Chapter 4

7 1 0
                                    

“Si Oliver nga ‘yon! Sabi ko sa ‘yo, e. Magkaka-crush ka rin doʼn, ha-ha!”

Parang nanalo sa isang raffle ‘tong si Sam, hindi kasi ako makapaniwala na si Oliver talaga ‘yong poging main guitarist na nakita ko sa Lobby noʼn. Napayuko at napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa nalaman ko.

“Hindi ko naman siya crush! Napopogian lang, ‘no!” pagtanggi ko pa sa kaniya. Hindi ko naman kasi siya crush, nagiging crush ko lang ang isang tao kapag nalaman ko na ang personality. E, siya, hindi ko naman kilala. Weʼre just strangers!

“Deny pa more,” ang sabi naman ni Cel sa akin, inirapan ko na lang siya. “Kapag nakita ni Nyla ‘yang si Oliver, aasar-asarin ka niyan. Sure ako.” Tinakot pa ako, as if makikita ko siya sa hallway ng second floor. Hindi na lang ako lalabas tuwing break time para hindi nila ako asarin.

“Gusto mo ba na ireto kita kay Oliver? Malay mo, baka maging crush ka rin noʼn. Tapos magiging magjowa kayo, magde-date kayo, magiging masaya ka na...” Sam even clasped her hands while looking up like sheʼs imagining it, I just made a disgusted face. “O.A. mo, mas delulu ka pa mag-isip kaysa sa ‘kin,” ang sabi ko sa kaniya bago sumubo ng biscuit na binili ko kanina sa canteen, lunch time na kasi ngayon.

Crush ko nga ba talaga siya? Nagwapuhan lang naman ako, e. Itʼs like Iʼm just admiring a celebrityʼs looks. Kapag tumagal ‘to, baka mawawala rin. Iʼll just wait for it to be gone.

Pero ang hirap kalimutan ng mukha niya. Maputi siya, parang may lahi. He also has a brown hair, natural kaya ‘yon? Maganda rin ang katawan niya at matangkad pa. Overall, malakas ang appeal niya. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya, lalo na kung nakangiti.

His smile looked so genuine that time... I could feel that he really enjoys playing a guitar.

“Hoy, baʼt pangiti-ngiti ka riyan? Ini-imagine na niya siguro ‘yong sinabi ni Sam, ayie!”

Natauhan ako bigla dahil sa pang-aasar ni Nyla. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at ipinatong ang isang braso ko sa lamesa para hawakan ang sintido ko.

Ano baʼng mayroon sa ‘yo, Aurelia? Stop thinking about him!

“Uh, Lia...” Inangat ko ang ulo ko dahil sa pagtawag sa akin ni Cel. Paulit-ulit siyang tumitingin sa isang lugar tapos pabalik sa akin, sheʼs like communicating using her eyes. Napalingon ako sa direksyon kung saan siya tumitingin, sa bandang likod ‘yon kaya inilinga ko ang ulo ko sa bandang likod, sa may entrance ng canteen.

Speaking of the devil.

Lumingon ako pabalik sa harapan ko noʼng nalaman ko kung sino ang dumating sa canteen, si Oliver. Heʼs wearing a white polo with a pocket logo of our school at the top left, paired with dark blue pants. The menʼs uniform also has a necktie with the same pattern as ours.

May kasama siyang mga lalaki, siguro ay mga kaibigan niya. Sana ay hindi makita ni Sam si Oliver, lalo na si Nyla. Siguradong aasarin ako noʼn!

“Tapos na ba kayong kumain? Tara, punta tayong field,” pasimpleng aya ko sa kanila. Hindi ko ipinapahalatang narito siya. “Kita mo namang ine-enjoy ko pa ‘yong turon ko, chill ka lang, mahaba pa ang break time!” ang sagot naman sa akin ni Sam. “Doon mo na kainin ‘yan, gusto kong maglakad-lakad. Tara na,” patayo na ako para iligpit ang pinagkainan namin noʼng may tumawag ng pangalan ko.

“Lia! Teka lang mga pʼre, a! Kayo muna ang pumila. Hoy, Oliver, sumama ka sa ‘kin.” Nakita ko pa na hinila ni Seb si Oliver papunta sa table namin. Anak ng—Bakit hindi ko napansin na si Seb ang kasama ni Oliver kanina?!

Napayuko ako at isinandal ang ulo ko sa table na para bang natutulog ako noʼng lumapit si Seb sa amin, habang nakaakbay siya sa balikat ni Oliver. Napansin na siguro ni Sam kung sino ang kasama ni Seb. “Earth to Aurelia Mae Torres, gising na po!” Si Sam talaga! Baʼt kailangan pang i-broadcast sa madla ang pangalan ko?! Sumasabay pa ang pasimpleng tawa ni Cel na nasa harapan ko.

Loveʼs Creative Equation (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon