Chapter 14

238 1 0
                                    

Bridget’s Point of View:

Umaga pa lang ay pawis na pawis na ako dahil sa training. Natuto na ako sa pag hawak ng baril at pag-asinta gamit ang baril. Natuto na rin ako gumamit ng kutsilyo at iba pang matulis na bagay. I don’t know why I am doing this where in fact, hindi gawain ito ng isang college student. 

“Magaling ka na. Hindi ka na nga dapat turuan pa.” Natawa si Tito Romeo. 

“Bakit po ba kailangan kong gawin ang lahat ng ’to, tito?” naguguluhan na tanong ko.

Bumuntong hininga si Romeo. “Dahil ’yun ang utos ng mama mo.”

Natigilan ako at napatingin kay Tito Romeo na seryosong nakatingin sa kutsilyo. Napa kurap ako at agad na tumabi sa kanya para kausapin s’ya tungkol sa nangyari kay mama. 

“A-Ano po ba talagang nangyari kay mama, Tito Romeo?” seryosong tanong ko. 

“Pinatay ang mama mo, Bridget,” he said. “Nagkaroon ng matinding laban noon sa pagitan ng mama mo at dati niyang kaibigan at doon… bago s’ya lumaban ay nagtago ang mama mo para alagaan ka. Tinago ka niya hanggang sa manganak s’ya.”

“Ano pong laban?” tanong ko. 

Kinuha ni Tito Romeo ang baril at pinaglaruan. “Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon dahil masyado ka pang bata.”

“Tito, twenty-one na po ako. Maiintindihan ko na po ang mga bagay-bagay… kaya please? Ano pong laban ang sinasabi niyo?” Desperado na talaga akong malaman. Gustong-gusto kong makilala ang mama ko. Sapat na ang twenty one years na pagtatago sa nakaraan.

Bumuntong hininga si Tito Romeo. “May isang organisasyon na kung saan parte non si Ezra… ang mama mo. S’ya ang namumuno doon kasama kami. Ako, bilang matalik na kaibigan ng mama mo ay sinamahan s’ya pero pinatay s’ya. Walang ginawang masama ang mama mo… biktima lang rin s’ya.” Malungkot na ngumiti si Tito Romeo. 

Napa kurap ako at natigilan dahil sa sinabi ni Tito Romeo. Hindi ko maisip kung anong itsura ni mama noon. Wala man lang akong picture niya o kahit anong palatandaan sa ugali ni mama. Laging sinasabi sa akin ni Tito Romeo na nakuha ko raw ang talino at diskarte ni mama. Nakuha ko raw ang pagiging matapang ni mama. 

“Kaya sinabi sa akin ng mama mo na alagaan kita. Na pagdating ng araw, hahawak ka ng baril at iba pang gamit sa pag-depensa sa iyong sarili. Dahil sa huli... mag nag-aabang sa ’yo para makita ka.” Ngumiti si Tito Romeo. “Isa pa pala... hindi ka basta-basta magtitiwala sa mga nakapaligid sa ’yo dahil tandaan mo, kung sino pa ang nakakasama mo at nakakausap mo... baka ayan pa ang magdala ng panganib sa ’yo. Naiintindihan mo?”

Tumango ako. “Opo, Tito Romeo.”

Pagkatapos ng training ay pumasok na agad ako sa school. Iniisip ko pa din kung sino ang pumatay kay Mama Ezra. Para akong nakalutang habang naglalakad ako papasok sa school. Napapikit ako ng tumama ang noo ko sa matigas na bagay. 

“Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo,” kalmadong sabi ni Killian. 

Dinilat ko ang mga mata ko at napasinghap ng makita ang pader. Napatingin ako kay Killian na seryosong nakatingin sa akin habang nasa pader ang kamay niya. Umatras ako at natawa. 

“Pasensya na... malalim lang ang iniisip ko,” sabi ko. 

“Ibang pasa na naman?” tanong niya. 

“Huh? Anong pasa ang sinasabi mo?” natatawang tanong ko. 

Tinuro nito ang pulso ko kaya napatingin ako doon. Namumula nga at may gasgas pa siguro dahil kay Tito Romeo. 

“Uh… wala lang ’to. Kanina kasi ay kumilos ako doon sa bahay at baka tumama lang ’to sa may kanto,” sabi ko. 

“What are you thinking?” tanong niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon