Kabanata 9

25 5 3
                                    

Kabanata 9

“Saide...”

Pinindot ko ang speaker button ng cellphone ko at narinig agad ang boses ni Rohan sa kabilang linya. He was calm and had a soft voice.

I looked out our kitchen window, I saw nothing but a heavy rain and heard a loud rumble of thunder. Nakaharap ako ngayon sa laptop ko habang patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ko rin naman alintana masyado ang kulog dahil may suot akong airpods.

Kasalukuyan akong gumagawa ng research namin nang matanggap ko ang tawag ni Rohan.

Tapos na ang Agosto at Setyembre pero kahit ganoon ay patuloy pa rin ang malakas na ulan. Pero hindi katulad nu’ng mga nakaraang buwan na maya’t maya ang pag-ulan.

Ngayong Oktubre kasi ay minsanan lang umulan pero sobrang lakas naman at halos buong araw na walang tigil. Kapag ganoon, maaaring nagha-half day kami sa school dahil sa biglaang suspended.

“The Date.” ang ilang mga salita ni Rohan ay nagpa-taranta sakin.

“Oh my gosh.” tumayo ako sa kinauupuan ko nang mapagtanto ang tinutukoy niya. “Oh my gosh, Rohan, I’m so sorry. Busy kasi ako sa research namin. I totally forgot our date. Pero maliligo lang ako!”

“It’s okay. I can wait.” nanatiling kalmado ang boses nito.

“Yeah. Asa’n ka na ba? Please, don’t tell me naroon ka na?”

Sinulyapan ko ang wall clock sa kusina. Kinagat ko ang labi ko nang mapagtantong maga-alas dose na pala.

Just this past week, Rohan’s parents set a date for us. Pangalawang date na namin ito, kung tutuusin, dahil ang unang date ay yung parents ko naman ang nag-set at sandali lang rin. We just watched almost two movies dahil na-enjoy namin ang Part 1 at nag-snacks lang.

Ngayon, I can say that it will be a formal date between the two of us because if I’m not mistaken, the Cui couple made a reservation at an expensive restaurant. Hindi simpleng panonood lang ng movie o pag-kain sa coffee shop.

Kaya ngayong nakalimutan ko ang araw na ito ay nakakahiya para sa mag-asawa!

“Yeah, I’m here. Pero okay lang. I’m with someone.” Rohan replied.

Tumango ako habang inaayos ang mga kalat ko sa mesa. “I’ll be there in, uh, maybe 30 minutes? Magbo-book ako ng Grab. I’m so sorry, Rohan.”

Rohan chuckled slightly. “It’s okay, Saide. Naiintindihan ko naman. Ako na lang ang magbo-book ng Grab para sayo. Just text me when you’re ready.”

Nang binaba na niya ang tawag ay mabilisang kilos ang ginawa ko. Hindi na yata ako nakapag-babad ng body lotion dahil sa sobrang pamamadali at kung ano na lang ang unang nakuha sa closet ay iyon na ang sinuot.

I wore a brown tie-up halter in a v-neck paired with a black slit maxi dress and black cone heels. Hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay at sinuklay na lamang. Kung hindi ako nagmamadali, malamang ay nagabala pa ko na i-curl ito.

Nagaayos pa lang ako ng gamit sa bag ay nag-text na ako kay Rohan. Ilang minuto lang din ang hinintay ko nang mag-reply siya na nasa labas na raw ng subdivision ang Grab.

I tried to message the President of the subdivision to let the Grab driver in and I was allowed. Nagmamadali pa akong inaayos ang heels na suot habang naglalakad palabas.

Natigilan ako sa ginagawa nang makita si Selah na papasok ng gate namin, sinundan naman ito ni Andrino na siyang may hawak na payong.

Simpleng pang-bahay lang ang suot ni Andrino samantalang nakapang-alis naman si Selah. Nag-tama ang mata namin ni Selah kung saan nginitian niya ako nang matamis at kinawayan.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now