04

7.3K 320 116
                                    

• ❦ •

Iniwasan ko si Joaquim Del Moral pagkatapos no'n.

Sa hindi ko kasi malamang dahilan ay para bang sinasadya talaga na makita ko siya at minsan ay makasalubong pa sa campus. Para bang lumiit at sumikip ang Easton University at sa bawat sulok yata ay nando'n siya kung nasaan ako. Samantalang dati ay halos hindi ko man lang maramdaman ni anino ng gagong iyon.

Ang awkward na nga na may schoolmate akong naka-one night stand ko tapos mas lalo pa niyang pinao-awkward ang sitwasyon. Tangina niya.

Ang nakakainis pa ay sa tuwing magtatama ang mga mata namin, ngingiti siya na para bang hindi niya ginugulo ngayon ang utak ko.

At ang mas nakakainis ay kabisado ko na iyong number niya! Hindi ko nga s-in-ave sa phone ko pero titig na titig naman ako ro'n nitong mga nakaraang araw. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ko na lang tinapon ang maliit na papel na iyon, e. Partly, may kasalanan din ako.

Pero kahit na. Alin ba sa salitang ayoko ang hindi maintindihan ng isang iyon?

Fuck him and his proposal.

Fuck buddy my ass, Del Moral.

Gano'n ba ako kasarap sa kaniya at gusto niyang maulit nang maulit na may mangyari sa 'min?

Aaminin ko, hindi ako inosente at may mga times na hinahanap ng katawan ko ang sex pero hindi ko talaga kaya na may ka-hookup ako na schoolmate ko. Idagdag pa na dati ko nga siyang classmate no'ng high school.

Kung tiga-ibang school sana siya, let's say Westmore kasi marami talagang gwapo at hot do'n, siguro hindi na ako aarteng pa-virgin sa kaniya.

"Nag-reach out na ba sa 'yo si Anthony?" Tanong ni Kiara ng sumunod na linggo. Nasa cafeteria kami malapit sa College of Law, nagla-lunch.

"Hindi," sagot ko.

Pero sa totoo lang, nawala na nga sa isip ko ang isang iyon. Ayoko sana i-credit kay Joaquim kaya hindi ko na naiisip pa ang ex ko pero may maganda rin palang dulot ang pag-aaya niya maging fuck buddy ko.

"Tangina talaga no'n, 'no? Guilty-ng guilty si gago! Talaga ba? Hindi man lang siya nagme-message sa 'yo sa loob ng 3 weeks na break na kayo?"

"Sa tingin mo ba, Kia, magre-reply ako kung sakaling magme-message siya? Manigas siya. Ayoko na siyang makausap. Bl-in-ock ko na rin naman siya sa lahat."

"Pero hindi ka ba naku-curious man lang kung bakit niya nagawa iyon?"

Saglit akong natigilan pero napailing na lang din. "Kahit pa mag-explain siya, wala namang makakapag-justify ng cheating kasi una sa lahat, choice niya iyon."

"Tama ka naman," sagot ni Kiara sabay inom sa iced coffee niya. "Pero sana mag-sorry man lang siya sa 'yo, 'di ba? Tangina, kahit iyon lang. Deserved mo iyon, Lui."

"Sa kaniya na iyong sorry niya."

"Pero umamin ka nga sa 'kin, Luigi, okay ka lang ba talaga?"

Ngumiti ako. "Okay ako. Promise."

"Sure ka ha? Hindi naman sa gusto kong umiiyak ka pa rin hanggang ngayon sa Anthony na iyon pero medyo nag-expect kasi ako na, you know, na hindi ganito kabilis ang moving on phase mo. Baka mamaya, naglalaro ka na pala ng tapang-tapangan pero kapag mag-isa ka na lang pala sa place mo, iyak galore ka."

Natawa ako at na-touch din at the same time sa sinabi ni Kiara. Thankful talaga ako na kahit paano ay meron pa rin na nag-aalala para sa 'kin. Iyong parents ko kasi, puro padala lang ng allowance ang kayang ibigay, e.

Clothes OptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon