Chapter 8

288 6 0
                                    

Bridget's Point of View:

Hindi ako papayag na i-bully ako ng mga tao dito sa school dahil sa pagkakaiba namin sa estado sa buhay. Kung ang ibang estudyante ay nagagawa nilang i-bully, hindi ako papayag ng ganon. I sighed while eating. Dumiretso ako sa canteen para bumili ng pagkain at ikalma ang sarili ko. Marami akong ginagawa at wala akong oras para sa mga bully. Pinag-iisipan ko pa kung saang club ba ako sasali.

"Ang tapang mo kanina. I envy you," sabi ni Harmony. "Kahit ako... namangha rin ako sa 'yo kanina kasi bihira sa mga estudyante ang ganon."

"Bakit? Binubully ka rin ba?" tanong ko. Umiling s'ta at natawa. "Kapag alam mong nasa tama ka 'wag kang mahihiyang ipaglaban ang sarili mo."

"Yes, I know. Namangha lang talaga ako kanina. She deserves your word, though." nakangiting sabi niya. "I even saw Killian looking at you and I think he was amazed too."

Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa kabilang table kung nasaan si Killian. He looked at me and I remembered our small interaction at the coffee shop. Iniwas ko kaagad ang paningin ko at ngumiti na lang kay Harmony. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa klase dahil laging sakto sa oras dumating ang mga prof.

"Module 2 will let you distinguish forms of contemporary art from the different regions of the forms integrated together to come up with contemporary art that is truly distinct and Filipino," she said. "Integrative art can be found in contemporary art. Filipino artists are adept at creating artworks from different materials, both traditional and non-traditional. Different elements and forms are integrated to create contemporary Philippine art."

Nasa module 2 na kami. Ganun kabilis magturo ang teacher namin sa subject na 'to. Hindi rin masyadong mabilis at hindi rin mabagal kaya naman marami kaming natutunan. We're now concentrating at Contemporary Art at ito ang ang lesson na hindi ko masyadong ma-gets. Kaya naman handa akong makinig sa lahat ng sasabihin ng teacher.

"Contemporary art is influenced by the economic, social, political, and environmental context in which the artist is immersed. It can be said that contemporary art is the artist's expression of his perception and comprehension of these contexts."

Binigyan niya kami ng examples ng Contemporary arts. We have visual, performance, applied, and literary arts. I have to list everything para mapag-aralan ko at hindi ako ma-blangko sa exam. Inisa-isa niya ang ibig sabihin ng bawat isa at nagbigay rin s'ya ng senaryo at halimbawa.

"Bridget, can you give me performance art?" tanong niya.

Tumayo kaagad ako at mabilis na sumagot. "Theater Art: stage, film, street play."

She nodded her head. "Very good. How about visual arts?"

"Installation art and pop art," mabilis kong sagot.

Nag tuloy-tuloy ang klase hanggang sa nagkaroon ng break time. Bumuntong hininga ako at agad na tinignan si Scarlet na nakaupo at nagsusulat pa. Ngumiti ako sa kanya at agad na tinanguan si Harmony na ngumiti sa akin.

"Tara na?" tanong ko. "Hindi ka kumain kanina. Nagugutom na rin ako."

"Okay, I'm hungry na nga kanina pa," natatawang sabi niya. She looked at Scarlet. "Scarlet, hindi ka sasabay?"

Scarlet looked at us and smiled. "Hindi muna. May kailangan rin akong puntahan after this subject. Mauna na kayo! Thank you."

Scarlet is so pure at mabait naman talaga s'ya kaya nagtataka ako na bakit hate na hate s'ya ng mga tao dito. She's a campus crush, I get it, pero ang makatanggap ng hate words galing sa ibang tao ay nakakapagtaka. Mabilis kaming pumunta sa locker room at napatili si Harmony nang biglang may humawak sa akin. Napatingin ako doon at nakita kong ibang babae na naman.

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon