Chapter 13

140 1 0
                                    

Killian’s Point of View:

It was a normal day for me to go to school and enter college life. I was busy scheduling all the events that happened in this school together with the grades. Hawak ang paborito kong kape na gawa ni Bridget ay pinagmasdan ko s’ya pagpasok ng library dala ang mga gamit niya. Tumayo ako agad at mabilis na pumunta sa harap niya.

“Can I sit?” tanong ko. 

“K-Killian!” Halatang nagulat s’ya sa biglaang pagdating ko. Nagtaas ako ng kilay. Tumikhim s’ya at tumango. “S-Sige. Upo ka diyan.”

“Thanks. Assignment?” tanong ko ng makaupo ako. 

“Ah, oo. Hindi ko natapos kagabi kasi ang dami ko pang ginawa. Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang nagsusulat sa notebook niya. 

Sasabihin ko bang gusto ko s’yang makita? Probably, not Killian. Tumikhim ako at pinaglaruan ang ballpen niya na nakalagay sa lamesa. 

“Vacant namin. Free ka ba ngayon?” tanong ko. 

“Uh… oo naman.” Natawa si Bridget. 

“Mahilig ka ba sa mga motor racing? Si Scarlet kasi kasali doon. B-Baka lang gusto mo sumama,” sabi ko. Nagbabakasakali na pwede ko s’yang isama mamaya dahil wala lang, gusto ko lang. 

“Niyayaya mo ba ako ng date?” May halong pang-aasar ang boses ni Bridget. 

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Pakiramdam ko nalunok ko agad ang kape na iniinom ko dahil sa kanya. Natawa si Bridget kaya tinapik ko na naman ang dibdib ko. Relax, tang ina. Si Bridget lang ’yan, si Killian ka. 

“Joke lang. Free naman ako ngayon kasi wala akong pasok mamaya. Mahilig pala kayo sa motor ’no?” tanong niya. 

“Oo lalo na si Scarlet,” sabi ko. Tumayo agad ako dahil tumayo s’ya. “Mahilig silang dalawa ni mommy at kung makikita mo ang mansion namin, punong-puno ng motor.”

Natawa si Bridget. “Talaga? Ang cool naman!”

I opened the door for her and I let her go first before me. Sinirado ko ang pinto at agad na sumunod sa kanya. Napatingin ako sa tatlong libro na nasa kamay niya kaya agad akong huminto at ganun rin s’ya. 

“Let me handle those books,” sabi ko at basta na lang kinuha ang mga libro. 

“Okay lang? Baka mabigat,” mahinahong sabi ni Bridget. 

Natawa ako. “I always go to the gym, that's why it’s impossible that I can’t carry these books.” Nagtaas ako ng kilay. 

Napailing si Bridget. Sabay kaming naglalakad papunta sa labas at nakita agad ang mukha ni Jamillah. Umirap ako sa kawalan nang makita ang nang-aasar niyang mga mata. Akmang mag-iiba ako ng daan nang humarang ang madaldal na si Jamillah. 

“Uy, magkasama na naman kayong dalawa!” Ngumiti si Jamillah at kumaway kay Bridget na ngumiti. “Hi, Jamillah nga pala. ’Wag ka na magpakilala, kilala na kita.”

“Hello,” natawa si Bridget.

“Aba… iba ngayon ah? Nagbubuhat si Killian ng libro?” pang-aasar ni Zev. “Hi, Bridget. Zev pala.”

“Shut up,” mariin kong sabi. 

Hindi nila tinigilan si Bridget at sila pa mismo ang humawak sa kanya. Napa buntong hininga ako at sumunod sa kanila habang hawak ang mga libro. Umupo kami sa bench at tumabi ako kay Bridget. Natawa si Jonathan sa tabi ko at sumipol na parang may pang-asar na naman.  

“Lakas ng tama kay Bridget ah?” nakangising sabi ni Jonathan. “Sabagay… matured at maganda. Mabait pa.”

“Stop that, Jonathan,” sabi ko. “I’m just helping her. Walang malisya.”

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon