Chapter 15

9 5 0
                                    

Chapter 15

JA's Pov

            

“Buti! Naisipan mo pang bumangon." Umupo ako habang nakatingin kay Cieron. Nakasalubong na naman ang kilay niya. Bakit ba ang init ng ulo nitong isang 'to? 

"Hala ka, kanina ka pa kasi ginising ng kakambal mo, pero hindi ka man lang natinag. Ang sarap ng tulog mo. Pagod ka kasi. Ako, sa'yo, umuwi ka na kasama ang girlfriend mo. Kanina pa niya binabara ang kakambal mo.”

bulong sa'kin ni Dann. Ako naman, biglang nagising ang diwa ko. Tinignan ko ‘yong phone ko 8 p.m na. Ibig sabihin nakatulog ako ng mahimbing. Napatayo ako ng marinig ko ‘yong boses ni Shane. Totoo! nandito si Shane. Sino sumunod sa kanila.

“Sige na, bumaba ka na. 'Wag ka nang mag-isip kung sino ang sumundo sa kanila, dahil ako lang naman ang sumundo. Panay tawag sa'yo ng girlfriend mo, sinagot ko na ang tawag niya. Tangina, naririndi na ako sa phone mo. Next time, paki-hinaan ang volume, parang buong kalye ata pinaparinig mo. Bingi ka ba? Hindi mo ba kayang hinaan ang phone mo? Gusto ko nang sapakin ang kakambal ko, kasama ng kaibigan niya—kung makatawa, wagas. Tangina, pinigilan ko lang ang sarili ko, pero kanina pa talaga ako kating-kati na sapakin sila. Kinokontrol ko lang hangga't kaya ko. Tinalikuran ko na lang sila at bumaba na ako. Nakita ko si Shane, kumakain at masayang nakikipagkuwentuhan kay Bee.

“Gumising ka na prince." Kumunot ang noo ko, humarap kay Shane. Tapos tinawanan niya lang ako. 

"Ano! Pinagalitan ka ng kambal mo." 

"Tigilan mo nga ako Shane." Sa huli tinawanan lang nila ako. 

"Kumain ka na. Para sa’yo ‘yan.” Ang damot ng kakambal mo. Ang sarap sabunutan." Napangiti ako sa naalala ko. Mabilis akong napaupo at agad na kumuha ng kanin, saka kinuha ang adobong dala ng ate ko.  Ninanamnam ko ang bawat kagat ko. Tumingin sa akin si Shane at kumunot ang noo. 

"Alam ko! Bakit ganyan ang boyfriend mo?" Napatingin ako kay Bee. 

"Bakit?" 

"Si Ate Chie kasi ang nagluto niyan. Tama ba ako na nandito si Ate Chie? Kahit hindi mo sabihin, alam kong nandito si Ate Chie. Mahal na mahal niya si Cieron, at tuwing Sabado ay nagdadala siya ng anumang uri ng pasalubong na laging may prutas. Sila ang may-ari ng C Fruit Supplier.” Nagkatinginan kami ni Shane, at ngayon ko lang nalaman. Oo, inalam namin ang buhay ng pamilya ko kung bakit ako nandito, pero itong bagay na ito ay hindi ko alam.

“Nagulat kayo sa sinabi ko. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan kayo. Ayaw ipaalam ni Cieron ang koneksyon niya sa pamilya niya. Siguro dahil sa nangyari no-on," Mahinang sabi ni Bee.

"’Wag na nating pag-usapan. Ito lang ang maipapayo ko sa iyo. Mag-ingat ka. Shane, ingatan mo ‘yan, boyfriend mo. 

Pero kung ako ang masusunod, bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo para sa ikabubuti mo. Madadamay ka kasi, Ja. Madadamay ka, gusto mo man o hindi. Alalahanin mo, magkamukha kayo.

"Bakit." ‘Yon lang ang nasabi ko kahit alam kong wala silang tiwala sa'kin. Tinalikuran lang kami ni Shane. 

“Tingnan mo ang babaeng iyon. walang galang. Awatin mo ako! Sasampalin ko 'tong bruhang 'to." 

"Let's go!" Hinila ko si Shane. Tangina, parang may naamoy akong gulo. Itong isa, palaban rin. Akala ko magkaibigan 'tong dalawa

“'Aalis na kayo?' mahina ang sabi ni Shawn.

'Oo, baka makasapak ako,' sabi ni Shane."

“Alis na kami, pakisabi na lang sa kanila." Hinila ko si Shane. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. 

Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon