"Mahal ko, salamat! Napakaganda niya."
May naramdaman akong mainit na bagay na dumapo sa noo ko.Nasaan ako? Ang huling naalala ko hinigop ako ng lumang libro! Nanghihina rin ang katawan ko. Gusto ko na lang matulog.
Tinangka kong imulat ang mata ko pero agad ko rin itong ipinikit dahil sa nakasisilaw na liwanag.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?"
Sino ba itong dalawang ito? At bakit sa tabi ko pa talaga sila nag-uusap?
"Zevphera..." Teka, pangalan ko 'yon, ah! "...habang ipinagbubuntis ko siya. Lagi kong napapanaginipan ang pangalang 'yon."
Kahit nahihirapan muling minulat ko ang mga mata. Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Para siyang isang diwata. Ang ganda rin ng outfit niya.
"Napagandang pangalan, Mahal ko! Bagay na bagay sa kanya!" Nalipat ang tingin ko sa isa pang nagsalita. Isang lalaking may matipunong pangangatawan at may suot na armor.
He looks like a warrior.
"Tinitigan ka niya, Mahal ko." Nakaramdam ako ng sandaling pagkahilo. Binuhat niya ako!
"Zevphera, ako ang iyong ama. Mamahalin kita at poprotektahan sa lahat. Walang makakanakit sa 'yo."
I eyed my body. Small hands, small fingers, my toes!
"Ah!" I want to shout but instead I heard a baby's cry.
"Tahan na. Tahan na..."
Damn, did I turned into a baby?
"Naglalakad ka na?" Napapikit ako nang maramdaman muli ang magaspang niyang balbas habang pinupuno ako ng halik.
Labis ang kasiyahan niya. Pero sana mag-ahit man lang siya! Magkaka-rashes pa ata ako sa tuwing uuwi siya at hahalikan ako.
I just accepted my fate here-that I turned into a baby in a world inside the ancient book, or whatever world I seem to be in right now.
Pagod na rin kasi akong gawin lahat para makabalik. Wala namang nangyayari.
"Mahal ko, tingnan mo! Naglalakad na si Zevphera!"
"Huh? Imposible!" Kita ko ang gulat ng aking ina.
Well, that's what you get for having a baby that's from a different dimension.
In this world. General Agnus Balantagi is my father. He is one of the most prominent and respected generals of Ancard, and currently guarding the border from enemies. While my mother is Princess Heram, the 4th daughter of the Emperor.
"Anim na buwan pa lang siya pero naglalakad na! Mahal ko, malakas siya! Namana niya ang lakas ko bilang isang heneral!" Napatakip ako sa tenga sa lakas ng halakhak niya.
You're taking the credits again! I want to shout at him. Sad is that I can't still talk.
Isang taon naman ako nang makaya ko nang magsalita ng diretso. Ganoon din na basahin ang mga aklat na nasa bahay.
I don't know what's happening too that I'm developing faster than my age.
Doon ko rin napansin na ang dating tuwang nararamdaman ng magulang ko tuwing may ipinapakita akong kahanga-hanga ay napalitan ng takot at pangamba.
"Mahal ko, natatakot ako. Ang anak natin kakaiba siya. Hindi siya ordinaryong bata gaya ng mga kaedaran niya. Paano kung malaman ito ng mga kapatid ko at kumalat ito sa palasyo? Siguradong kukunin siya sa atin o pwede ring ituring siyang malaking banta sa trono. Siguradong papatayin siya!"
BINABASA MO ANG
The Legend of Zevphera
FantasyAbout the journey of the highest-paid assassin of the 21st century who was transported to the world of an ancient book and became one of its characters.