CHAPTER 5- AFTER CONFESSIONS
H A N N A ' S P O V ~
"Lalalalala~ Hello! Goodmorning sa inyo!" Bati ko sa kanila at pumasok na ko sa classroom. As usual, walang pumansin sa bati ko pero okay lang sakin yun! Siguro nahihiya lang silang bumati saken.
"Ano ba yan! Kanina ang ganda-ganda ng aura dito sa classroom pero nung may pumasok na isa dyan, napalitan na ng kalandian aura!"
"I know right? Dapat sa kanya e ineexpel na sa school na to dahil hindi sya karapat-dapat mag-aral! Pumapasok alng sya dahil sa kalandian nya at para manulot ng boyfriend ng iba!"
Ay grabe naman. May classmate pala kaming ganun? Kawawa naman yung pinatatamaan nila. Pero sabagay hindi din naman kasi tama yung ginagawa nyang panunulot ng boyfriend e. Sana lang baguhin nya na yun. Haaaaaaay.
Ngayon ko lang naisip. Ewan ko. bigla nalang nag-pop out sa medyo maliit kong utak e. Bakit kaya walang kumakaibigan sakin hanggang ngayon no? Hindi ba nila nakikita yung mga efforts ko para lang maging kaibigan silang lahat? Siguro nga nahihiya pa sila saken. Pero for me naman wala silang dapat ikahiya. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.
Magrereview nalang nga ako. Wala naman akong makausap dito e. Kinuha ko yung bag ko at nilabas yung english notebook ko. Nagbasa-basa lang ako ng mga note ko hanggang sa pumasok si Claire.
"Claire! May long quiz daw tayo sa English mamaya. May notes ka ba dyan?" Tanong sa kanya ni Marilyn, classmate namin.
"H-Ha?! Ano ba yan! Hindi pa naman ako nakakapag-review!" Problemado nyang sabi. Hmmmmmm.
"A-Ah... Claire." Napatingin naman sya sakin at... bat ganun? Ang talas ng tingin nya saken? May nagawa ba kong masama?
"Alam nyo din ba girls? Kaya iniwan ni Tae Jun si Claire ay dahil din sa Hanna na yan! Kaya nga naiintindihan ko kung bakit ganun nalang katindi yung galit ni Claire kay Hanna eh. Mahal na mahal nya kaya si Tae Jun!"
A-Ah.... Oo nga pala. Ako yung pinagbibintangan nilang dahilan kung bat sila naghiwalay ng Bf nya. Teka, ako ba talaga?Wala naman akong natatandaang may inagawan ako ng BF e.
"Ano bang problema mo?!"
"K-Kasi ano... Mukhang wala kang notes sa english e. Eto oh. Hiramin mo muna tong notes ko. Ayos lang sakin kasi nakapag-review nanaman ako."
"Alam mo, hindi ko kasi kailangan ng tulong mo e. At papasa ako sa Long Quiz kahit hindi ako mag-review so pwede ba wag kang pakialamera?!"
"Ganun ba... Sige. Sorry sa abala."
Grabe ganun pala katindi yung galit nya saken. Gagawa nalang ako ng paraan para mapatawad nya ko. Sana wag na syang magalit saken. Ang sabi kasi saken ni Papa, masama kapag may mga taong nagagalit sayo kaya hangga't maaari, iwasan ko daw yun.
Hahanap nalang ako ng magandang tyempo! At sana dumating naagad yung tyempong yun.
F A S T F O R W A R D ~
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGG!!*
YES! Uwian na! Madali akong lumabas ng school at dumiretso sa sakayan ng tricycle. "Magandang tanghali po Manong! Sa St. Clarette po tayo~"
Agad namang pinaandar ni Manong yung tricycle. Nangmakarating kami sa St. Clarette, nagpasalamat na ko at nagbayad. Syempre bumaba nadin ako at nagantay sa labas ng gate. Nag-antay ako and siguro after a minute lumabas si Suho at Kyungsoo. Syempre nilapitan ko sila agad.
BINABASA MO ANG
COURTING HIM. [CH]-Slow-update~
Ficção Adolescente"You'll only know how to value the things you have once you lose them." -Anonymous "Matututunan mo din akong mahalin no!" "Asa ka. Kahit anong sabihin mo, babae ka pa din. At ang mga babaeng tulad mo, panghabang-buhay kong kamumunghian." WARNING: CU...