Chapter 12

5 5 0
                                    

Chapter 12

Ja's Pov

Pinsan, teka lang, sasama ako! " napalingon ako kay Jc na mabilis na sumakay sa kotse ko. 

"Hoy! Bumaba ka, kasama ko si Shane." Tinawanan niya lang ako. Pinapasok na lang namin ni Shane sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa dala niya. Bakit ang dami at dalawa pang bag na dala ni Shane? 

"Kanino ‘yan?" sabi ko sa kanya. 

"Sa best friend ko." Oo nga! Si Bee pala ang tinatawag niyang best buddy, akalain mong magkaklase ang dalawa, ibig sabihin, gusto rin ni Kambal ang mga fashion designer. Si Shane, kasi gusto niya ito. Magdedecorate siya habang nag aaral para daw kumita siya sa passion niya.

"Sabi mo best buddy mo ako diba Shane?" sabay tawa ni JC. "

Asa ka!" sabi ni Shane sa kanya. Nagdrive na lang ako kasi baka ma-late pa tayo at masisi ako ni Shane. Ang daming kwento ni Shane sa akin tungkol kay Bee hanggang sa makarating kami sa school na paulit-ulit na pinag-uusapan ni Shane. Mabilis na bumaba si Jc. Ako naman, inayos ko ko muna ang kotse ko. Pagbaba ko, napalingon ako sa gilid at may grupo roon na nakabantay malapit sa gate—mukhang ang grupo ni Cieron ang target nila. Kailangan kong malaman kung nasaan sila dahil nasa panganib ang kakambal ko.

“Shane mauna kamay titingnan lang ako sa labas." 

"Oh siya ingat ka. Tatapusin ko ang isang activity na hindi ko nagawa." Umalis na si Shane. Napatingin ako kay Jc na seryosong nakatingin sa akin. 

"Anong tinitingnan mo sa labas?"

"Bakit nandito ka pa? Pumasok ka!"

"Baka nakakalimutan mong bawal ka mag-isa." 

"Ano ako, bata!"

"Oo sabi ng kambal mo. Tsaka bakit ka lalabas kung nasa loob ka na?" Sa huli ay napilitan akong sabihin sa kanya. Hindi niya ako titigilan kung hindi ko sasabihin sa kanya ang dahilan ko. 

"Grabe ka! Paano kung may armas sila? Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ka sanay sa ganitong klaseng gulo, tapos aakto kang bida. Paano kung masaktan ka?"

"Nadamay din ako sa gulo. Akala kasi nila ako si Cieron nung nakita nila ako. Napagkamalan pa nila ako si Cieron?"

"Napagkamalan kang Cieron; ibig sabihin nakaharap mo na sila?" 

"Oo! Pero bugbog lang." 

"See! ‘Yan ang sinasabi ko. Hayaan mo sila. Malaki na sila, at alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin. 

"Mauna ka!" 

"Tangina, gago ka! Paano ka masasaktan?" 

"Kailangan ako ng kambal ko." 

"Wala dito kambal mo. Nasaan siya? Kaya huwag mong saktan ang sarili mo."

"Hindi nila kami maiisahan."

Lumingon ako kay Cieron. Tinignan ko siya ng seryoso na parang wala siyang pakialam sa sarili niya, para silang relax na magkaibigan. 

"See! Paano kung wala ako? Masisira ka. Alam mo, pagsabihan mo ang kakambal mo, ang tigas ng ulo."

"Shut up, Jc," mahinang sabi ko sa kanya. 

"Tama si Jc, huwag kang padalos dalos; alam na namin ang pagkatao nila, pero dahil matalino ako, hindi nila ako maiisahan." 

"Teka, bakit galit na galit sila sayo?" 

"Hindi mo na kailangang malaman pa." Sabay akbay ni Dann sa akin. 

"Simple lang. Matagal na silang natalo, at hindi lang nila matanggap ang pagkatalo nila. Tayo lang ang lumaban sa kanila. Simula noon naging tinik na tayo sa buhay nila, at lagi naming naiisahan ang grupo. Ang bobo kasi, nagyayaya ng basketball pero hindi naman marunong.

"That you cheated," sabi ni Brent habang nakatingin kaming lahat sa kanya. 

"Ginagawa mo." 

"Estudyante dito. Bakit masama?" 

"Brent, tigilan mo nga ako sa pakulo mo. Baka ikaw pa ang mabugbog ko sa kanila." 

"Subukan mo. Baka nakakalimutan mo, kapatid ako ng minamahal." 

"Paki ko. Tara na!" Hinila ulit ako ni Cieron. Lagi naman siyang ganyan. Binitawan ko siyang sumunod ako sa kaniya. 

"Saan ka nagpunta?" tanong ni Jc na ngayon ay nagtatalo na kina Shawn at Dann habang si Brent naman ay natutuwa sa pang aasar sa kakambal ko. 

"Secret." Tumawa lang si Dann. 

"Shawn Chick." napalingon ako sa sinabi ni Jc. Syempre iba rin ang lokong ito. 

"Ayan ka na!" Sabay tulak ni Cieron kay Brent, ibig sabihin ay 3rd year na si Brent at kumuha din siya ng civil engineering course. 

“Wag niyo ako iwan. Tangina niyo kapag ako binalikan ng mga iyon."

"Buti nga sa'yo, ikaw ang puno't dulo nito." Napalingon ako kay Brent, tanging tawa lang ang sinagot niya sa kakambal ko.

"Paano siya ang puno't dulo?" Iba rin talaga pandinig ni JC, eh! "Narinig pa talaga niya habang nakikipag harutan sa dalawa."

“Paanong sinulot ang hindi sa kanya?"

"Sinulot ang kasintahan ng lider ng gangster."

"Gago ka, Dann, anong sinulot? Si Shawn ang tanungin mo."

"Bakit ako!" Napatingin ako kay Cieron. Naiinis yung mukha niya sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Sumunod naman ako nang makasalubong namin sina Nate at Leck na nakakunot ang noo. Problema nito. Hindi ko na lang pinansin, tinalikuran ko na sila. 

Napatingin ako kay Cieron na tahimik ngayon sa upuan niya na parang nag-iisip ng malalim. Hindi na lang ako lumapit; ayaw ko, baka ako pa ang mapagdiskitahan ng loko. Kahit gustong-gusto ko siyang tanungin kung kailan niya balak na ipakilala ako bilang pamilya niya. Sa ngayon, tumabi na lang ako sa mga kaibigan ko at tahimik na rin akong umupo. Hanggang sa dumating ang prof namin, ako naman ay hindi mapakali. Ang tahimik ng katabi ko, hindi ako sanay. Hanggang sa natapos ang huling subject namin ngayong araw. Nauna nang nagpaalam sa amin ang prof namin sa P.E., hindi kami pinalabas ngayon. Sumunod ang mga kaklase namin na nagtutulakan palabas ng room, habang kaming dalawa ay tahimik lang, napatingin ako sa kanila.

“Ang tahimik niyo?"

"Tara na nga!" Sabay hila ni Nate kay Leck. Nagkatinginan kami ni Jc. Tangina nangyari sa dalawa. Napalapit si Jc sa akin.

"Nangyari?"

,”Aba! Malay ko! May topak ang mga iyon."

 "Ay! alam ko!” bulong niya sa akin. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. 

"Seryoso ka?" Tinawanan niya lang ako. 

"See! Baka ngayon magsusumbong ‘yan kay Jary." Si Jary lang ang malayo sa amin. Bata pa lang hilig na niya mag drawing kaya fine arts ang course niya. 

"Tara na!" napalingon ako sa sigaw ni Dann. 

"Hindi sasama si JA sa inyo, sa amin siya sasama." Napatingin ako kay Leck, napakunot-noo ako—bumalik pala sila.

"Mamili ka na pinsan. Sa amin o sa kambal mo." Syempre hindi ko alam isasagot ko habang pinagtatawanan pa ako ng pinsan ko. Hindi man ako  tulungan. Sa huli sa kambal ako sumama, napakalakas ng hatak niya sa akin. Tinignan ko lang ‘yong mga kaibigan ko bago kami umalis.


Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon