Chapter 6

1 1 0
                                    

“Naiinis ako sa kaniya! Ayaw ko roʼn!”

Nakapila kami ngayon ni Sam sa elevator para umakyat sa fourth floor at magpasa ng project sa Earth Science. Pinagawa kasi kami ng D.I.Y. Hologram at groupings ‘yon, ako ang leader at si Sam naman ang assistant leader. Si Cel ay napunta sa ibang grupo, hindi pa tapos ang gawa nila kaya hindi namin siya kasamang magpasa sa Science faculty room.

“Pogi naman, ah,” sagot ko naman kay Sam, kanina pa kasi nagrereklamo dahil daw hindi sila magkasundo ng co-vocalist niya sa band. Dalawa kasi ang singer ng band nila, si Sam at ang lalaking kasama nina Oliver at Seb sa field noon.

“Pogi nga, pero ang pangit ng ugali!” Kung kay Sam ko pinahawak ang project namin, pakiramdam ko ay naibato na niya iyon dahil sa sobrang inis. Tumigil din siya sa pag-rant noʼng kami na ang susunod na papasok sa elevator.

Hindi pa nagtagal ay nakarating na kami sa fourth floor. Narito sa floor na ‘to ang Science at English faculty room, nandito rin sa floor ang mga classrooms ng HUMSS strand. Naglakad kami sa hallway hanggang sa marating namin ang pinakadulong room, nasa bandang huli kasi ang faculty rooms.

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob ng Science faculty room. Pagkapasok namin dalawa ni Sam ay parehas kaming bumati sa mga teachers sa loob bago pumunta sa table ng Earth Science teacher namin.

Ang sabi lang sa amin ay iwanan na lang namin ang project kasama na ang 1/4 yellow paper kung saan nakalista ang members ng group namin. Nasulat naman na ni Sam ito sa classroom pa namin para hindi na kami magtagal.

Bumati ulit kami ni Sam para magpaalam na, pero pagkatapos namin gawin ‘yon ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng faculty room at pagbukas nito ay narinig ko ang isang malalim na boses. Alam ko na agad kung sino ito.

“Good morning po.”

Yes, itʼs Oliver Cade Velasco.

Nakita ko siya na may hawak din na isang D.I.Y. Hologram, mukhang magpapasa ng project katulad namin. But I did not expect him to come near us and pass his project to our teacher! Parehas pala kami ng teacher sa Science?

“Ehem! Titig na titig, ah,” Hindi ko namalayan na nakatitig na lang pala ako nang tahimik kay Oliver, until this woman beside me broke the silence. Pasimple kong kinurot ang braso ni Sam, muntikan pang umaray pero pinigilan niya dahil baka makaabala siya sa ibang teachers.

“Alis na po kami, sir,” pagpapaalam ko sa teacher namin bago kami naglakad palabas sa room. Bago kami tuluyang makalabas ay lumingon muna ako para tingnan si Oliver, pero nagulat ako na nakatingin siya sa akin kaya bigla rin ako umiwas ng tingin. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang pisngi ko.

Bakit kasi lagi kaming nagkikita? Ang laki-laki ng University na ‘to pero kahit saang sulok nito ay nakikita ko pa rin siya. Just give me a break!

“Feeling ko crush ka noʼn. Grabe rin makatitig sa ‘yo, eh. Kitang-kita ko,” pangunguna ni Sam pagkalabas na pagkalabas namin sa faculty room. Hays, heto na naman tayo!

“Tumitig lang, crush na agad?” Inirapan ko na lang siya at naglakad pababa sa second floor. Naghagdan na lang kami tutal mas madali ang bumaba sa hagdan kaysa umakyat.

Days had passed and nowʼs our general rehersal for the intermission in Buwan ng Wika, the usual event for the month of August. Saturday ngayon at sa Monday pa ang mismong performance namin. General rehersal kaya hindi lang kaming dancers ang kasama, pati na rin ang ibang members ng music club, ibig sabihin ay kasama ko na si Sam mag-practice. Pati rin si... Oliver.

Hindi ko ba alam kung ano ang mararamdaman ko, lalo naʼt iniisip ko kung itutuloy ko pa ang nararamdaman kong ‘to kay Oliver. Heʼs famous in our department! A lot of girls has a crush on him, at mas maraming maganda sa paligid kaysa sa akin na probably ay may gusto rin sa kaniya. I know that heʼs too high for me to reach.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loveʼs Creative Equation (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon