "bill" sa kuryente at tubig ay libre at makakakuha ka na Ng libreng pagkain na malinis at masarap pa.
Ang bawat simbahan. Sa pagpasok ay kala mo makikita mo Ang krus pero nagkakamali ka, litrato na ni prophet molejah na Ang iyong makikita na nakangiti pa sa malaking litrato.
Araw-araw ay tawanan.paulit-ulit na kasiyahan. Ayan Ang pangako ni prophet molejah. Isipin mo kada isang Araw isang libreng "pill" lang iinomin mo at eto Ang madadama mo.
Ngunit isang Araw Ang kanilang kasiyahan ay tila nabawasan sapagkat Ang pagkalat Ng mga mamayanan na nagwawala sa kalsada Ng nakahubad at sumisigaw Ng," WAG NINYONG INOMIN ANG PILL".
pero salamat sa aming mga malalakas at tapat na pulisya ay kagad silang hinuhuli at binibihisan at nakangiti muli Ng parang walang nangyari.
Ngunit Ang pagdami Ng mga taong ito na tinawag Ng asosasyon Ng pilipinas na mga indio ay naka-apekto Ng matindi sa buong bansa Lalo na sa kasiyahan at pamumuhay Ng mga tao sa bansa Kaya Ang asosasyon at kagad Ng kumilos sa Hindi marahas na parang tulad Ng turo ni prophet molejah at magkaroon lang Ng pang malawakan na paghuli sa mga ito at kagad silang ginagawang marunong miyembro muli Ng lipunan.
Bawat kalsada ay may mga pulisya na naka abang. Handang hulihin Ang mga indio na Hindi Naman nananakit ngunit tinatakot lang Ang mga mamayaman sa tila parang nabubulok na patay na itsura.
Pero isang beses,sa sobrang saya ni Ramon ay nakalimutan na niyang uminom Ng pill at pagkabukas Ng kanyang mata ay Hindi niya inaasahan Ang nakita.
Ang pagkain nakahain sa lamesa ay nabubulok,Ang mga magulang niya ay itsurang mga gurang sa buhok at sa naaagnas na Mukha pero nakangiti Ang mga labi na kala mo ay nananakot.
Tumakbo siya kagad at binuksan Ang sira-sirang pintuan at nahagip Ang makunat na usok na kulay dilaw na nakakalat sa buong kapaligiran.
Tumingin siya sa langit at nakakita Ng mga pagsabog. Kagad niyang tinakpan Ang kanyang Tenga at dumapa sa lapag na durog-durog na Ang semento.
Tila parang ngayun lang ulit nakarinig Ng malakas na pagsabog si Ramon sa pagtakip Ng kanyang Tenga.
Tumakbo siya Ng matulin at bumangga sa maraming tao na tulad sa itsura Ng kanyang mga magulang ay naaagnas na Mukha na Tila may nakakatakot na ngiti.
Nagpatuloy siyang tumakbo at Ang mga taong ito ay kagad na lumayo sakanya.
May mga lalakaking nagsisitangkarang na nakasuot Ng pang pulisya Ang biglang humabol sakanya na may maliit na pulang sungay sa noo at may nakakatakot na ngiti.
Nang siya ay maabutan ay kagad siyang sinuntok Ng mga nakadamit pulis at bigla siyang nahimatay.
Pagdilat Ng kanyang mata ay nasa isa siyang higaan na may dalawang nilalang na may nagingitim na balat. Napaka matangkad at Ang bunganga ay tulad sa isang halimaw na nakakatakot sa pelikula. May mga sungay ito na napakatangkad at may espadang hawak-hawak na nag-aapoy.
Nang siya ay biglang pinatayo Ng mga nilalang na ito ay kagad siyang pumila.gusto niyang tumakas ngunit at mismong katawan niya Ang humahadlang dahil sa Hindi maipaliwanag na damdamin.
Sa harapan niya ay isang kalbong lalaki na nagsabi," Ang emperyo Ng langit ay bumagsak na, ganun din Ang emperyo Ng lupa".
Napakunot noo nalang si Ramon sa nadinig at nanatili sa walang katapusan na pila.
Tumingin siya sa gilid para makita ang.harapan at nakita Ang mga tao ay nahuhulog sa tila malansang amoy na kumakalat sa buong pasilidad.
"Lahat tayo ay makakain Ng demonyo!", sigaw Ng sa likod ni Ramon.
Hanggang sa biglang Ang ilaw sa pasilidad ay nagsara at Ang ding-ding ay nasira sanhi Ng isang napaka gwapong lalaki na nakabalot sa isang bakal na kalasag. May pakpak na nagliliwanag at may espadang den na nagliliwanag.
Kasama Ang iba pa niyang katulad ay kagad nilang pinagpapatay Ang mga nilalang sa pasilidad na tinawag nilang demonyo.
Maraming nakapakpak na lumiliwanag Ang pumasok Mula sa butas at tinawag nila Ang kanilang sarili bilang anghel.
Ang mga anghel ay kagad na napaslang Ang mga demonyo sa pasilidad at kagad na pinasabog Ang pinag-gagaligan Ng malansang amoy.
Isa sa mga anghel ay kagad na linipad si Ramon sa himpapawid. Kagad Naman nagtanong si Ramon kung ano Ang ngyayari.
"Ang langit ay bumagsak na.natalo Ang langit sa pinagsamang pwersa Ng lupa at impiyerno na tinawag na Gera sa kataastaasan. Ang ating diyos ay tila nawawala, at sa pagbagsak Ng langit ay karamihan Ng mga malalakas na anghel ay namatay pero nakaligtas si Gabriel Mula sa Gera".
"Konklusyon Ng karamihan saamin na inabandona na kami Ng diyos ngunit Ang pag-iisip na ito ay tila nag iimbita Ng demonyo sa kanilang sarili at Yun nga, pumanig sila sa demonyo".
"Pero kami na nananalangin ay naniniwala na isa lamang itong pagsubok sa Mundo Ng mga tao pero sa tutuusin mukhang Hindi natuwa Ang diyos sa inyong pag-panig sa demonyo".
" Ngunit Wag kayung mag-alala. may kaligtasan pa para saating lahat. manalangin lang Kayu sa diyos at mawawala lahat Ng ito".
Sabi Ng anghel Kay Ramon habang Ang buong Mundo ay unti-unti Ng natutuyot,nasisira sa kagagawan Ng tao at demonyo.