Chapter 7

91 8 0
                                    


#BIYA007

From Unknown Number: Show me a list of your rules before I hand you the contract. I want it encoded and printed. My office. 12:00 PM. - HET


Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ko ang text message. "HET? I HET you! Urgh! Umagang-umaga.", bulong ko sa sarili at pabagsak na ibinaba ang bag ko sa upuan nang makarating ako sa classroom. Inabot ko ang file case ko at inilabas ang printed copy ng ginawa kong mga patakaran na hinihingi ng babae.


I struggled to get enough sleep while contemplating things. Magdamag akong nagresearch tungkol sa mga ginagawa ng isang.. yung.. papasukan kong trabaho. Muntik na nga akong umurong nang makita ko kung gaano halos wala na silang suot. Stripper nga eh. But I thought about my sister. Naisip ko yung mga pangako ko sakanya, yung mga projects niya na inuutang ko, yung kuryente namin na hanggang ngayon, hindi pa naibabalik.


Inisip ko nalang, sayaw lang din 'to, 'di ba? Kita nga lang ang katawan. Pero okay na siguro na babae din yung makakakita. What's the worse that could happen? Isa pa, I get to set the rules. Ibig sabihin, I can limit the things I can and cannot do.


This may not be the most responsible and ideal solution pero sa ngayon, ito lang ang option na meron ako. In my situation, when life throws apples at you, take them, whether they come with poison or not.


"Hi, Clary."


Napalingon ako sa kaklase kong si Ethan nang tawagin niya ako. "Balita ko, nangunguna ka daw sa tally ng nominees para sa Miss Business Administration ah. Advance congrats, ha.", saad nito. Nakakainis naman! Iyon pa pala! Sino ba kasing nag-nominate sa akin sa pageant na 'yan, I didn't even agree in joining!


"Don't worry, kami na ng tropa ang bahala sa mga banners mo. 'Di ba, 'di ba?", siniko siko pa niya yung mga katabi niya at tumango naman ang mga ito. "Nga pala, gusto kong ibigay sa 'yo 'to, advance congratulations gift ko na.", dagdag pa ng lalaki at biglang may iniaabot na siyang round cake na yema na hindi ko alam kung saan niya kinuha.


Gulong-gulo ang isip ko habang ang mga kaklase ko naman ay naghihiyawan sa ginagawa niya. "Para saan ba 'yan, Ethan, hindi ko naman birthday.", tanong ko.


"Alam ko. Gusto ko lang i-celebrate palagi ang buhay mo. Kasi, you know my life completed when you existed."


"Yaaaan! Tama!", napatakip ako ng tenga nang bigla silang maghiyawan at mag-apiran sa likuran ko. Babanat na nga lang, wrong grammar pa! Kung sinuswerte ka nga naman at inaaraw-araw kang binibwisit ng kalikasan.


"Lubayan niyo na yang kaibigan ko at hindi kayo ang kailangan niya sa buhay.", kadadating lang ni Jaleya at agad niyang pinigilan ang mga baliw kong kaklase sa mga trip nila sa buhay. Inilapag nito ang bag niya sa katabi kong upuan. Mabilis kong ibinalik sa file case ang papel na hawak ko at baka makita pa niya.


"Clary, wala na ba talagang pag-asa si Ethan sa 'yo?", biglang nagsalita naman si Anton, tropa din ni Ethan. "Sigurado ka na bang babae talaga ang gusto mo?"


"Oo nga, Clary, ganda mo pa naman. Masasayang ka lang!"


Bad Idea, You Are [GLT 2]Where stories live. Discover now