•12•

4 0 0
                                    

JAY'S POV

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero biglang nagyaya si Ruby na uuwi na. Tinatamad na daw siya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo pero kapansin-pansin rin ang pagiging tahimik ni Al habang nagmamaneho.

Ilang oras ang byahe na walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa playground kung saan doon ko iniwan ang kotse ko. Ang playground kasi doon ay nasa loob ng village namin kaya kampante lang ako na iwan 'yon doon. Bumaba na kami sa kotse at nagpasalamat pa sina Jake at Tim sa gala.

"Sa susunod ulit." seryosong sabi ni Al at tipid na ngumiti.

"Mauna na kami sa kotse mo, Jay." sabi ni Jake at tumango naman ako. Naglakad na silang dalawa ni Tim papunta sa kotse ko.

Lumapit ako kay Al at tinapik siya sa balikat. "Salamat, pre." sabi ko at tumango naman siya.

"Salamat din."

I looked at Ruby na kinusot-kusot ang mga mata niya. Gumagabi na rin kasi at mukhang pagod na siya sa byahe. "Mauna na ako sa inyo." She looked at me and nodded.

"Sige." iyon lang ang sinabi niya.

Nagtungo naman si Al sa driver's seat para paandarin ang kotse. Bubuksan na ni Ruby ang door ng passenger seat pero...

"Ruby." tinignan niya naman kaagad ako.

"Hmm?"

"Mag-iingat kayo ha?"

"Oo. Kayo din." sabi niya.

"Ahmm..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Mawawala ako ng isang linggo." sa wakas nasabi ko na rin.

Tinitigan niya lang ako.

"Aalis ako mamaya at babalik ako dito next week."

"Oh, okay?" patanong na sagot niya.

"Please, take care of yourself." sensirong sabi ko pa at nakita ko kung paano siya matigilan. "I promise, babalik ako after a week."

"Okay. Ingat ka nalang." malumanay na sabi niya pa.

"Sana, hintayin mo 'ko." seryosong sabi ko pa.

"Bakit?"

Naiwas ko saglit ang paningin ko dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya.

"May sasabihin ako sa'yo pagbalik ko kaya sana hintayin mo 'ko."

"Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon, diba?"

"I know."

"Oh, edi sabihin mo na."

Tipid ko siyang nginitian. "Pagbalik ko after ng isang linggo saka ko na sasabihin kung anong gusto kong sabihin sa'yo ngayon."

"Ikaw ang bahala."

Iyon lang at tinalikuran na niya ako saka siya pumasok sa loob ng passenger seat. Tuluyang umandar ang kotse ni Alexander at nag-beep pa siya bago umalis.

Napabuntong-hininga naman ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maiintindihan kung bakit may kirot akong nararamdaman sa puso ko.

Naglakad ako papunta sa kotse ko saka pumasok sa driver's seat.

"Ayos ka lang ba, pre?" tanong ni Jake.

The beauty of Chaos Where stories live. Discover now