Kabanata 3

25 6 1
                                    

Kabanata 3

Nakabili na ko ng ireregalo kay Mommy at Daddy sa Anniversary nila mamaya. I thought of buying Daddy’s favorite brand of watch that he only collects, and I also thought of buying a dress for Mommy that I know will suit her.

The design is plain georgette fabric in blue, her favorite color and the only one available at the boutique I bought it from. It's an elegant wrap dress. Pinarisan ko na rin iyon ng itim na scarpin heels. Mahilig si Mommy sa mga dress kaya sigurado ako na magugustuhan niya ito.

Kasama ko ngayon si Eloise para mamili ng mga regalo para mamaya. Nandito kami sa loob ng Mall of Asia at naglilibot. Medyo malayo na ito sa amin dahil Manila na pero limitado lang kasi ang mga mabibili namin sa malapit na Mall roon sa Cavite.

“Ano ba ang pwedeng iregalo aside from dresses? Tulungan mo kasi ako, Saide.” anang Eloise habang nagiisip na sinasabayan ng lakad.

“I told you, something na maide-decorate nila sa bahay. Gustong-gusto ni Mommy ng gano’n. And... Siguro kung anong gusto ni Mommy, ‘yon na din ang gusto ni Daddy.”

“Parang ang boring kung frame. There’s a lot of frames in your house. Kulang na lang ay maging Art Gallery na ang bahay niyo.” natatawang sabi niya at hinila ako sa isa pang boutique shop.

Tulad niya, naghanap na din ako ng mga pwede kong bilhin. I use my credit card allowance in Mommy’s name to make purchases. Pangalan lang ito ni Mommy pero allowance ko ito. Hindi pa ako pwedeng magkaroon ng sariling credit card dahil minor pa. Second holder pa lang ako.

Naglibot libot kami sa malaking shop. May mga nakikita ako na bumabagay naman sa akin pero hindi ko mabili dahil masyadong mahal.

I am now wearing a dark brown tight longsleeve and flare pants, I paired it with low heeled Qupid sandals in black color. Nanatiling nakabuhaghag ang curly at itim kong buhok na umaabot lang hanggang balikat ko. I also have a brown baguette bag with me.

Wala din naman kaming binili ni Eloise roon at umalis na din kami agad. Ilang oras din siyang nagisip nang nagisip ng ireregalo sa magulang ko. At the end of the day, nauwi din siya sa pagpili ng iba’t ibang mga obra.

“Mahal, ‘to, huh? Dapat makita ko ‘to sa bahay niyo palagi.” biro niya habang kumakain kami sa isang Japanese Restaurant.

That is Sylvia Baldeva’s painting Passion of Dance. Basically, a woman wearing a dress dances. Hindi ko alam kung bakit iyon ang napili niya, wala namang kinalaman ang magulang ko sa pag-sayaw. Siguro ay dahil mahilig siyang sumayaw.

Hindi na ako nag-abalang balutin ang regalo ko sa kanila. Nilagay ko na lang iyon sa kulay putting gift bag na binili ko bago umuwi.

It was already one in noon when we went home. Daddy’s driver took Eloise to their house first. Pag higa ko pa lang sa kwarto ay nakatulog na ako agad. Ito ba naman kasi si Eloise ay nagyaya kagabi na mag Mall at alas singko daw umalis para hindi traffic.

Nagising lang ako sa katok ni manang, pinaalalahanan niya ako tungkol sa party na gaganapin mamaya dito din sa bahay. When I looked at the pink wall clock In my room, I saw that it was four in the afternoon. Alas otso ng gabi magsisimula ang party mamaya.

I went down to the kitchen, that’s when I realized that Andrino was at home talking to the driver that Eloise and I were with earlier. Hindi ko siya nagawang tapunan ng tingin kahit napansin ko ang paglingon niya sakin.

Dumiretso ako sa ref para sana kumuha ng tubig pero nakita ko na may naka-timpla na juice roon kaya iyon na lang ang kinuha ko.

Wala si Mommy at Daddy ngayon. Hindi ko din alam kung anong oras sila darating pero alam ko na bago mag-alas otso ay nandito na sila. I don’t know where they went.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now