Four

209 12 7
                                    

Four

Sumunod ako sa kanya, he's the one who drive my car. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Wala ng pakialam kung saan niya ako dadalhin. Nasa dalawa lang yan, hotel or condo. Tahimik akong nakatanaw sa bintana habang napapansin ko ang halos minu-minuto niyang pagsulyap sa akin.

When he successfully park my car in the basement of a known tower in BGC. Alam ko na kaagad kung saan niya ako dinala. Bago tuluyang lumabas ay sumulyap muna siya sa passenger seat ko na puno ng iba kong gamit. Bigla kong naalala na pinalayas nga pala ako.

"Umalis ka sainyo?" Anang niya. I rolled my eyes at him. Hindi nagsalita at tinulak na ang pintuan ng sasakyan para makalabas. Sumunod na din naman siya sa akin. Nauuna siyang maglakad papasok sa tower niya. When the elevator open, I am the one who go inside first. Humalukipkip ako sa harap niya at mariin siyang tinitigan. Unlike our last time, lasing na lasing ako nun kaya halos wala ako sa sarili. Pero ngayong halos lisanin na ang ulirat ko ng alcohol ay mas doon nag-sink-in sa akin kung gaano ka-gwapo itong lalaki sa harap ko. He's leaning on the railing of the elevator while his full attention are on me. Iginala ko ang tingin ko sa kanyang buong katawan. He's a bulky type, the muscle are all well define. Mukhang nag-g-gym siya or workout to maintain that kind of body. No wonder that he is the number one sought bachelor right now. He's also a one-night-stand man. Ayaw ng commitment. Well good for him dahil ganyan din ang habol ko.

I smirked when I saw his eyes fix on my lips. Tinalikuran ko siya at sinilip sa salamin ang pasa sa aking labi. Mommy really slap me real hard this time. Kitang-kita ang pasa at pamumula ng pisngi ko. Lalo na ngayon na napakaliwanag sa elevator na ito. I sighed when I saw how Augustus shifted his weight and walk towards me. Hinarap niya ako sa kanya at marahang hinawakan ng dalawang kamay ang aking leeg upang maiangat ang aking mukha at masuri niya ng maigi ang sugat at pasa sa akin. I glared at him.

"What happen to that?" Malambing niyang tanong. Nag-iwas lang ako ng tingin. Ayokong magsalita.

Nobody knew how my parents treat me in our household. Even Axel didn't know about it. They just thought that we are a happy family and I am so spoiled by my parents. Hindi nila alam na halos itakwil na ako ng mga magulang ko, duraan araw-araw. Kulang nalang ikulong nila ako sa bahay para tuluyang mawala ako sa mundo. Kahit kasambahay namin na gustong magsalita about sa treatment sa akin ay napapalayas kaagad.

No one dare to talk to me. I feel like I am not for this world. Kaya after Ches, hindi ko na 'rin pinush ang sarili kong makipag-ugnayan sa ibang tao. After my Lola died, I accepted all of it that I will live and leave this world without anyone around me anymore.

Maglalaho ako sa mundong ito na walang nakakaalam- kahit ang mga magulang ko. That's my biggest goal.

My thoughts got interrupted when the elevator open. Nauna si Augustus maglakad sa akin, nakasunod lang ako sakanya. I lean on the wall when he input he's password on his door. Nagtama ang mata namin at maldita ko lang siyang tinitigan.

Gabing-gabi na at hindi ko pa alam kung saan ako tutuloy ngayong gabi. Dapat talaga hindi na ako sumama dito sa kanya at hinanap ko nalang talaga ang condo ko. But then wala na tayong magagawa at narito na tayo.

When the door finally open, nauna pa akong pumasok sa may-ari. Halos mabangga ko siya ng dire-diretso ang pasok ko sa loob. I am amazed to his condo unit design, its so boyish. Malaki-laki 'rin. It even has a second floor. The Sala are so aesthetic and neat. I saw him walk towards to a room, pagkalabas niya ay may dala na siyang medicine kit. I pursed my lips and look around again. Gustuhin ko mang tingnan ang bawat kwarto- nakakahiya na. I settled in his big sofa, the lights are all dimmed. He open it at dire-diretso ang lakad patungo sa akin. Umupo siya sa center table ng sala at tumitig sa akin. He analyzed my face again and sighed. Binuksan niya ang medicine kit at naglagay ng alcohol sa cotton buds bago ulit tumingin sa akin. I look at his every moved. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya. And when he successfully clean the side of my lips that has a bruise, ointment naman ang sinunod niya. Still, I look at him.

Turned to DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon