Chapter Eight

216 10 2
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame & Marple Dame II

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

👠👠👠👠👠

"MS. YUI?"

Namimilipit sa sakit ng puson na tumingala si Yui kay Lorlyn mula sa pagkakayuko niya sa counter. "Lor?"

"O-Okay ka lang po ba?" nag-aalala tanong ni Lorlyn. Nakita nito na panay ang masaheng ginagawa ng dalaga sa puson. "May dalaw po ba kayo? Gusto niyo po kausapin ko si Mayor para maaga kang makauwi—"

"No! No!" umiiling na tanggi ni Yui. "J-Just give me few minutes..." Yumukyok uli siya. "Ipapahinga ko lang itong dysmenorrhea ko." Parang pinapatay na siya sa sakit.

Aba't ang malas palang magtrabaho kay Dash. Noong isang linggo, nagkapaltos ang paa niya. Ngayon, inaatake naman siya ng sakit sa puson. Baka siguro sa susunod na linggo, mapupugutan na siya ng ulo.

"Sige po..." tango na lang ni Lorlyn. "Papasok lang po ako sa opisina ni Mayor."

Tinaas na lang ni Yui ang kamay bilang pagsagot.

Nagdadalawang-isip itong naglakad palayo papuntang opisina ng alkalde. Lorlyn then knocked on the door before pushing it open. "Mayor?" Napangiti ito nang makita ang isa pang alkalde sa loob. "Hello, Mayor Byron."

"Lor! Good to see you again! Pasok ka!" magiliw na bungad ni Byron. "Oh, wow! That's big!" puna ng binata sa malobong tiyan ng babae. "You're near your due, right?"

"Opo," sagot ni Lorlyn sabay himas ng tiyan. "Babae po ang panganay ko."

"Congratulations!" He genuinely shook her hand.

"Salamat po, Mayor. Kukunin ka po sana namin ng asawa ko bilang ninong."

"I'll be glad to. I'll make sure she'll call me The Best Ninong in the entire world." Binalingan ni Byron si Dash. "Which reminds me... 'di ba ang secretary mo bago pa si Lorlyn ay umalis din kasi nabuntis?"

Tumango si Dash. "Ahhh... si Isabel? Oo." Tinanggap niya ang nilahad na folder ni Lorlyn. "Isa mga bodyguard ni Dad 'ata ang boyfriend no'n."

"Wala ka bang nahahalata?"

"Na ano?" Nakakunot na ang noo ng alkalde habang pinipirmahan ang mga papeles.

"Umalis si Isabel kasi nabuntis. Ngayon, aalis si Lorlyn kasi buntis. Baka... si Yui ang susunod?" Mabilis na sinalo ni Byron ang binatong sharpener ni Dash. "Think about it, there's a series of event... there's a trend. Wanna bet?"

Binalingan na lang niya si Lorlyn. "Here." He returned the folder to her.

"Ah, Mayor... Magpapaalam na po sana ako. Bukas na po kasi ang simula ng aking maternity leave," nahihiyang saad ng sekretarya.

Dash nodded and leaned on his chair. "I understand and you really need to rest."

Lorlyn, by far, is his most efficient secretary since he took office. Sino ba siya para ipagkait dito ang pahinga lalo na't nagdadalang-tao ito.

"Nakakabagot din naman kasi sa bahay." Ngumiti ito. "Tsaka... kailangan pa ni Ms. Yui ng gabay."

Muling bumalik ang inis ni Dash. "Teka nga, ba't hindi pa bumabalik si Yui?" Hinablot niya ang intercom. "I am waiting for her revised report."

"Dash..." angal ni Byron. "I said, take it easy—" Pero huli na nang magsalita na ang kaibigan sa intercom.

👠👠👠👠👠

Oops! (A Novelette)Where stories live. Discover now