Chapter 2
Sinara ni Dani ang maliit na gate at dumiretso ito sa malaking gate upang buksan habang naghahanda at nagpapainit ng makina ng kotse si Dani lumabas si Nanay Fel sa gate nila at lumapit sa kanya
"Asa ka muadtu?"(saan punta mo?) Agad na tanong neto
"Mukaon sa gawas nay"(kakain sa labas Nay) sagot naman ni Dani
"Ayaw na ug gawas, sa balay na lang ta mukaon, nagluto ko kay niabot akong mga anak gikan manila" (wag ka ng lumabas,sa bahay na lang tayo kumain, nagluto ako, dumating kasi ang anak ko galing manila" yaya nito kay Dani
"Nakakahiya po, mukhang nasungitan ko po yung anak nyo, medyo wala po ako sa mood kanina dahil doon sa nakasabay ko sa eroplano" paliwanag naman nu Dani
"Okey ra, ako ray bahala kay Ken" (okey lang yun, ako ng bahala kay Ken) pagkumbinsi ni Fel sa kanya
"Okey Nay, sige..gutom na rin po ako eh" nakangiting pagtanggap ni Dani sa alok ng matanda
.
.
.
Nahihiyang pumasok si Dani sa loob ng bahay nila Nanay Fel dahil sa pagtataray neto sa anak na si Ken."Dani, hali na, lingkod na" (Dani,halika na, upo na)
Agad na yaya ni Tatay Rogelio
"Good evening po Tay" nahihiyang bati ni Dani
Pansin netong hinde maganda ang tingin ng anak na bunso ng mga ito sa kanya.
"Upo kana, doon ka sa tabi ni Bunso" wika ni Nanay Fel
"Po? D-doon?" Nag aalangang tanong ni Dani
"Bakit? Mukha ba akong may Galis at ayaw mong tumabi sa akin?" Pabalagbag na tanong ni Ken
"It's not like that, I'm sorry" nakayukong sagot ni Dani habang papalapit ito sa upuang nasa tabi ni Ken
In her surprise biglang tumayo si Ken at tulad ng isang gentleman, ken pull the chair at naghalf smile ito kay Dani.
"Thank you" sambit ni Dani
Tumango lang si Ken at bumalik na ito sa pwesto at umupo.
"Mga anak, Si Danica,, Dani mga anak namin Sina Allyn at Ken yung bunso" pakilala ni Nanay sa mga anak nito at kay Dani
"Hi, nice meeting you" nakangiting sambit ni Dani
"Same here" nakangiting sagot ni Allyn
"So, matagal kana dito?" Tanong naman ni Ken
Napatingin si Dani kay Ken bago nakasagot
"Yeah, I was born and Raised here, pero dito sa neighborhood mag 3years pa lang"
"Dani Nak, ano nga work mo?" Biglang tanong ni Nanay
"Uhmm, It's US base po, product outsourcing po, work from home po"
"Mamaya nyo na interviewhin si Dani, kumain muna tayo"
Nang nag umpisa na silang kumain, napansin ni Dani na nagkakamay ang buong mag anak samantalang sya ay naka kubiertos
"Alam mo, mas masarap kumain pag nagkakamay" sambit ni Ken sa kanya
"Uhmm, y-yeah, but makalat ako kumain pagnagkakamay, hinde ako sanay" sagot ni Dani
Nang matapos magdinner, nagstay lang si Dani ng sandali at nakipagkwentuhan ng saglit sa mag asawa at nagpaalam na itong umuwi.
Dumiretso si Dani sa kwarto at nagbihis na ito ng pantulog..
Bumaba ito ulit ng 1st floor at kumuha ng isang bote ng wine at dinala ito sa kwarto.
Naupo si Dani sa working desk neto at nag check ng Emails habang umiinom ng wine mula sa mismong bote.