CH 2- My Savior; Love At Second Sight

159 11 9
                                    

Ada's Notes: Muntikan na kong hindi makapag-update dahil nagloloko si Net! Buti naayos na sya~ At dahil dyan, eot ang update para sa inyo~

Sana magustuhan nyo!

SORRY SA TYPO-ERRORS AND WRONG GRAMMAR!

Enjoy readiiiiiiiiiiinngggggggggg~!

CHAPTER 2- MY SAVIOR; LOVE AT SECOND SIGHT

H A N N A ' S   P O V ~

Pinulot ko yung bag ko sa sahig. Waaaa! Kawawa naman yung bag ko. Grabe ang sungit nung lalaking yun ahh! (>3<)//

Hindi nya ba alam? Kung palagi syang ganun, baka pumanget yung gwapo at almost perfect nyang mukha!

Hay nako..sayang naman yung kagwapuhan nya. Tsk-tsk. /(>___<)\

Pero may nararamdaman talaga kong mali sa kanya eh~ Parang... sobrang lungkot nya? May something na kulang sa kanya! At yun yung dahilan kung bakit sya ganyan ka-punongpuno ng bad vibes at ka-sungit!

Nung tinignan ko yung mga mata nya kanina, parang ang lonely nya~

Kulang ng L-O-V-E ang buhay nya.

Kawawa naman sya~ Sana dumating na yung taong mag-pupuno ng pagmamahal sa nalulungkot nyang puso~

Ipagdadasal ko nalang si Mr. Sungit! (^_______^)V

"Bye-bye Kitty~ See you next time! Mag-ingat ka ha?" Kinawayan ko si Kitty tapos naglakad na ko palayo nang may nakasalubong akong tatlong lalaki. Nginitian ko lang sila. Hindi ko sila aalukin ng chocolates nakakatakot yung itsura nila eh! (/>____<\)

Malalagpasan ko na sana sila pero bigla akong hinawakan sa braso nung isang matabang lalaki at pinigilan nya ko.

"Mag-isa ka ata Miss Ganda? Wala ka bang ka-sate ngayon Valentines? Gusto mo kami nalang? HAHAHAHAHAHA!" Tumawa sya ng nakakakilabot. Waaaaaa! P-Pero siguro mabait naman sila? Wala namang taong masama eh! Tama! Walang taong masama!

"Uhmm.. Kuya, kasi ano po eh. Kailangan ko na pong umuwi at hindi po ako nakikipag-date." Kumuha ako ng tatlong chocolates sa bag ko. Inabot ko yung sa kanila. Tig-iisa sila. "Ayan po! Sa inyo nalang po yang chocolates~ Happy Valentine's po! Sige po una na ko."

Aalis na talaga sana ko pero biglang dalawa na silang nakahawak sa magkabilang braso ko. Si Kuyang mataba hinawakan ako sa baba gamit yung kabilang kamay nya at hinarap nya ko sa mukha nya.

"Alam mo Miss, hindi etong chocolates mo ang gusto namin, ikaw mismo." Namilog yung mga mata ko sa sinabi nya. H-Hala ano 'to?! Inilapit ni Kuyang mataba yung mukha nya saken. Nagsimula na kong magwala.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!! TULUNGAN NYO KOOOOO!!!!!!" Nagpupumiglas ako at inilalayo ko yung mukha ko kay Kuya-Taba. Waaaa! Bakit nangyayari sakin 'to? May nagawa ba kong masama? (TT_____TT)

"Miss wag ka na ngang mag-inarte! Sigurado naman kaming magugustuhan mo din 'to." Ngumiti si Kuyang matangkad na madaming pimples sa mukha. Sya yung isa pang nakahawak sa braso ko. Grabe nakakatakot sya! Ang itim ng gilagid nya at ang dami nyang bunging ngipin!! 

"AAAAAAAAAAAHHH!! AYAW KO PO!!!! PAKAWALAN NYO PO AKO!! WAAAAAH!! PLEASE PO KAHIT SINO DYAN TULUNGAN NYO KO!!!!" Mas lalo pa kong nagpumiglas pero mas hinigpitan nila yung hawak sakin. ARAAAAAAAAAAAY! Ang sakit ng hawak nila saken! Sobrang higpit!!!

"Mga 'Tol, wag tayo dito. Baka may makarinig pa dyan at mabisto tayo dito." Sabi naman nung isa nilang kasama. Maitim sya at madami ding pimples. Waaaaaah Lord tulungan nyo po ako!

COURTING HIM. [CH]-Slow-update~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon