pagkakinabukasan tinignan ko na agad kung nag reply naba siya ngunit wala akong nakita
pagpasok pa lang sa skwelahan nakita ko agad ang sila angel at nicole kaya sinabi at pinagmayabang ko kung pano kami magpasahan ng mensahe.
bandang hapon chinat ko siya
"Hi cle how's your day?" ngunit ako'y nasaktan ng wala akong makitang reply kaya sa sumunod na araw hindi na ulit ako nag abalang i chat siya.
akala ko pa naman sign na yun para makilala ko pa siya kahit sa chat man lang pero pang good in one night lang pala HAHA saklap par
ang pinaghahawakan ko nalang ang sinabi ng iba na focus ito sa acads at NGSB din daw ito
habang lumilipas ang mga araw akala ko happy lang lang pero bakit ang sakit?!!! minsan lang ako magkagusto pero bakit dun pa sa taong di ako kilala? bakit dun pa sa taong alam ko naman na hindi magiging akin, na alam kung hindi ako pipiliin.
parang gusto kung umiiyak
pero sino ba sya sa inaakala niya para iyakan ko.siya lang naman ang mahal mo!!!
nakita ko lang naman ang story siya sa Instagram na may kasamang babae
"Happy birthday losel ng buhay ko"
yan lang naman ang nakalagay, iisipin ko na sana na kaibigan o kaklase lang niya,
pero hindi!!!hindi naman ako tanga, kitang kita ko kung ano ang nasa litratong pinost niya, para silang mag jowa siguro magjowa talaga, kuha yata ito nung umuwi sila galing acquaintance party sa kanilang skwelahan at ang isa pang lirato ay sila lang din dalawa kuha yata ito sa isang photo booth at sobrang lapit nila sa isat isa,parang pinupunit ang puso ko saking nakikita , hindi ko alam na ganito pala kasakit.
"gel ano sa tingin mo ang relasyon nila?" tanong ko kay angel sabay pakita ng litrato
"magkaibigan lang yata" hindi niya siguradong sagot
"anong hindi kitang kita naman idi magsama silang dalawa " syempre dakilang marupok din siya kaya dinamayan niya ako sinabi ko sakanya ang mga salitang gusto kung sabihin kay cleo"akala niya ang gwapo niya mas gwapo pa nga sakanya ang pusa ng kapit bahay namin" nakinig lang siya sa lahat ng aking mga sinasabi
" mag mo move on nako, sabi nila study first, study first mukha niya!!!"
pero syempre hinanap ko mo na ang account ng babaelouzelle Tamonan
yan ang kanyang pangalan at nalaman ko din na mag kaklase rin pala sila
pinilit kung kalimutan siya, pero dahil dakilang marupok ako lage ko parin tinitignan ang mga post siya
tumunog ang aking telepono tanda na may bagong post siya
shinare lang din niya ito, tatlo sila dalawang babae at siya lang ang lalake, isa nadin si louzelle don ang hindi ko lang alam kung sino ang isa pang babae pero isa lang ang sigurado ako ang isang babae ang nag post nito may nakalagay ng "with daddy and mommy" nung una iniisip ko lang na baka nariyan ang parents ng babae ngunit habang lumilipas ang araw unti unti ko ring naisip kung sino ba ang tinutukoy niya may nabuong konklusyon saking isipan siguro si cleo at louzelle talaga.
nasaktan ako sa aking iniisip na baka napipilitan lang siyang replyan ako, kaya hindi niya ako ni reject dahil ayaw niya makasakit ng feelings ng iba
kaya pala..... kaya pala ang tagal tagal niyang mag reply..... ngayon alam ko na.
hindi ko inaakala na ang aking munting pagkagusto hahantong sa ganito kasakit..
kaya wala akong ibang choice kundi ang kalimutan nalang siya dahil ayuko rin naman na sarili ko lang ang masasaktan sa bandang huli.
mahirap pero nagawa kung pindutin ang unfriend sa fb pagkatapos pumunta naman ako sa aking Instagram sabay pinto ng unfollow, maybe sign nato upang tuluyan ko na siyang kalimutan.
.......................…............💌......................................
don't forget to vote lovey:)
YOU ARE READING
chasing after you
Teen FictionIt was 13th of May when Kristen Faye Virtudazo, attended a wedding, where she saw Cleo Nathaniel Ibarra who captured her eyes but her heart as the same time. she fell at first sight and that the start of her chasing game, but what will happened if...