9 steps

8 2 0
                                    


One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

Siyam na hakbang ang kailangan ko upang makababa mula sa aking kwarto patungo sa unang palapag.

Mula nong nawalan ako ng paningin, tinuruan ko ang aking sarili na maglakad sa bawat sulok ng aking bahay. At ang pagbilang sa mga hakbang ay nakatulong ng malaki saakin para di ako maligaw sa sarili kong bahay o mabangga ang mga furnitures.

Nahirapan ako sa pagbilang sa hagdan dahil inaasahan kong sampung hakbang ang kakailanganin. Parang ang odd kasi kapag odd number yung bilang. Kaya ang resulta ay lagi akong nahuhulog.

Katulong ko rin ang aso ko, siya ang gumagabay saakin sa paglakad. Humaharang siya sa sa dinadaanan ko kapag may mababangga ako o mahuhulog. Kaso madalas siyang tulog, gising lang siya tuwing gabi kung kaya't tuwing gabi ay inaasahan ko na makakarinig ako ng mga ingay, gaya ng kaluskos, sa labas ng kwarto ko.

Nakaramdam ako ng gusto kaya naman napagdesisyonan kong lumabas at kumain. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay agad kong naramdaman ko sa paa ko ang balahibo ng aso ko, napangiti ako. Nagsimula akong maglakad na siyang sinabayan niya.

Nang nasa hagdan na ako, nagbilang ulit ako

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

'Ang syam na hakbang ay tapos na!'

Dumiretso ako sa ref at kinuha ang container na nasa right corner ng ref ko. Doon ko nilalagay ang mga foods na ready to eat.

Umakyat ulit ako, kasunod ko pa rin ang aking aso, binabantayan ang bawat kilos ko.

Pagkapasok ay umupo na ako at nagsimulang kumain... Bakit iba ang lasa nito? Hindi ko naaalalang binili ko ito. Hindi ako kumakain ng caldereta, sabi kasi nila kadalasang karne nito ay aso. Di ako tumatanggap ng biro, e.

Niluwa ko ito at tumayo upang bumaba ulit. Ngunit pagbukas ko ng pintoy di ko  na naramdaman ang balahibo ng aking aso sa paanan ko, ang kaluskos din ng kanyang buntot ay hindi ko marinig.

"Chase?" Tawag ko rito. Wala pa rin akong narinig. Binalewala ko nalang dahil malamang ay nakatambay ito sa sala.

Bumaba akot nagsimula ng magbilang...

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

Ten...

Eleven..?

ˋ°•*ˋ°•*ˋ°•*ˏˋ°•*

1twentyseven1

clustered worksWhere stories live. Discover now