05

7.4K 313 86
                                    

• ❦ •

Ramdam ko ang gulat ni Joaquim sa ginawa kong paghalik sa kaniya pero agad din naman siyang nakabawi. Mabilis niya akong sinandal sa likod ng pinto at mas nilaliman ang halik. Ang mga kamay niya ay nasa bewang ko at iyong akin naman ay parehong hawak ang pisngi niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako humantong sa desisyon ko na 'to. Maybe because of frustration. Maybe because I am hurt right now. Or maybe simply because I just want to forget everything even for a few hours.

Siguro nga ginagamit ko lang si Joaquim ngayon.

Pero siya naman ang nagpresenta sa sarili niya, 'di ba?

Sabi niya, gamitin ko raw siya para maka-move on ako. Sabi niya, tawagan ko lang daw siya kapag nagbago ang isip ko. At iyon nga ang ginawa ko.

"Hmm..." rinig kong ungol niya nang ipasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya.

He sucked my tongue like an expert. At siguro nga, tama ang naging desisyon ko na pumunta rito kasi halos mabaliw ako sa ginagawa niya ngayon at sa init ng katawan niya na pakiramdam ko ay mapapaso ako pero willing pa rin akong hawakan iyon.

Hindi ko na nabilang kung ilang minuto nang naglalaban ang mga labi naming dalawa. Ang alam ko lang ay halos magkapalitan na kami ng mukha sa paraan ng paghalik namin sa isa't isa. Akala mo ay ngayon lang nakatikim ng labi at ganito kasabik.

He's such an excellent kisser. Kaya ba maraming patay na patay na sa kaniya kasi ganito siya kagaling humalik? Ilan na kaya kaming nahalikan niya? Sigurado akong marami na sa kung paano niya gamitin ang labi niya.

Napangiti ako sa isip ko nang ma-realize na isa ako sa mga maswerteng nakahalik kay Joaquim Del Moral. Pero agad ding napawi iyon nang dahan-dahan niyang ilayo ang mukha niya sa mukha ko.

Nagkatinginan kami. Hindi ko alam sa kaniya pero sigurado akong namumungay ang mga mata ko ngayon. Lasing sa agresibong halik niya. Pareho naming hinahabol ang mga hininga namin at doon ko lang napansin na buhat na pala niya ako. Ang mga binti ko ay nakapulupot na sa bewang niya at ang malalaki niyang kamay ay hawak ang pwet ko bilang suporta.

Sinubukan kong habulin ang mga labi niya para tikman ulit iyon pero bahagya niya iyong nilayo ulit.

Hindi ko na napigilan na sumimangot.

What the fuck, Del Moral? 'Wag mong hintayin na mawala ako sa mood at ma-realize na naging impulsive ako sa desisyon kong 'to, please.

"Bakit?" Mahinang bulong ko.

"Umiyak ka?" Malalim ang boses niya.

Umawang ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ako sumagot. Tangina. Bakit kailangan pa niyang itanong iyon habang buhat niya ako?

"Nag-usap kayo ng ex mo?" Tanong ulit niya na para bang sigurado siya na iyon lang ang dahilan ng pag-iyak ko.

"Pwede bang 'wag nating pag-usapan iyon ngayon?"

Nagkatinginan ulit kami. Huminga siya nang malalim at binasa ang labi niya saka dahan-dahang tumango. Pagkatapos no'n ay katahimikan.

Tangina. Ang awkward na tuloy bigla! Hindi ko na rin alam kung paano kami babalik sa ginagawa namin kanina. Siguro nga, mali itong naging desisyon ko. Hindi pala dapat ako pumunta rito.

"So, why are you here?" Tanong ulit niya, wala pa ring kahirap-hirap na buhat ako.

Pero mas tinuon ko ang atensyon sa sinabi niya. Tinignan ko siya gamit ang hindi makapaniwala na mukha. Talaga ba, Joaquim? Hindi pa ba sapat na hawak mo ngayon ang pwet ko at kailangan mo pa akong tanungin kung anong pinunta ko rito?

Clothes OptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon