06

7.1K 309 54
                                    

• ❦ •

Sabay kaming nag-shower ni Joaquim.

And to be honest, akala ko ay may mangyayari ulit sa 'min. Hinanda ko na nga ang sarili ko just in case pero naligo lang talaga kami. Siya pa nga ang nag-sabon sa katawan ko. Medyo nahiya pa ako no'ng una pero naisip ko rin na bakit pa ako mahihiya, e, halos lahat na yata ng sulok ng katawan ko ay nakita na niya?

Nag-mental note na lang ako ng mga brand ng mga ginagamit niya sa banyo kasi lahat ay mabango at pasok sa taste ko. Binigyan niya rin ako ng spare toothbrush. Muntik pa nga niyang ipagamit sa 'kin iyong toothbrush niya pero sinamaan ko lang ng tingin. Gago rin, e. Oo, nagpalitan na kami ng laway pero nasa kalagitnaan naman kasi kami ng init ng mga oras na iyon.

Pagkatapos ay pinahiram niya ako ng mga damit. Sabi ko, okay na sa 'kin na iyong uniform ko na lang ulit ang susuotin ko pero hindi siya pumayag.

Kaya heto, suot ko ang isa sa mga t-shirt niyang naging oversized shirt sa 'kin, black shorts, at isang hindi pa niya nagagamit na underwear. Sabi ko, ipapa-dry clean ko na lang tapos isasauli sa kaniya pero hindi ulit siya pumayag.

"You look good in my shirt," comment niya habang titig na titig sa 'kin pagkatapos kong magbihis.

"Ang laki nga, e," sagot ko.

"Bagay sa 'yo. Gusto mo pa ba ng t-shirt? Kuha ka lang," Sabay tawa niya.

"Sige. Tapos ibebenta ko sa mga may gusto sa 'yo. Kahit iyong bagong hubad mo pa lang. Iyong pinagpawisan mo para mas mahal ang presyo."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nevermind."

Ako naman ang natawa. Tss. May pagka-makulit pala talaga ang isang 'to. Well, obvious naman no'ng inaya niya akong maging fuck buddy.

Akala ko rin ay ihahatid na niya ako pauwi (kahit sinabi kong kaya ko namang umuwi mag-isa) pero kain daw muna kami ng breakfast. Sabi ko, okay lang ako pero ano pa nga ba? Hindi na naman siya pumayag.

Tangina, kung tutuusin, pwede naman akong hindi rin pumayag sa mga gusto niya pero heto ako ngayon, pinapanood siya na nagluluto ng almusal naming dalawa. Medyo nagulat pa nga ako no'ng malaman na marunong pala siyang magluto. Wala kasi sa mukha niya.

"May pasok ka ba ngayon?"

Saglit akong nilingon ni Joaquim sabay balik ulit ng atensyon niya sa niluluto. Naka-itim na jersey shorts lang siya at denim na apron. Walang damit pang-itaas.

"Meron," sagot ko. "Mamayang 10AM."

"Okay," aniya. "Wala ka namang allergies?"

"Wala naman."

"How do you like your eggs?"

Kung si Kiara siguro ang kausap ko ngayon, ang isasagot ko sa tanong na iyon ay Pinoy.

Tumikhim ako. "Well-done."

Saglit niya ulit akong nilingon. "Ayaw mo ng malasado?"

"Ayoko. Nalalansahan ako."

"Malasado is the best way to eat eggs."

"Sana hindi mo na lang pala niluto. Ini-straw mo na lang iyong yolk," nakangiwi na sabi ko.

"Don't yuck my yum, Lui," natawa siya pero umiling lang ako.

Nagpatuloy siya sa pagluluto habang ako naman ay nililibot ng tingin ang condo niya na ngayon ko lang talaga napagmasdan. Una kong napansin ay mahilig siya sa mga gamit na kulay black. Halos lahat ng furnitures niya rito ay black maliban sa mga pader na kulay white. Malinis dito na hindi ko rin in-expect sa kaniya. Hindi naman sa sinasabi kong marumi siyang tao pero wala talaga sa mukha niya na marunong kahit magwalis man lang. Siya kaya ang naglilinis dito? O baka may binabayaran lang?

Clothes OptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon