chapter 10

12 2 0
                                    

Nitong mga nagdaang araw naging malapit kami ng mama niya , mabait rin naman  kasi, akala ko nga dati nangagamoy  sampung milyon layuan mo lang ang anak ko, ngayon parang yung mama niya pa mismo ang nagiging tulay upang maumpisahan na namin ang aming love story na dati'y kathang  isip ko lamang.

"punta ka sa bahay may pasalubong ako sayo at na mimiss narin kita " chat ni tita cherry sakin ngayong umaga.

" nakauwi na po kayo? " isang linggo rin kasi sila dun sa  siargao kahapon pa pala sila nakauwi
pagdating ng bandang ala una ng hapon naligo mo na ako bago pumunta sa kanila.

pagbaba ko palang ng tricycle si cleo agad ang bumungad sakin nagulat pa nga siya ng makita niya ako ng malapit na ako sakanya hindi ko inaakala na kakausapin niya ako "nandun si mama sa loob".

na una siyang pumasok kaya sumunod nalang ako pagpasok namin nakita ko si tita cherry sa sala nanonood ng tv kaya lumapit ako sakanya
"good afternoon po" sabay mano
"iha namiss kita"sabay halik saking pisngi
nag usap lang kami ni tita syempre bilang isang dakilang  madaldal nag kwento rin ako
"may boyfriend kana ba?" lumaki ang mga mata at muntik ng maluwa ang aking kinakain
"po?" natigilan mo na ako bago sumagot ulit "bawal pa po" uminom agad ako ng soft drinks
"tama yan mag aral ka mo na  ng mabuti  iha aanhi mo yang pag ibig  pag nakatapos kana ano  pero hindi mo ba nakikita bagay kayo ng anak ko" kaya ayon  tuluyan na akong nabulunan
kaya tinawag agad ni tita cherry si  cleo upang kumuha ng tubig sa kusina
pagkabigay niya ng tubig ininom ko agad ito hindi ko nakaya ang tension sa pagitan naming dalawa

"ayos na po ako" kaya parang  nabunutan si tita ng tinik sa lalamunan
"dong bakit hindi kayo mamasyal punta kayong boulevard ipagamit mo nalang sakanya ang bisikleta ng ate mo"suggestion ng mama niya
akala ko hi-hindi siya  pero kabaliktaran pala
kaya ang ending kinuha niya ang dalawang bisikleta tig iisa kami .

" Hindi ba magagalit ang ate mo kung gagamitin ko to? baka kasi magalit yung ate niya lalo pang hindi niya pa ako kilala.

"hindi mo naman siguro yan ibabangga no? marunong kaba?" parang nagdududa niyang ani
" marunong ako no" mabilis kung sagot anong akala niya hindi ako marunong? Ang kapal!
"kaso..ano" nag aalanganin kung sabi
"anong ano?" natatawa niyang tanong nahalata niya siguro ang itsura ko.

"marunong ako pero..... natatakot akong matumba pero marunong ako Ha" pag dedepensa ko sa aking sarili.

"sabi mo"kibit balikat niyang sagot at pilit parin niyang  pinipigilan ang kaniyang tawa.

"wag mo ng pigilan baka hindi ka na niyan makahinga" inis kung sabi kaya  hindi na niya talaga napigilan at rinig na rinig talaga ang kaniyang tawa.

pero parang biglang nawala  ang aking inis ng marining ko ang kaniyang tawa parang tumahimik bigla ang paligid at ang tawa lang niya ang aking naririnig.

"okay kalang?" tumango lang ako bilang sagot parang bigla agad bumalik sa dati ang lahat ng bigla pumasok sa isip ko na baka may makakita sa amin at iba ang nasaisip nila at umabot yun sa pamilya ko.

"pano pag may kakilala akong nakakita satin baka ano ang isipin nila" nababalisa na talaga ako sabihin man nilang OA pero iba na ang tumatakbo sa isip ng ibang tao.

"dito kalang kukuha akong hoodie  sa taas" tumakbo agad siyang papuntang kwarto niya upang kumuha ng hoodie pagkababa niya may dala na siyang dalawang hoodie puro kulay itim nang nakalapit na siya sa kinaroroonan ko binigay niya agad ang isa sa akin kaya sinoot ko agad iyon,
amoy na amoy ko sa jacket ang panlalaking pabango hindi naman ito masyadong matapang saktong sakto lang ang amoy.

nang nag umpisa na  kaming magpedal  nagtaka ako dahil  ang bagal niyang mag pedal ,ang pagkakaalam ko kasi mahilig siyang sumali sa mga cycling competition .

"bakit ang bagal mo?" nagtataka kung tanong
ngunit parang kumawala ang puso ko sa kanyang sagot "takot ka diba?..... palit tayo dito ka sa kilid ko dahil marami diyang  dumadaang sasakyan" talagang sinasabayan  niya pa kung gaano kabagal ang aking pag pedal, tama rin naman siya madami ng dumadaan sa dating puwesto ko na puwesto na niya ngayon.

may nakita kaming mga street food kaya bumili mo na kami, iaabot ko na sana sakanya ang bayad ko pero hindi niya tinaggap.

"Ako na" kaya wala na akong nagawa pa.

magkatabi kaming nakaupo sa may bench wala rin naman mag iisip ng kakaiba samin dahil hindi naman masyadong nakikita ang aming mga mukha dahil sa  hoodie jacket .

"ang ganda no?" nakangiting kong  tanong  sakanya habang nakatingin sa kulay gintong kalangitan.

"ang ganda........sobra" sagot niya.

kaya dahan dahan akong tumingin sakanya at nakita kung nakatingin rin siya sakin, hindi ko nakaya ang pagkikipagsukatan sakanya ng tingin  kaya ako na mismo ang umiwas.

This day is one of  the unforgettable day since the day of  meeting him, pag siya ang kasama ko parang ang bagal ng ikot ng mundo hindi ko inaasahan na ang isang pangarap ko lang noon na makasama siya,ngayon damang dama ko na.

kahit  ang makasama lang siyang masaksihan ang paglubog ng araw ay sobra sobra na sakin. I can't believe it, hindi ko inaakalang mararanasan ko ito kasama siya.

sunset represent another day, to love, to forgive and to cherish every moment we have  in this world. Be strong because everyday we face another challenges and feel another pain but keep going because life will never end with one failure, failure's means improving yourself...failure's means raise again...failure mold you to be strong, making yourself a better person that you can be proud of.

.......................…............💌......................................










chasing after you Where stories live. Discover now