Chapter 14
Ja's Pov
Hoy! Natulala ka niyan. may problema ba" Napatingin ako kay Shane na ngayon ay abala sa kanyang ginagawa. May event siya ngayon at kasama niya si Bee, na ikinagulat ko na kung hindi siya dumating ng maaga ay hindi ko malalaman. Nagtaka ako kung bakit hindi siya hinatid ni Cieron. Hinayaan niya si Bee na mag-isa.
“May mali!" mahina kong sabi, mahirap na baka marinig ni Bee na busy sa kakalikot ng picture namin.
“Anong 'may mali'?" Napakunot-noo pa si Shane, naguguluhan sa sinasabi ko.
"Sige na, baka ma-late kayong dalawa."
"Loko ka, hindi mo ako ihahatid."
"Ah! Ihahatid ba kita?"
"Oo! Male-late na tayo." Tumahimik na lang ako. Bumangon na ako. Kinuha ko na lang ang susi ng kuwarto ko. Mabilis akong bumalik dahil sa walang sawang ingay ni Shane. Bumalik agad ako.
"Tara! Hindi ka nahihiya sa kasama mo. Ang ingay mo."
"Sanay na ako sa bibig ng girlfriend mo. Pero ‘wag niya akong atakihin dahil aatake din ako sa kanya." Oo nga pare pareho ang ugali nitong dalawa. Hindi na ako nagtataka kung pareho kami mamili ng taong mahal namin. Ang pagkakaiba nga lang ay maingay si Shane at hindi katulad ni Bee na tahimik kapag magkasama sila ni Cieron, kaya ang loko tahimik kapag si Bee ang nasa harapan niya, samantalang kapag kami ni Cieron ang kaharap, daig pa namin ang mga robot na nakasunod sa kaniya. Siya kasi ang batas at nasusunod sa grupo, at hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Kailangan ko silang pag-imbestigahan at alamin kung ano ba talaga ang totoo, kung bakit galit na galit siya kay Brent na halos ipagtulakan niya.
"Halika na nga.” Hinatid ko sila sa destinasyon nila na inabot kami ng dalawang oras, kaya naman nagpahatid si Shane sa ibang lugar sila pupunta.
"Salamat." mahinang sabi ni Bee sa akin.
“May problema ba?" mahina sabi ni Bee sa akin.
"Wala!" Ngumiti lang siya sa akin. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Ingat ka. Alam kong may gumugulo sa utak mo. Ni hindi kita lubusang kilala—kung ano ka ba talaga! Pero hindi pa rin nawawala ang pagkakapareho mo sa kakambal mo. Mga kilos at pananahimik mo lang alam na alam ko na. Diba, may iniisip ka ba?" Napatingin ako kay Bee. Hindi ako makalusot sa kanya. Mukhang nahulaan niya ang gusto ko.
"Sino ba ang humabol sa kanila at bakit parang naiinis pa rin siya sa kapatid mo?" Natahimik si Bee sa sinabi ko.
"Ano ba talaga ang totoo?"
"'Wag mo nang sisilipin ang nakaraan. Manahimik ka. Hindi mo kilala ang kambal mo. At isa pa, sundin mo ang sinasabi ng kambal mo. Kung maaari, iwasan ang mga taong hindi mo kilala. Mabait si Cieron sa mga taong mabait sa kanya.' Oo, pero kapag kinanti mo ang taong mahal niya, makikita mo si Cieron. Kilala siya bilang isang bad boy pero mahal siya ng mga tao sa paligid niya. Si Cieron ay mapagmahal at matulungin sa mga nangangailangan, kaya naman siya minamahal. Ito lang ang masasabi ko sayo. Don't give Cieron a reason to be different." Tinapik niya ako. Nataranta ako sa sinabi niya. Sa haba ng sinabi niya, ito ang huling naalala kong sinabi niyang 'Hindi ko dapat bigyan ng rason si Cieron to be different. Napakunot ang noo ko na iniwan nila. Bumalik na ako sa biyahe. Ngayon ay nakaramdam na ako ng gutom; hindi pa nga ako nag-almusal. Naghanap ako ng makakainan hanggang sa mapalapit ako sa isang lomi-han. 'Lomi-han para sa lahat.' Sobra akong namangha, ang daming kumakain at halos wala na akong makitang space.
“Kakain ka ba?" Napaangat ako ng tingin sa matandang babae na nakangiti at nakaharap sa akin. Tumango na lang ako.
"Halika, may puwesto para sa'yo." Sumunod na lang ako sa kaniya. Bigla akong nahiya—may nakareserve pala
"Sige na. huwag kang mahiya. This is for beginners like you." May katabi sa table nagsalita." Ngumiti lang si Manang sa akin. Dahil ayokong magfeeling special, sumunod na lang ako. Nakaupo ako habang naghihintay ng order ko. Napatingin ako sa kanila, at halos wala ng space sa loob.
"Ito na po sir." May ibang nagbigay. Kinuha ko at binayaran. Kumain na ako. Unti unti kong ninanamnam ang bawat kagat ko. Ngayon lang ako nakatikim ng lomi na sobrang sarap. Kaya naman dumagsa ang lahat dahil sa kakaibang lasa niya na wala sa iba. Kaya pala nakalagay 'Lomi para sa lahat.' Halos sinimot ko ang laman hanggang sa wala nang natira. Pagkatapos kong kumain, lumapit ako kay Manang para purihin siya at sabihing babalik ako kasama ang mga kaibigan ko. Tsaka ako nagpaalam. Umalis na ako, at habang nagda-drive, naalala ko ang napag-usapan namin ni Bee. Dahil wala naman akong kasama, pinuntahan ko si Cieron. Kumatok ako sa may gate. Tangina, 'wag nilang sabihing hindi pa sila gising ng ganitong oras—halos apat na oras na akong bumiyahe pabalik! Kumatok ulit ako. Nagulat si Cieron nang pagbuksan niya ako.
“Ginagawa mo rito?"
"Binibisita lang. Masama ba?”
"Sinabi ko bang pumunta ka?" Ayan na naman siya na nakasalubong ang mukha. Kambal ko ba 'to? Sala sa lamig, sala sa init. Parang babae kasi ang ugali.
"Bakit ba galit na galit ka?" sabi ko sa kanya.
“Ang dami mo nang sinasabi." Sabay hila ni Cieron sa akin. Ako naman, napa sunod na lang ako sa masungit kong kakambal. Ganito naman ako lagi, taga-hila ng kakambal ko.
"Ano'ng ginagawa niya rito?" Seryosong umupo si Dann. Napatingin ako sa kanya. Ang aga naman dumating ang tanga. Nasabi ko na lang sa isip ko.
"Diyan muna siya. Bantayan mo siya. Maya-maya ay nandito na si ate Chie." Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanya.
"Ate Chie," sabi ko ulit.
"I'm sorry. Sa ngayon bawal kayong magkita."
"Ano!" Biglang sumulpot kung saan nanggagaling si Shawn.
"Ah! Basta. May tamang panahon at oras; unahin natin ang mga kalaban natin at aayusin ko ang ating sa oras na wala nang gusot." Hindi na lang ako nagsalita. Baka may tamang panahon at oras. Kahit gaano ako kasabik na makita ang kapatid ko ngayon ay wala akong magagawa. Sasakyan ko ang bawat trip ni Cieron.
“Paano mo nalaman?" Sabay akbay ni Leck na may nilalamon na lumpia.
Nakakadiri ang isang 'to na may hawak na lumpia.
"Wag kang aalis diyan. Kakausapin kita mamaya." tumango lang ako. Tsaka, iniwan kami ni Cieron.
"Baliw ang kambal mo. Ayaw pa niyang mapalapit sayo.”
"Shawn, alam mo naman ang dahilan ni Cieron. Wag mong bigyan ng meaning si Ja."
"Anong ginagawa mo dito. Paano mo nalaman?" Paulit ulit na sabi sa’kin ni Leck.
"Kuwento sakin ni Brent. Minsan niya akong sinama, pupuntahan daw niya ang kapatid niya."
"Tangina si Brent, hindi talaga maasahan. Malapit pa sa gulo," nakasimangot na sabi ni Dann.
"Mauna na ako. Kayo na ang bahala diyan. Syempre gutom ako. Masarap ang luto ni Ate Chie.”
"Gago mo Dann, ganoon din ako." Sabay talon ni Leck.
“Sa lagay na 'to, kayo lang. Sasama ako. Gutom na rin ako. Mamaya ka na lang, Ja. Tirhan ka na lang namin, ah! Sa ngayon, dito ka lang; malilintikan kami ni Boss Cieron." Tumango na lang ako. Kasya pang makipagtalo sa kanila, kaya sinunod ko na lang ang utos ng kakambal ko. Siguro nga sa tamang panahon, sa ngayon ay maghihintay ako. Iniwan na nga nila ako. Dahil sa kakulangan ko sa tulog, nakaidlip ako.
BINABASA MO ANG
Twin Affection
Storie d'amoreSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na binatilyo. Sa kabila ng pagiging bad boy niya, minahal at tanggap siya ng buong pamilya niya sa paligid niya. Ngunit ito ay isang malaking palaisipan nang makilala niya si John Andrew, na kilala...