Chapter 11

416 7 4
                                    

Killian’s Point of View:

“Killian, I want to visit your school. I want to know if everything is fine.” 

Napatingin ako kay Lolo Buenaventura habang kumakain kami sa mansion niya. I looked at Lolo Villacorta too because he was also shocked. Grandfather did not come out for several years because there were many attempts on his life. This is the first time he has the strength to go out again because he was too busy at the palace. Mommy Athena looked at him, cleared her throat, and sighed.

“A-Are you really sure, lolo?” tanong ni mommy. Bumuntong hininga si mommy dahil kumunot ang noo ni Lolo Buenaventura. “I’m sorry If I forbid you to go out. Nag-aalala lang naman ako dahil ayaw ko ng maulit ang nakaraan.” Tinignan kaming lahat ni mommy. “Ayoko na ulit malagasan ang pamilya natin.”

Lolo smiled. “It’s okay, Athena. Nag-enjoy naman ako sa Spain dahil kasama ko ang mga Villacorta.”

“Ngayon papayagan kitang lumabas pero kasama mo ang royal guards. Lalo na ngayon na nalaman kong maaaring buhay ang anak ni Ezra at nanatiling buo ang Black Roses,” seryosong sabi ni mommy. 

Napasinghap kaming lahat sa sinabi ni mommy. Black Roses are our enemy because they killed our empress. Wala kaming naging balita sa kanila dahil tahimik sila. Ngayon na sinabi ni mommy ang tungkol doon, nakakagulat.

“But I’m not sure about that but her eyes?” Bumuntong hininga si mommy. “She looks like Ezra. Ramdam ko ang aura sa batang ‘yon ng makita ko s’ya pero hindi pa rin ako sigurado hangga’t hindi ko nalalaman na may koneksyon ang batang ‘yon sa kaaway natin.”

“Should we investigate? After all, they killed our empress. Malaking kasiraan ‘yon sa ating pamilya na nagawa nilang patayin ang empress sa ganon ka-brutal na paraan,” sabi ni Tito Alfred.

“We can investigate but for now, ako muna.” Tinignan kaming lahat ni mommy habang si daddy naman ay nakatitig kay mommy. “Hinahanap ko pa rin si Hanz at gusto kong malaman kung buhay pa ba s’ya o hindi.”

“Hindi pa rin nahahanap si Hanz? Ang tagal na bago s’ya nawala,” sabi ni daddy.

Tumango si mommy. Nanatili akong nakikinig sa kanila dahil ang totoo, wala naman akong alam sa kung sino-sino ang miyembro ng Black Roses. I accidentally look at my sister who’s looking at me like… she’s waiting for me to look at her. Kalaunan ay tumango si Scarlet na para bang nabasa niya tanong sa isip ko.

“Sa ngayon, kailangan natin maunahan ang Black Roses. Kung kailangan bantayan ang isa’t isa ay gawin nating lahat.” She looked at us. “I won’t let anyone die, not this time.”

Pagkatapos naming kumain ay pasimple akong pumunta sa likod ng bahay at nakita ko kaagad si Scarlet na nakaupo sa rattan hammock. Umupo ako sa tapat niya at hinintay ang sasabihin niya. 

“I know you know something,” seryosong sabi ko.

Nagtaas s’ya ng kilay. “Kaunti lang ang alam ko.” Umayos s’ya ng upo at pinagmasdan ako. “Actually, kilala ko kung sino ang Black Roses base sa kanilang role sa organisasyon.” 

Napasinghap ako. Hindi nga talaga mali si mommy kay Scarlet. Madaling maintindihan ni Scarlet ang lahat kaya naman hindi kami nahihirapan kapag may sitwasyon na mahirap. Titingin lang s’ya sa relo niya at pagkatapos non, kikilos na s’ya na para bang nasanay s’ya na may oras ang bawat galaw niya. Hindi s’ya tatawaging ace ng Buenaventura kung hindi s’ya ganun kagaling. 

“Black Roses is the biggest organization in history. Binubuo sila ng napakaraming tao sa loob ng organisasyon nila at ang tanging ulo ng Black Roses ay si Ezra Gutierrez. Malaking kaaway ang grupo na ‘yan dahil pinatay nila ang empress ng Spain at bilang paghihiganti, pinatay ni mommy si Ezra,” kwento ni Scarlet. “Naiwan ang anak ni Ezra sa hindi kilalang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay taon ang tanda sa atin ng babae niyang anak.”

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon