Chapter 4

110 23 5
                                    

Habang hila-hila ko ang kabayo ko ay napatingala ako sa napakalaking tarangkahan ng Azuter.

I will start a new life here.

Sa Azuter ginaganap ang taon-taong military exam para sa mga batang lalaki na may edad labing limang taong gulang at gustong pumasok sa military. Kaya rito ako gusto papuntahan ni Ama.

Ngayon, imbes na sa tamang edad pa ako makakatapak dito, mas pinaaga na.

Nakilinya ako sa mga taong pumipila papasok sa Azuter. Marami ring sundalong kasalukuyang nagtitingin ng mga pass ng mga tao.

Nang ako na ay mabilis ko itong ibinigay. Sinuyod nila ako ng tingin. Nag-ayos naman ako bago pumunta rito at inilagay kong mabuti sa bag ko ang mga armas ko. Mukhang hindi naman sila nagtitingin ng gamit ng mga tao tanging 'yong mga nasa kalesa lang.

"Bata, wala kang kasama?" Iiling na sana ako pero nahalata ko sa itsura nilang hindi nila ako papapasukin kung aamin ako. Kaya lumingon ako sa likuran ko. 

Sakto namang may aleng kasalukuyang naglalabas ng mga gamit sa isang kalesa medyo 'di kalayuan sa pila.

Kumaway ako sa kanya at ngumiti ako nang pagkatamis-tamis.

I even do puppy eyes. I need to use my charm here. 

Una ay tila nalito ito pero kalaunan ay ngumiti rin at kumaway sa akin.

"Iyon ang ina ko! Pinauna na niya akong pumasok dahil mainit at marami pa silang ilalabas na gamit," sabi ko.

Mukhang naniwala naman sila. Agad nilang pinirmahan ang pass ko at tuluyan na nga akong pinapasok.

I felt the excitement in me upon entering my footsteps in Azuter Land. After days of traveling, Finally, I'm here! 

Now, I need to find General Andres Kawangis. 

Pero bago iyon maglilibot-libot muna ako. Naghanap ako nang pwede kong pag-iwanan sa kabayo ko.

Nang makakita ako ay agad akong lumapit dito.

"Iiwanan ko lang po siya ng isang oras," sabi ko sa lalaki. 

"Sige, sampung pilak." Kumuha ako sa natitirang pilak na nasa bulsa ko at ibinigay sa kanya.

"Salamat, bata!" Ngumiti lang ako at namasyal na.

Here, there's a place where you can leave your horses, and someone will take care of it. As long as you pay for their service. It's like pet boarding in the modern world, but it's only for horses. 

Naglibot-libot na ako. Ang daming tao rito. Malaki rin kasi ang Azuter. Sunod itong pinakamalaki sa Ancarte na kapital ng Ancard. Ang bansang Ancard kasi ay nahahati sa tatlong malalaking bahagi ang Ancarte, Morjin, at Azuter.

Marami ring mga pagkain at kung ano-anong nakakamanghang mga bagay na ibinebenta.

This world is really something realistically made since the foods here are somewhat similar to those in my world. The difference is that they were created without using technology.
 
They made everything through hard work and all man-made. 

"Ang laki ng pabuya sa batang ito!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kumpulan ng mga tao. Sumilip ako rito para makita.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang drawing ng isang batang babaeng kamukhang-kamukha ko at nakapaskil sa isang malaking bulletin board.

Pinaghahanap na nila ako!

Ang sino mang makakikita at makapagsasabi sa kinaroroonan ng batang babaeng ito ay may gantimpalang 500 pilak.

Malayo ang Azuter mula sa Morjin, kung saan ako galing pero nakarating pa rin sila rito sa paghahanap sa akin.

The Legend of ZevpheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon