chapter 8

20 2 0
                                    


lumipas ang mga buwan hindi ko na siya muling nakita pa. Iyon ang pangalawang pagkikita namin  at iyon narin siguro ang huli, okay narin siguro yun  para tuluyan ko nang maibaon sa limot ang  nararamdaman ko para sakanya.

Hindi narin ako nag atubiling pang dumaan at silipin kung nandiyan ba siya sa kanila, Ngayon pilit ko na siyang kinakalimutan dahil iyon ang nararapat.

Akala ko kasi dati Siya talaga ang para sakin kasi diba sa dinami dami ng paraan sa kasal ko pa talaga siya unang nakita .

My biggest mistake
wasn't falling for him
It was thinking that
maybe he fell for me too..

In this world, maraming klase ng pagmamahal at minsan malilito ka na kung ano nga ba ito, pero ang totoong pagmamahal ay hindi nagbabase sa isang depinisyon ito ay kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ng isang tao.

Ang hirap pilitin ang puso natin na kalimutan ang isang tao pero mas mahirap makulong sa mga bagay na alam mong isa lamang ilusyon.

"faye para sayo what is love?"
minsan naring akong tinanong nang isa kung kaklase kung ano nga ba  ito.
"love is an illusion Because I'm delusional" balewala kung sagot.

kaya ayon nagsitawanan rin sila
palibhasa pareho din kaming delusional.

delulu nga naman!

ganyan din ako dati tinatawanan ko rin ang mga taong na iinlove pero ngayon natatawa nalang ako sa sarili ko because I still loyal to my crush and the worst is to the man who didn't even know me.

But now nagising na ako sa katotohanan, may tao talagang nakalaan para  sakin at hindi siya iyon.

I spent my time in my study, kung pwede iuntog ko nalang ang aking ulo sa pader, makalimutan lang siya.

Hanggang dumating ang Araw moving up ceremony na namin, mas nauna kaming matapos kumpara sa mga taga public school
kaya grade 12 na kami sa susunod na pasukan

"from ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT Kristen Faye Virtudazo
with high honor" pumunta agad akong stage kasama ang aking ina  upang masabitan ng medalya.

hindi naman ako yung tipong sobrang talino madali lang talaga siguro akong matuto.

kahit nga may gurong nagtuturo sa harapan nakikipagdaldalan parin ako sa aking katabi na para ding isang guro ang kaibahan  ngalang chismis yung sakin.

pagbaba kung stage kinang gratulate agad ako ng aking mga kaklase at kaibigan.

"samggyup Tayo my treat" pag aaya ni angel

"THE  RICH ONE"

" Why not"sabay sagot naming apat nina Anthony jonalyn at nicole sabay tawanan.

actually I have a lot of friends, I'm kind of aloof person but if you treat me nicely then I will treat you like my bestie.

If I'm comfortable with you then I will consider you as my friend.

Naglakad lakad lang kaming papuntang cafe
kung saan may nagbibinta ng samggyup at naka uniform pa talaga kami pagkatapos kasi ng picture taking umalis agad kami pero nag paalam naman kami sa mga magulang namin isa pa malapit lang din naman kasi ito kung saan ginanap ang moving up ceremony.

Pagpasok namin nag hanap agad sila nicole ng mauupuan, kami nalang ni angel ang nag order

Habang naglalakad busy ako kakatingin sa menu hanggang dumating kaming counter

May paulit ulit na kumalabit sakin ngunit hindi ko pinagtuonan ng pansin dahil  Alam ko namang si angel lang yun Hanggang napagod rin siguro siya kaya tinanong niya nalang ako
"anong drinks  natin?"tanong niya
"blue lemonade n-nalang" sagot ko sabay angat ng tingin ngunit napaawang ang aking  labi at nagkanda utal utal ng makita ko ulit siya at ngayong nasa harapan ko na, matagal tagal narin simula  ng huli ko siyang makita.

Parang nabuhay bigla ang mga paro parong sa aking tiyan. My heart was beating so fast again at alam kong sobrang pula ang pisngi ko ngayon.

Muntik ko ng makalimutan sa sobrang excited na cafe pala ito ng pinsan at Kapatid niya  kaya paminsan minsan  siya din ang  nagbabantay.

Pero hindi ko naman ini expect na siya pala ang makikita ko dito, kaya pala kanina kinakabit Ako ni angel dahil nakita niya na si cleo pala ang nakabantay

"anong order niyo?" this time si cleo na ang nagtanong, kaya sinabi ni angel kung anong order namin yun ngalang ang bruha tumingin sakin tingin na nagsasabing sabihin ko  kung anong drinks namin nung una nag aalanganin pa ako pero aba tinaasan lang ako ng kilay.

" drinks ?"ngayon sa akin na si cleo nakatingin, this is my first time hearing his voice nung una ko Kasi siyang nakita hindi ko man lang siya narinig nagsalita

"B-blue lemonade nalang ya"

ya? kahit ako mismo gustong kutusan  ang aking sarili anong ya parang dati lang gustong gusto ko siyang makita pero ngayon parang mabahag bigla ang aking buntot.

Bakasyon na pala nila kaya nandito siya mag fi-first year college na siya sa sususod na pasukan .

Hangga't maaari iiwasan ko na siya
ayaw kong mag mukhang tanga sa bandang huli.

Habang nagbabayad si angel nilibot ko ang aking paningin upang hanapin sila jonalyn, tamang tama ng makita ko sina jonalyn tapos narin si angel magbayad kaya hinigit ko agad siya paalis ng counter at dinaldal niya  agad sakanila na si cleo ang nakabantay kaya ayon hindi nila ako tinigilan ka ayie ng ayie may pa kurot pa sa tagiliran ,inikotan ko lang sila ng mata na parang hindi interesado ngunit sa kaloob looban pinipigilan ko ang aking  sarili na mapalingun sakanya.

Dati kapag may nagugustuhan ako nagpapa impress ako yung tipong pa smile smile lang ganon pero ngayon ayuko nang baguhin at pilitin ang sarili ko na magustuhan din nila, I won't change myself  just to be fit in, just to be likeable. Some of us afraid of "what if they doesn't like me for who really I am" but instead be afraid of losing yourself just to please them... we can't force someone to love us and the bravest decision We ever make is to stop wanting the love of someone who doesn't love us.

.......................…............💌......................................

enjoy reading lovey:)

chasing after you Where stories live. Discover now