Prologue

23 1 0
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Any resemblance to actual events is purely coincidental. Possible typos and grammatical errors ahead! If you find the story uncomfortable, leave :)

"Lia, ang tagal mo naman. Tara na!"

Ang sabi sa akin ni Kat. Nakasuot ako ng school uniform kanina at ngayon ay nasa C.R. ako para magpalit ng damit, half day lang kami sa school dahil excused kami para puntahan namin ang venue para sa dance competition.

"Patapos na, wait lang!" ang sigaw ko para marinig ni Kat, sheʼs waiting outside kasi tapos na siya magbihis.

Noʼng naligpit ko na ang mga gamit ko ay dali-dali akong lumabas para makapunta na kami sa bus na may logo ng University namin. 'Yon ang gagamitin naming sasakyan para makapunta kami sa venue. Mabuti na lang at nakaabot kami sa call time, 10:30 A.M. ay aalis na ang bus para bumiyahe papunta sa venue.

Kasama ko lahat ng mga member ng dance team na naka-line up para sa competition, isa sa High School Division at isa sa College Division kung saan doon ako kasali. May ibang members ng team na kasama para tumulong sa amin.

Kailangan naming pumunta sa venue a day before the competition para ma-practice namin ang blockings, kung saan kami aakyat sa stage o bababa, magra-run din siguro kami na naka-costume para maiwasan ang wardrobe malfunction.

Mabuti na lang ay hindi gaanong kalayo ang venue at nakarating kami agad, siguro ay halos isang oras lang ang biyahe. Bumaba na kami na dala ang mga gamit na kailangan, hindi ko na dinala ang school bag ko dahil ano naman ang gagawin ko sa bag ko na 'yon? Pampabigat lang sa mga dalahin ko 'yon.

Hindi kami ang unang magpa-practice ng blockings, pangatlo kasi kami sa lahat ng magpe-perform. Kasama namin ang ibaʼt ibang University dance team, and of course, kasama ang champion noʼng huling competition last year.

Hindi kami ang champion last competition, pang-apat ata kami sa may pinakamataas na score na nakuha. Kaya ngayon ay todo practice kami para makuha ang trophy this year.

"Again! Walang magbe-break hanggaʼt 'di nʼyo naaayos 'yan! Bukas na ang competition!"

Ang sabi ng coach namin, mukhang galit na galit dahil hindi namin maayos ang blockings. Kitang-kita sa mukha ng mga kasama ko na pagod na sila. Ang init pa naman dahil sa outdoor gagawin ang competition tapos tanghali na kami nakarating dito. Mabuti nalang at hapon magsisimula ang program.

Sa wakas ay naayos na rin ang blockings namin, pinag-break time na kami ni coach. Nagsitakbuhan kami sa lugar kung saan naroon ang mga bag namin, kinuha ang lalagyan ng tubig at ininom 'to. Ang iba naman ay kumuha ng tuwalya para punasan ang pawis nila.

Kahit markings lang at hindi naman hataw ang ibinibigay namin ay nakakapagod din dahil sa sobrang init.

Habang nagpapahinga kaming lahat, rinig ko ang boses ng mga kasama ko, mukhang may pinag-uusapan sila. "Girl, after nito, daanan natin 'yong event doon sa loob ng mall. May magpe-perform kasing sikat na banda dito mamaya. Sayang nga dahil hindi ko mapapanood lahat kasi may competition tayo bukas! Kaya samahan mo ako, kahit saglit lang! Andoon kasi ang crush ko!" ang sabi ng katabi ko sa isang kasama niya. Si Pia ang katabi ko, si Rachel naman ang kausap niya. I didnʼt mean to eavesdrop, pero ang lapit ko sa kanila kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Sino ba kasi roon? 'Yong poging guitarist?" naiiritang tanong ni Rachel. "Oo, si Oliver! Kaya samahan mo na ako, pagmamasdan ko lang ang kagwapuhan nʼya!" Nasamid ako bigla dahil sa narinig ko.

What? Oliver? As in... Oliver Velasco? Mali lang ba ang pagkakarinig ko?

"Hala, ate Kap! Okay ka lang?" ang pag-aalalang tanong ni Pia sa 'kin. Ate ang tawag niya sa 'kin dahil first year pa lang sila ni Rachel sa College tapos third year naman ako, Kap rin ang tawag sa akin kasi ako ang Captain ng dance group namin para sa competition. Pinunasan ko ang baba ko dahil nabasa 'to ng tubig dahil sa pagkasamid ko. Ngumiti ako nang tipid at tumango para makita nila na ayos lang ako, hindi ako makapagsalita dahil inuubo pa ako.

Tinawag na kami ni coach para bumalik sa stage at mag-practice ulit ng blockings. Ilang minuto nalang ay matatapos na kami. Nang patapos na kami ay nagpa-doings si coach for the last time para makita niya kung paano namin siya gagawin kapag sa competition na mismo.

A few minutes later, natapos na rin kami sa wakas. Nag-meeting lang saglit sa loob ng bus about sa costumes, props, make-ups, at iba pa na kailangan para bukas.

"Okay, good job, everyone! 'Wag kakalimutan ang mga sinabi ko, ha! Kain muna kayo, tapos bumalik kayo in an hour," ang huling sinabi ng coach namin at lumabas na kami. Nagpalit muna kami ng t-shirt para 'di matuyo ang pawis namin.

"Grabe, ang sakit ng legs ko! Rachel, buhatin mo naman ako!" pagrereklamo ni Pia. "Masakit na rin ang paa ko. Ayan, o! May wheelchair sa tabi, gamitin mo!" pagsagot ni Rachel sa kaniya. Tinuro niya pa ang wheelchair na nakasandal sa puting dingding ng mall.

Naglalakad na kami para kumain. I mean, ako lang pala. Pupuntahan pa pala nila 'yong event sa mall. "Ah! Ate Kap, gusto mo bang sumama sa 'min? Doon sa may band?" sunod-sunod na tanong ni Pia. "Hoy, ang daldal mo! Ikaw lang naman may gustong pumunta roʼn, pakainin mo naman si ate Lia!" ang sabi ni Rachel sa kaniya at binatukan pa si Pia.

Natawa ako dahil sa ginagawa nila, halos araw-araw kasi silang nag-aaway tungkol sa mga bagay-bagay kaya nasanay na ako. "Hindi na, matagal kasi ako kumain. Ingat kayo, bye!" pagpapaalam ko sa kanila. They waived their hands at me and walked on an opposite direction, nasa kabilang side kasi ang event ng... Banda. Naglakad na ako para makahanap ng lugar para kumain.

Tinatamad ako maghanap sa malayo kaya nang nakita ko ang Jollibee ay nag-decide na lang ako na kumain na roon. Hindi naman mahaba ang pila kaya nakakain ako agad. 1:03 P.M. pa lang, may 27 minutes pa bago kami bumalik sa bus, pero babalik na ako roon.

Habang naglalakad ako, kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa bulsa para tingnan kung mayroon bang nag-text sa 'kin, baka kasi may announcements na kailangan kong makita agad kaya chineck ko ang messages. Lalo naʼt may pasok talaga ako ngayon, excused lang dahil need kong pumunta rito.

Naka-focus ang mata ko sa phone kahit naglalakad ako, kabisado ko naman kung saan naka-park ang bus, eh. Nang ibalik ko ang phone sa bulsa ng pants ko, may nakasalubong ako na tao. Biglang nagkatamaan ang mga balikat namin at may isang malakas na tunog ang narinig ko.

Isang guitar cover ang bumagsak sa lapag, mukhang may laman dahil malakas ang impact ng pagkakabagsak, nakauwang pa nang kaunti ang cover kaya nakita ko na may laman na guitar. Parehas siguro kaming nagmamadali kaya napalakas ang tama ng balikat namin.

"Oh, my gosh, sorry po!" Agad akong yumuko para kunin ang bumagsak na guitar. Napatigil ako nang makita ko nang maigi ang guitar sa loob ng cover. Itʼs an electric guitar, color blue and black ang combination ng design.

Itʼs familiar, too familiar.

Para akong naging statue nang makita ko rin ang isang sticker na nakadikit sa mismong gitara.

A. T.

No way, thatʼs my initial, Aurelia Torres. Don't tell me itʼs... Him.

Nang inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha ng may-ari ng guitar, nakita ko ang lalaking matagal ko nang iniiwasan. Alam kong siya 'yon kahit nakatago ang mukha niya sa mask. Kita ko sa mga mata niya ang gulat nang makita niya rin kung sino ako.

"Lia..." Narinig ko ang sinabi niya kahit pabulong niya 'to ginawa. Para rin siyang naestatwa dahil sa gulat. Itʼs him, ang lalaking pinagkakaguluhan ng lahat. Itʼs Oliver, my ex boyfriend.






What the hell is happening?! Bakit sa ganitong paraan pa kami nagkita?! At bakit gamit niya rin ang lumang electric guitar niya?!

Loveʼs Creative Equation (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon