Chapter 2

193 16 1
                                    

#BIYA002

"I told you, she is straight."


Jaleya spoke while spiraling her paper with a pen. Nakapatong pa ang pisngi nito sa kamay niyang nasa lamesa, mistulang napakalaki ng problema. We're sitting on a bench near the school canteen while we finish our worksheet in Taxation. Sa sobrang pagod ng katawan ko ngayong buong araw, gusto ko nalang umuwi at matulog. But then, I still have to work after school.


"Did you ask her that?"


"No.", she looked at me. "Why would I do that?"


"Kung ganoon, paano mo nalaman na straight siya?", napapikit ito at huminga nang malalim.


"I just know, Calista. Stop getting my hopes up.", inirapan ko nalang siya dahil hindi din naman niya ako pakikinggan.


She is talking about this girl she saw yesterday. Doon daw sa office ng Sirmata. A girl named Mareese. Na apparently, echoing Jaleya's words, ay "made her stop and stare" kind. Pero yun nga, mukha daw siyang straight. And we do not do straights. They're bad for our health.


"Nope. You stop getting your hopes up.", sagot ko, knowing how persistent she could be if she wants something. "Ayaw kong nakikita kang umiiyak-iyak. Mas lalo ka lang pumapangit.", I joked.


Her mouth forming an O. "Ang kapal ng mukha mo.", natatawang sabi nito. "If I make that girl mine, I will forget the whole of your existence."


"Mukha mo. Straight 'di ba, sabi mo?", patuloy ko siyang binibiro. I stood up from the bench and started to pack my things. It's already quarter to 5 in the afternoon and I still need to go to the Ledesma's.


"Whatever, Clary.", kita ko pa itong umirap. "Oh siya. Bumyahe ka na at baka gabihin ka na naman pauwi.", her voice shifted to wariness. Tumango lang ako.


"Sigurado ka na? Hindi ka talaga magpapahatid?", hirit muli nito.


I smiled at the thought of her concern. "Oo nga. Kaya ko na. Bumalik ka na doon at baka hinahanap ka na ni Mareese.", I emphasized the name playfully. She blushed in an instant, making me crease my forehead. Ang landi naman!


It was a 20-minute drive to the Ledesma's. Mabuti nalang at may pampasaherong jeep na agad nang makalabas ako ng school.


Their house is huge-huge. Hindi ganoon kataas, pero nasobrahan naman sa lawak. Yung tipong mahirap linisan. Mainly the reason why they hire part-time Yayas like me, kahit may mga katulong naman na sila. Nagtu-tutor din pala kasi ako doon sa bunso ng mag-asawa.


I rang the door bell twice before Mang Berto, one of the helpers, opened the gate.


"Oh Clary, pasok pasok.", masayang bati nito nang makita ako. "Nako, dumirecho ka na naman ba mula sa eskwela?", he added when he saw me wearing a uniform.


"Opo.", tipid kong sagot nang makapasok ako.


"Hindi ka na naman kumain 'no?", he gave me a look at huminga ito nang malalim nang hindi ako sumagot.


"Halika na. Pinagtabi ka na namin kanina.", ngumiti muli siya at nagsimula nang maglakad. Sumunod na din ako.


Si Mang Berto ay isa lang din sa mga kagaya kong tinutulungan ng pamilya Ledesma. Maswerte din nga ako at mababait silang lahat saakin. Naiintindihan nila na kailangan kong pagsabay-sabayin lahat, trabaho at pag-aaral, at hindi nila ako pinapagalitan sa mga oras na nagkukulang ako sa trabaho.


Bad Idea, You Are [GLT 2]Where stories live. Discover now