Chapter 2

18 1 0
                                    

“Torres, andito po ba si Aurelia Mae Torres?”

Nang marinig ko ang pangalan ko, mas kinabahan ako. Ako na ‘ata ang sunod para sa audition.

Tumayo na ako, habang hawak ang phone ko dahil nasa akin ang audio na gagamitin ko for the audition. Four more people are mentioned since limang tao ang need kapag natapos ang naunang batch.

Nakapila na kami sa labas ng studio kung saan doon namin ipe-present ang routine namin. Last pa naman ako sa batch namin kaya nire-recall ko sa utak ko ang routine na gagawin ko, pilit ko rin sinasabi sa isip ko na huwag kabahan dahil alam kong makakaapekto ‘yon sa performance ko.

“Next po!” ang sabi ng isang lalaki na nakasilip sa nakauwang na pinto. Hala, ako na ang sunod. Huminga ako nang malalim at pumasok na ako sa loob ng studio.

Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang hiyawan ng mga members ng dance troupe. Akala ko ay ang coordinator at choreographer lang ang nasa loob, pati rin pala ang mga members ay manonood!

Pina-connect na sa Bluetooth speaker ang phone ko para sa audio na gagamitin ko. “Whenever youʼre ready,” ang sabi ng choreographer sa akin habang nakangiti. Ang ibang members naman ay nagsabi ng ‘Goodluckʼ for support. I smiled at them and started to prepare myself for the routine.

As usual, hip-hop ang genre na ginamit ko for the routine. Recently I just found out na hip-hop ang madalas na ginagamit nila for dance competitions, so maybe it will pique their interests.

Nang tumugtog na ang audio, nag-iba ang facial expressions ko dahil kailangan ay magmukha akong maangas dahil sa genre. Itʼs a big plus if your facial expressions are on point.

Hanggang sa matapos, rinig ko pa rin ang hiyawan ng mga members ng dance troupe. Mas lumakas lang nang natapos ko na ang routine, nagpalakpakan sila at nag-bow ako sa harap nila. Sa wakas ay tapos na ako, mabuti na lang at hindi ako nagkamali. Mukhang maayos naman ang performance ko, nabigay ko ang best ko at na-enjoy ko siya.

Kinuha ko ang phone ko at lumabas na sa studio. I picked up my bag and went inside the restroom to change my shirt, pagkatapos ay umuwi na ako.

-A FEW DAYS LATER-

“Bakit hindi ka nag-audition? Iniwan mo ako!” galit na sabi ni Sam kay Cel. Hindi kasi tinuloy ni Cel ang audition para sa music club. “Sorry, parang wala ako sa mood sumali sa club e. Hassle rin na dalhin ko ‘yong keyboard ko papunta sa school,” ang pagdadahilan niya kay Sam.

Sam crossed her arms. “E, may sariling keyboard naman sila roʼn! Ayaw mo lang talagang mag-audition!” ang sabi ni Sam, kitang-kita sa kaniya na nagtatampo na. Niyakap na lang ni Cel si Sam, nagpapakipot pa ang babae at pilit na kumakawala sa yakap ni Cel.

“Guys, nasa lobby na ‘yong results!” ang sabi ng kaklase namin na kasama ni Sam noʼng nag-audition siya sa music club. “Kasama na rin ba ‘yong sa dance club?” ang tanong ko sa kaklase ko, tumango naman siya. Nang mag-lunch time ay bumaba agad kami sa lobby para tingnan ang results, kasama rin namin si Nyla para makita rin niya.

Pagkababa namin sa lobby, bumungad sa amin ang mga estudyante na tumitingin sa bulletin board, I assumed that theyʼre also there for the results. Kumpol-kumpol ang mga estudyante kaya kailangan naming sumingit para makapunta mismo sa harap kung nasaʼn ang bulletin board ng SHS building.

Kinakabahan ako, ayos lang naman sa ‘kin kahit hindi ako makapasa. A, basta!

Pumunta ako sa results ng dance club at sinimulang hanapin ang pangalan ko sa papel. Ginagamit ko pa ang hintuturo ko para hindi malampasan ang pangalan ko kung sakali. Natapos ko na ang isang buong papel, pero wala. My nameʼs not on the list of people who passed the audition.

Loveʼs Creative Equation (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon