CH 4- Nice to meet you~! <3

132 10 2
                                    

CHAPTER 4- NICE TO MEET YOU~! <3

H A N N A ' S   P O V ~

"HOY! KAYONG MGA BATA KAYO! UMAYOS NGA KAYO NG BUHAY NYO! HAHARANG-HARANG KAYO SA KALSADA TAPOS PAG NADISGRASYA KAYO KAMI PA MAY KASALANAN! LUMAYAS NGA KAYO DYAN!!"

"S-Sorry po manong! Pasensya na po talaga! /(TTATT)\" Agad kaming tumayo ni Kuya sa kalsada at tumabi kami dun sa gilid. Tahimik lang sya at pinagpapawisan. Hindi din sya nakaharap saken. "Kuya, niligtas mo nanaman ako. Salamat talaga. Hindi ko na alam kung pano ko makakabawi sayo..." Pumunta ko sa harap nya para gawin ang aking tradisyonal 90 degrees bow as a sign of gratitude. Pero...

"H-Hala Kuya?! Ang laki ng sugat mo sa braso!" G-Grabe! Napasama pala yung pagbagsak nya kanina nung niligtas nya ko! Andaming dugo! Lumapit ako sa kanya at inalalayan sya pero tinanggal nya lang yung pagkakahawak ko sa kanya. "A-Ano bang ginagawa mo? Kailangan kitang alalayan baka kung mapano ka pa! Kailangan mo din magpagamot sa ospital!"

"Alam mo perwisyo ka e! Kung hindi ka naman epal, makulet at sira-ulo e di sana wala akong problema ngayon! Kahit kailan talaga kayong mga babae mga problema kayo!" Tapos nun e mabilis syang lumakad palayo sakin. Syempre hinabol ko kasi hindi ko sya pwedeng iwanan na ganun! Baka mas lumala yung injury nya! Grabe, kasalanan kong lahat 'to kaya di pwede yun! >__<

"A-Alam ko namang kasalanan ko kung bakit e... K-kaya nga nandito ako. Hindi ko naman pwedeng hayaan na ganyan ka lalo na't alam ko na ako yung dahilan kung bakit ka nasugatan ng ganyan..." Napahinto sya sa paglalakad pero hindi nya ko nilingon.

"Bahala ka sa buhay mo!" Naglakad ulit sya pero hindi na mabilis, normal nalang. So siguro pumayag na syang samahan ko sya? YESS! Lumapit ako sa kanya at naglakad ako sa tabi nya.

"Teka, san ka pupunta? Sa Ospital muna tayo!"

"Manahimik ka nga dyan puro ka Ospital! May pupuntahan ako at may makakagamot naman sakin dun kaya pwede ba isara mo yang maingay na bibig mo!" Mabuti na na alam kong magagamot sya sa pupuntahan nya, sa clinic ba sya pupunta? Health care center? Sa kakilala nyang doctor? AH BASTA! Hinding hindi ako uuwi hangga't di ko nakikitang maayos na sya. Ayaw ko talaga sa lahat yung may nasasaktan ng dahil saken. nanahimik nalang ako at sumunod padin sa kanya.

F A S T F O R W A R D ~

*GULP*

D-Dito? Dito yung lugar na may makakagamot sa kanya? Teka, ganun na ba ka hirap yung kakilala nyang doctor na dito na sya sa lumang bodega nakatira? Nako, konti nalang yung perang dala ko ngayon hindi ako makakatulong financially! Di bale, bibigyan ko nalang sya ng chocolates, nakakabusog naman yun e!

Dirediretso syang pumasok sa loob ng bodega...

Isang hakbang...

Dalawang hakbang....

Tatlong hakbang......

WAAAAAAAAAAA! Natatakot ako! >_________<

Pero hindi pwede yun! Kailangan kong sundan si Kuya sa loob! Tumakbo ako papasok at nakita si Kuya kasama ng.... 11 pang ibang lalaki?

"Kai! Anong nangyare sayo?!" Nagmamadaling lumapit sa kanya yung isang lalaki na... cute at medyo malaki yung mata. Parang ganto ---> O_____O Sinuri-suri nya yung sugat nya at alalang-alala sya dito. Best Friends siguro sila?

"Aling gang ang gumawa sayo neto? Ano resbakan na naten?" Tanong naman nung maputi at medyo may kaliitan na gwapong lalaki. Umiling si... Kai. Kai pala pangalan nya.. Nakaramdam ako ng saya ngayong alam ko na yung pangalan nya. Ewan ko ba. Kasi naman sya e! Kanina ko pa tinatanong ayaw sagutin, kaya siguro ganto nalang ako kasaya na alam ko na yung pangalan ni Kuya, yung pangalan ni saviour... yung pangalan ni First love <3 Yaaaaaaaa! Ang landi ko. (>////////////////////////<)

COURTING HIM. [CH]-Slow-update~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon