Chapter 5

2 1 0
                                    

“We will start preparing for Buwan ng Wika, pipili ako sa inyo para sa intermission natin sa event.”

Kakatapos lang ng training namin at ang announcement na ito ang sinabi ng coach namin ngayong meeting. Hinihiling ko na sana ay makasama ako sa line-up ng intermission, kahit na trainee pa lang ako.

“Okay, tumayo ang mga tatawagin ko. Si...” Nagsimula nang mamili ang coach namin. Hindi ko tuloy mapigilan na kabahan, may chance kaya na mapili ako?

Nakailang tawag na si coach at nawawalan na ako ng pag-asa na mapili pa ako. Pero lumiwanag ang mga mata ko dahil sa gulat.

“Ikaw. Lia, ‘no? Kasama ka sa line-up.”

Tinuro ako ni coach, tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero tinawag niya ang pangalan ko kaya dahan-dahan akong tumayo, sinamahan pa ni Kat na pumapalakpak at nakangiti sa akin kaya pumalakpak din ang ibang tao sa studio.

Ako yata ang unang trainee na natawag, pero napalitan ‘yon noʼng natawag din si Kat kaya pinalakpakan ko rin siya. Hindi ko makakaila ang galing niya sa pagsasayaw, mahal niya ang ginagawa niya, at ganoʼn din ako.

Siguro ay hindi aabot sa twenty ang napili, sampu para sa College at sampu rin sa SHS. Pagkatapos noʼn ay nagmeeting pa sa ibang bagay at pinauwi na rin kami.

Nasa bahay na ako, naghuhugas ng mga pinagkainan dahil kakatapos lang namin kumain ng mga magulang ko. Hindi naman ako inutusan na maghugas, gusto ko lang gawin. Mas tinatamad ako kapag inuutusan ako, kaya nagprisinta na akong gawin ‘yon.

Habang naghuhugas ako ay naririnig ko ang usapan ni papa mula sa cellphone. Tungkol siguro sa private resort namin sa Tagaytay na source of income ng parents ko, kilala ang private resort namin doon kaya hindi kami nahihirapan financially. Minsan ay bumababa ang kita kapag malamig ang panahon, kaya may balak si Papa na magdagdag ng isang pool, parang hot spring. May sauna rin na bagong lagay lang last month.

“Magkano ba ang budget natin for that? Send that to my Email para ma-check ko, mag-set ka rin ng meeting tomorrow para mapag-usapan...” May hawak si Papa na isang notebook habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang phone. Tumayo na siya para dumiretso sa maliit na office room niya kaya hindi ko na narinig ang iba pang detalye sa mga sinasabi niya.

Tapos na ako sa paghugas at inilagay ko na sa tauban ang mga hinugasan ko, pinunasan ko lang ang kamay ko gamit ang towel at pumunta na rin ako sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at pumunta sa study table ko para makagawa ng reviewer, may quiz kasi bukas sa General Chemistry kaya naghahanda ako.

Being a STEM student is really hard, but still, this strand will help me learn a lot of things. Magagamit ko rin ang mga natututunan ko sa hinaharap, I will always do my best for me to have a brighter future.

May kumatok sa pinto ko habang abala ako sa paggawa ng reviewer. “Lia, anak. Are you busy?” Itʼs my mom, tumayo ako galing sa study table ko at pinagbuksan ng pinto si Mama. Bumungad sa akin ang isang plato na may cookies at isang glass of milk, inangat ko ang ulo ko para tingnan sa mata si Mama.

“Before you sleep, kainin mo muna ‘to.” Ngumiti sa akin si Mama at inabot sa akin ang dala niya, I let out a chuckle. “Whatʼs this for? Para naman akong bata, pero thank you,” ang sabi ko sa kaniya at kinuha ang cookies at gatas.

“Youʼre still my baby, a big baby.” My mom pinched the right side of my cheek. Pagkatapos noʼn ay pinabalik na niya ako sa study table dahil napansin niya siguro ang nakabukas na laptop ko.

Iʼm really happy that I have my mom, sheʼs the most understanding, loving and caring mother to me. My love for her is to the point that I wish that sheʼs still my mom in every other universe.

Loveʼs Creative Equation (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon