Tulala ako buong klase. Hindi ko pinapansin si Jena sa aking tabi. Kanina pa siya dada nang dada, hindi ko sinasagot. I remembered what happened yesterday in our house, kung anong ginawa namin at anong ginawa ni Klaxon sa boyfriend ko. Ayaw kong maniwala sa kaniya, hindi niya naman gagawin 'yon, hindi ba? Kahit na masama ang ugali ni Jomar, ayaw ko siyang mamatay. Damn it, anong ginawa ko?
Dahil sa sinabi niyang 'yon ay lagi itong tumatatak sa isip ko. Hindi ba makukulong si Klaxon sa ginawa niya? Hindi ba ako madadamay? Kinuyom ko ang kamao ko at binaba ang kamay papuntang tiyan. Kahit anong mangyari hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang anak ko.
"Ano ba, Kelra! Kanina pa kita kinakausap oh!" angil ni Jena. Binalingan ko siya ng tingin kaso nga lang ay tumama ito sa mga mata ni Klaxon.
Nakatayo siya sa likuran ni Jena. Sobrang dilim ng kaniyang mukha at igting ang panga. Bigla tuloy akong natakot sa mukha niya ngayon. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin?
"Ano? Balita ko nasagasaan daw si Jomar kahapon, ah? Pupunta ka ba sa libing?"
Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Umiwas ako ng tingin at hindi sinagot si Jena. Tumakbo ako palabas ng room. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Nasa likuran pa si Klaxon na para bang nananadya.
Damn this!
"Kelra!"
"Stop following me, you monster!" galit na sigaw ko at naramdaman ko ang luha kong dumadaloy na ngayon sa pisnge ko.
Lumabas ako ng gate, pinara ko kaagad ang paparating na taxi. Hindi ko nilingon si Klaxon, natatakot ako. Nakita ko sa side mirror ang pagsunod ng mustang niya sa aming likuran. Shit! Hindi talaga ako titigilan ng lalaking 'to!
"Saan po, Ma'am?"
"Sa Cathedral po." Sagot ko. Binaba ko ang katawan para hindi ko makita ang kaniyang sasakyan. Pupunta muna ako ngayon sa abandonado naming bahay. Malinis naman iyon at binabantayan pa rin naman nina Manang Sales. Doon na rin sila pansamantalang naninirahan. Ayaw pumunta ni Mommy doon dahil kinalimutan niya na ang alaala nilang dalawa ni Daddy sa bahay na iyon.
Pinunasan ko ang luha ko. Mahaba-haba pa ang biyahe kaya tinuon ko na lamang ang atensyon sa aking cellphone. Muntik ko itong mahulog nang bigla itong tumunog at number ni Klaxon ang nakita ko sa screen. Shit! Sa sobrang kaba ay kaagad kong pinatay ang cellphone ko.
"Ma'am, kilala niyo po ba 'yang nasa likuran natin? Kanina papo kasi nakasunod sa atin,"
"Hindi ko po kilala, manong. Huwag niyo na lang pong pansinin." Sagot ko.
Hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya sa amin. Minsan napapansin ko ang duda sa mga mata ni manong pero hindi ito nag-abala na magtanong. Ngayon ay pantungo na kami sa madilim na parte ng aming bayan. Nakikita ko na ang mga batang naglalaro sa labas, mga nanay na nagchi-chismisan at mga taong tambay sa labas.
Tinuro ko kay manong saan ako bababa. Pagkatapos ko siyang bayaran ay tinakbo ko ang bahay namin. Malaki ang bahay namin dito, mansyon nga ito noon kaso nga lang ay dahil sa nangyari nasira ang ilang parte at naging maliit na lamang. Inayos nina Manang Sales ang iilang parte ng bahay. May dalawa siyang anak, sina Miya at Juanito na kapwa kaedad ko lamang. Nag-aaral sila sa bayan na 'to, mas angat lamang ako dahil nasa 3rd year college na ako ngayon habang sila ay nasa 2nd year college pa lamang.
Binuksan ko ang pintuan namin at bumungad sa akin ang malaking hagdanan. Naroon sina Manang Sales at ang kaniyang dalawang anak. Ang asawa niya naman ay nasa living room, may kausap na lalaking naka-tuxedo.
"Kelra? Ikaw ba 'yan?" Dahan-dahang lumapit sa akin si Manang Sales. Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap.
"Naku! Ang ganda ganda mo na, Kelra. Ang puti puti ng balat mo at medyo tumaba ka," umiwas ako. Lumapit na rin sa amin ang dalawa niyang anak.
Medyo hindi kami magkasundo ni Miya. Inggit na inggit kasi sa akin. Si Juanito naman ay papansin talaga 'yan. Nang makita ako ay binati niya ako. Si Miya naman ay umirap lamang sa akin saka pinuntahan ang ama.
Tumayo 'yong lalaking naka-tuxedo.
"Kumain ka na ba, Kelra? Tamang-tama nagluto ako." Iginaya niya ako sa maliit na kusina. Malawak ito noon, dito pa nga kami tumatakbo ni Juanito no'ng mga bata pa kami.
Ang laki na talaga ng pinagbago.
"Kumusta ka, Kelra? Ang mama mo?" Niyakap ko rin naman si Manong Lito.
"Ayos lang naman po. Hindi po muna siya bibista dito."
"Hindi na 'yon pupunta." Sagot ni Manang Sales. Tumango ako, sumangayon sa sinabi niya. Hindi naman talaga pupunta 'yon dito, nakitira na nga lang kami kay Klaxon. Mayaman naman 'yon, hindi lang professor.
"Ito na ba si Kelra Hadjehel?" pansin sa akin ng lalaking naka-tuxedo. Medyo may katandaan na ang lalaki. Mukhang mayaman din.
Umupo ako sa tabi ni Miya. Kanina pa 'to umiirap. Kung hindi ko lang talaga mahal si Manang Sales baka kanina ko pa siya pinalayas. Ang arte arte naman niya.
"Kelra, si Kaizen Vela Rosa."
"Hello po." Bati ko. Ngumiti naman a
siya at nagpaalam na aalis na ngunit sa pagbukas niya ng pintuan, niluwa non si Klaxon na madilim pa rin ang mukha.Nanlaki ang mata ng matandang naka-tuxedo. "Klaxon, what are you doing here? And whats with the chocolates?"
Nabaling ang tingin ko sa mga tsokolateng hawak niya. Bigla kong naramdaman ang pagkatakam nang makita iyon. Fuck, mukhang masarap.
"Dad." Nagulat ako. Umalis si Miya sa tabi ko at nilapitan sina Klaxon. Umarko naman ang kilay ko.
"Kilala mo ba siya, Kelra?" Nabaling ang tingin ko kay Manang Sales.
"Po?"
"Gustong-gusto 'yan ni Miya. Gusto nga niyang pumasok sa paaralang pinapasukan mo dahil sa lalaking 'yan, gwapo naman kasi at mayaman." Tila kinikilig si Manang habang nagkwe-kuwento.
Hindi ako sumagot. Tinuon ko na lamang ang atensyon sa pagkain. Biglang sumama ang pakiramdam ko nang maamoy ko ang malansang amoy nito. Fuck! Bakit ngayon pa.
"Kelra, ayos ka lang ba?" Tinakbo ko ang distansya ng banyo. Sinirado ko ang pintuan saka doon sumuka.
"Umalis ka dyan." Rinig kong boses ni Klaxon sa labas. Sino ang tinutukoy niya?
Sumuka muli ako. Not now baby, ayaw kong maghinala sila.
"Anong hinanda mong pagkain sa kaniya?"
"S-Sir?"
"Do I need to repeat it again?"
Mabilis kong inayos ang sarili bago nagpasya na lumabas. Mukhang sasabog na naman kasi siya, madadamay na naman sina Manang kapag nagalit 'to. Tanginang, Klaxon naman oh!
"S-Sir, paborito niya po 'yung bin—"
"Throw it away."
"Ano bang ginagawa mo dito?!" hindi ko na napigilan ang sarili.
Lahat sila ay napatingin sa akin. Gulat ang mukha nina Manang Sales, Miya at ang kaniyang Daddy.
"I followed you here, Kelra."
"Magkakilala kayo, Kelra?" kunot noong tanong ni Miya.
Pumikit ako. "Umuwi ka na, Klaxon. Wala ka namang—"
"Bakit mo siya pauuwiin, Kelra? Sino ka ba para utusan siya ng gan'yan?! Hindi ikaw ang magde—"
"SHUT UP!" galit na sigaw ni Klaxon. Hinilot niya ang kan6yang noo bago bumaling sa akin. Mahinahon na ang kaniyang mukha nang harapin niya ako.
"I'm sorry if I followed you here. I'm just worried, baby."
Napaiwas ako. Gusto ko siyang sigawan na huwag siyang umasta ng ganito pero huli na. Hindi ko siya mapipigilan sa anumang gusto niya.
Hindi na maganda 'to.
***
Don't forget to vote and leave a reaction!
![](https://img.wattpad.com/cover/303178175-288-k2875.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Professor (R-18)
RomansaKlaxon Vela Rosa is my professor and my soon-to-be father because he was my mother's boyfriend. He's good to me, but everything ruined when we both made a mistake. I had shared a hot night with my professor, and that's the worst thing I've done in m...