03

7.8K 354 124
                                    

• ❦ •

"Lui, ano iyon? Paano kayo nagkakilala ni Joaquim Del Moral?" Bungad na tanong ni Kiara nang magkita na kami sa classroom.

Hindi muna ako sumagot. Hangga't maaari sana ay ayokong pag-usapan ang lalaking iyon ngayon. Sa tuwing maaalala ko kasi iyong sinabi niya kanina ay para akong masisiraan ng ulo kakatanong sa sarili kung anong pumasok sa utak niya at lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya.

He said he wants him to be my fuck buddy.

Fuck buddy raw!

What the fuck, right?

Alam ba niya ang sinasabi niya? Alam ba niya ang meaning no'n? Ano iyong thought process at bakit niya naisip iyon? At isa pa, bakit ako? Ang daming nagkakandarapa sa kaniya sa loob at labas ng campus kaya bakit ako ang napili niya?

Anong meron sa 'kin?

Nagalingan din ba siya sa 'kin kagabi kaya gusto niyang maging exclusive ang sexual encounters namin?

Ang weird lang kasi. Parang no'ng isa araw lang, straight pa siya sa paningin ko tapos kanina lang ay inaaya na niya ako maging fuck buddy? Gusto niyang gamitin ko siya para raw maka-move on ako? Gano'n ba ang tingin niya sa 'kin? Na gagamit ng iba para makalimutan ko ang manloloko kong ex? At mukha rin bang ako itong tipo na naghahanap ng fuck buddy? Tuyot na tuyot ba ako sa paningin ni Del Moral? Hindi ko alam kung mao-offend ako o ano, e.

At sino ang may gusto na gamitin siya para lang maka-move on ang ibang tao? Ano iyon? Trip niya lang? Well, kakaibang trip 'to, a?

Ang dami kong gustong itanong sa kaniya kanina pero umiling lang ako saka siya tinulak palayo sa 'kin. Nakita kong nabigla siya sa ginawa ko pero naglakad na ako palayo. Iniwan ko siya ro'n.

Ang dami ko nang iniisip, e. Dadagdag pa siya.

"Hoy, Luigi! Ano na? Anong meron kanina sa inyo ni-"

"Ang lakas talaga ng boses mo, Kia," putol ko sa kaniya. "Marinig ka ng mga may crush do'n, sige ka. Bigla ka na lang sabunutan mamaya."

"Magkwento ka na kasi! Alam mo namang hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagsasalita."

"Wala lang iyon," bumuntong hininga ako. "Hindi ko ba nasabi sa 'yo? Classmate ko siya no'ng high school."

Nanlaki ang mga mata ni Kiara. "What? Talaga ba?"

"Oo nga," kunwari ay wala lang na sabi ko saka ko nilabas ang binder ko sa bag.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?" Sabay tapik niya sa braso ko. Tangina, ang bigat talaga ng kamay ng babaeng 'to.

"Hindi ka naman nagtanong."

"Pero ano iyong pinag-usapan n'yo? Iyong mukha kanina ni Joaquim, parang batang inapi. Inaway mo ba iyon?"

"Wala nga lang iyon," sabi ko gamit ang tono na dini-dismiss ko na iyong topic. "May, ano... tungkol lang sa high school reunion namin."

I lied. Walang high school reunion. At kung meron man, hindi rin naman ako pupunta kasi parang ang clingy naman no'n. Two years pa lang naman kaming graduate sa high school tapos magre-reunion agad? Saka na kapag may ipagyayabang na akong bahay, kotse, or business.

Isa pa, hindi ko ikukwento kahit kay Kiara ang tungkol sa na-discover ko kay Joaquim. Kahit wala pa akong nakukuhang confirmation galing sa isa kung ano ba talaga ang preference niya, hindi ko pa rin dapat ipagkalat iyon. Sa kaniya mismo dapat manggaling.

Kahit pa nafu-frustrate na ako kasi halos iyong idea ng pagiging fuck buddies namin ni Joaquim Del Moral na lang ang nasa isip ko the whole time na nagkaklase kami. Tangina.

Clothes OptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon