Kabanata 13

14 4 0
                                    

Kabanata 13

Pag-balik namin sa bahay, nalaman ko agad kay Mom na nag-set ng pamamanhikan si Angkong sa dalawang pamilya. Pamamanhikan ang ibinigay na term ni Mommy dahil kay Angkong na halos hindi na mapakali.

Alam kong gustong-gusto niya na ikasal na ako agad pero pinagpipilitan at desidido si Daddy na patapusin muna ako ng pagaaral. We still have five years to go before I make my marriage with Rohan my first priority. Too long for the old man who is unsure about his own demise. Pero wala rin namang magagawa si Angkong dahil nga masyado pa akong bata para sa ganoong stage ng buhay ko.

At the end of the day, anak pa rin ako ni Daddy at siya pa rin ang may karapatan sa akin. Kahit na si Angkong ang pinaka may awtoridad, sigurado na ibang usapan na pagdating sa akin.

I didn’t refuse anymore because I didn’t want to stress Angkong. Kahit na ang totoo’y reklamong-reklamo na talaga ako. Kung close lang kami, gusto ko sana siyang tanungin kung nakakapag-isip ba siya ng mga bagay na walang kinalaman sa mga tradisyong mahal na mahal niya.

“Saide, paki-open naman yung pintuan. Kaibigan ko ‘yan. In-invite ko.” utos ni Mommy nang tumunog ang doorbell ng bahay, isang araw.

Halos hindi ko na nakikita si Shion dito sa bahay dahil maaga umaalis, naglalaro ng basketball o tumatambay sa bahay nila Blanche. Parang wala namang paki si Angkong dahil hindi siya hinahanap.

“Gino!” bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na lalaki at may kasamang medyo matandang babae na pamilyar din sa akin.

“Hi, miss alluring!” nakangising bati ni Gino, may dala siyang mga paper bag.

“Pasok po kayo.”

Nilakihan ko ang awang ng pintuan, tinanguan at nginitian ako ng matandang babae na sa tingin ko’y Mommy ni Gino.

Kunot ang noo na tiningnan ko si Gino, kumibit siya ng balikat at sumunod sa Mommy niya dala ang iilang mga supot na sa tingin ko’y pagkain dahil naamoy ko agad.

“Wala pa ang iba, Louise?” rinig kong tanong ng Mommy ni Gino habang sinusundan ko sila sa kusina.

“Good morning po, Tita.” bati ni Gino nang ilapag ang mga paper bag sa countertop.

Ngumiti pabalik si Mommy at bumaling sa Mommy ni Gino na pinanood si Mommy sa pagbe-bake ng cupcakes.

“Mamaya pa raw ang iba, Gen.” mahinhing sagot ni Mommy.

“Bakasyon niyo na, Saide?”

Tiningnan ko si Gino na sumandal sa pader sa gilid kung saan ako naka-pwesto. Nakasuot siya ng simpleng white shirt at itim na pants at leather na sandals dahil hindi nire-require ang mga bisita na mag-tanggal ng tsinelas. Nakita ko ang pag-ngiti ng mga mata niya.

Hindi ko na halos nakikita si Gino. Madalas ay nakakasalubong sa gate ng subdivision pero tanguan lang ang nagaganap. Hindi na rin ako sumasama sa laro nila Shion dahil nakaka-bored. Madalas ay hindi niya pa kasama si Andrino.

Tumungo kami ni Gino sa terasa para doon mag-usap kahit ilang beses akong pinatayo ng sunod-sunod na doorbell. Nu’ng napagod ako ay si Gino ang pumalit.

“Ano bang mayro’n ngayon?” tanong niya habang pinapanood mula sa terasa ang pagdating ng mga kaibigang babae ni Mommy.

I looked at him. “Hindi mo rin alam?”

Tiningnan niya ako pabalik at kumibit ng balikat. “Sinabi lang ni Mommy na tulungan ko siya sa mga pagkain na dala niya.” aniya at bumalik ang tingin sa sala. “Is that Andrino’s mother?”

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now