Pagkatapos kong magluksa bumalik ako sa sekretong kwarto para hanapin ang papel na naglalaman ng disenyong armas ni Ama.
Ilang minuto rin akong naghanap hanggang makita ko ang isang kahon. Nang buksan ko ay nandoon nga ang papel. Kinuha ko ito at isinaulong mabuti tsaka ko sinunog.
Walang makakakuha nito!
Ang bagay na naging dahilan para patayin ang mga magulang ko.
Maingat akong umalis sa bahay. Pinili kong dumaan sa masukal na gubat ng Mazvacarda na dating pinagsasanayan namin ni Ama dahil siguradong kung sa bayan ako dadaan mahuhuli ako lalo na at paniguradong pinaghahanap na ako.
Ito ang unang pagkakataon kong mag-isang maglalakbay.
Napatingin ako sa suot kong medalyong kwintas.
"Zevphera, kunin mo ang kwintas na ito. Kapag nasa tamang edad ka na. Pumunta ka ng Azuter. Hanapin mo si Heneral Andres Kawangis at ipakita ito. Matalik ko siyang kaibigan. Kung may mangyaring masama sa akin. Sa kanya ka pumunta, mapagkakatiwalaan siya. Wala kang ibang pagkakatiwalaan maliban sa kanya."
From those words of him. He already knows that the weapons he is creating will put him in danger.
Kaya binilinan na niya ako agad.
I have this gut feeling that those people who killed him are also part of the Ancard Army. The one who ordered them to get the design wanted to get the credits that father will get if the new weapons are successful.
I also heard most often how my mother worries so much because of my father's achievements. She's worried that other generals will get jealous of him, especially since his military power is getting stronger.
The Hukbong Sikwat is one of the most promising armies in Ancard; they receive numerous awards for successfully protecting the border for years.
But I'm also thinking that there could be a traitor in his own army, his treasured Hukbong Sikwat.
Kasi paano nila nalaman na may binubuo siyang armas? Siguradong hindi niya iyon basta-basta sasabihin sa ibang heneral ng Ancard. Ipagsasabi niya lang iyon sa mga sundalo niya.
If it's the truth, he will definitely be heartbroken that his own man betrayed him.
Balang araw, babalikan ko rin ang Hukbong Sikwat para malaman ko ang totoo. Kailangan ko lang magpalakas sa Azuter para matupad ko ang paghihiganti ko.
Malawak ang kagubatan ng Mazvacarda. Long route ito, papunta sa Azuter at kokonti lang ang magtatangkang maglakbay dahil bukod sa masukal. Mapanganib din ito dahil sa mga bandidong dito nakatira.
Hindi nila iisiping dito dadaan ang anak ni Heneral Balantagi dahil gaya nga ang isip nila isa lamang itong mahinang batang babae. Kaya sa mga bayan sila maghahanap.
Kabisado ko ang gubat. Tinuro rin kasi sa akin ni Ama ang parte kung saan nakatira ang mga bandido kaya alam ko kung anong parte ng gubat ang dapat kong iwasan pero kailangan ko pa ring mag-ingat dahil teritoryo nila ito baka makaharap ko sila.
Tumagil na muna ako nang makarating ako sa malapit na ilog. Maingat akong bumaba sa kabayo ko at itinali ito sa malapit na puno.
Gamit ang sibat ko ay dumiretso ako sa ilog para manghuli ng isda. Malapit ng gumabi at kumakalam na ang sikmura ko. Tanging tinapay lang kasi ang dala ko dahil mabigat kung marami akong dadalhin. Lalo na at marami akong dalang armas dahil mas kailangan ko naman ito. Ang gubat naman ay mayaman sa pagkain. May ilang prutas dito na pwede kong kunin at pwede rin akong mangaso.
Nang sa wakas ay makahuli ako ng dalawa ay saktong takip silim na. Mabilis akong kumuha ng mga sanga at bato para gumawa ng apoy at maihaw ko na. Gutom na gutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Legend of Zevphera
FantasyAbout the journey of the highest-paid assassin of the 21st century who was transported to the world of an ancient book and became one of its characters.