Kabanata 8

30 5 5
                                    

Kabanata 8

Habang nasa byahe kami, samu’t saring kuwentuhan ang namuo sa kotse. May sariling pinagku-kuwentuhan ang mga kaklase ko sa pinaka-likod, ang driver at ang katabi nito na kaklase din namin, sila selah at ang nasa likod niya.

Tahimik lang akong nakaupo, halos isinisiksik ang sarili sa pintuan ng van. Andrino was also sitting quietly by my side. He also rarely speaks, that is when others ask him questions or Selah talks to him.

Medyo mahaba-haba pa ang byahe kaya minabuti kong matulog na lang muna sa kabila ng ingay.

Idlip lang din yata ang ginawa ko dahil nagising din ako agad. Tahimik na ang van, nu’ng sulyapan ko ang labas ay napansin kong hindi na ako pamilyar sa daan. All I could hear was the song coming from the car tweeters. Even the one next to the driver is already asleep. At ako na lang din yata ang gising.

Kinagat ko ang labi ko nang malingunan si Selah na natutulog sa balikat ni Andrino. Nakahilig lang si Andrino sa sandalan. Kung titingnang mabuti, para silang couple sa isang roadtrip. At sila lang ang mukhang couple dito.

Huminga ako ng malalim at muling ipinikit ang mata ko.

Kung pwede lang, tatanggalin ko talaga yung ulo ni Selah sa balikat ni Andrino at ipapatong sa balikat ng katabi nito.

When we arrived at Patungan Cove, I could see the excitement on the faces of my classmates. Parang naging bonding na rin ng section namin ito dahil hindi naman natutuloy ang plano nila na maligo sa malapit na pool sa Bacoor.

“May cottage na tayo. Isang cottage na lang kinuha namin, malaki na rin naman ‘yon, good for 15 pax.” anang kagrupo ko na siyang nago-organize ng place namin.

“Kumain muna tayo!” sigaw naman ng isa kong kaklase.

“Naka topless agad si JC, oh! Excited masyado, akala mo naman may iyayabang!”

“Ayaw mo lang talagang aminin na nasasarapan ka sa abs ko!” sigaw ni JC.

Ngumiwi si Sofia na nagsalita kanina. “Baka sa panaginip mo, pwede pa!”

Napag-desisyunan naming kumain muna bago simulan ang agenda namin dito. Ang plano namin ay tapusin muna ang project namin bago kami magliwaliw.

Nu’ng sinimulan na namin ang project, iilan sa mga kaklase kong lalaki ay bumili ng alak sa malapit na convenience store kasama ang driver nila Eloise para daw ito yung mag-bayad. Inalok din nila ito na sumali sa inuman session na magaganap mamaya pero tumanggi ito dahil nga siya ang magmamaneho.

“Hindi ka pa maliligo?” Eloise asked me when we paused our activity.

Umiling ako, nakaupo sa mahabang upuan na kahoy. “Mamaya na lang muna. Hintayin ko muna yung mga boys para may bantay dito.”

Tumango siya at tumakbo patungo sa dagat. Pinagmasdan ko siya at ang iba naming kaklase habang dinadama ang maaliwalas na hangin na isinasayaw ang buhok ko na naka-lugay.

I turned to look at Andrino. Nakaupo siya sa malalaking bato hindi kalayuan sa cottage namin. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya tanging ang likod na walang damit niya lamang ang nakikita ko.

Gusto kong mamangha na hindi niya kasama si Selah ngayon. Parang hindi kapani-paniwala. Dinaig pa kasi nila ang conjoined twins sa sobrang dikit palagi.

My eyes widened slightly when he suddenly faced my direction. Agad akong nag-iwas ng tingin kahit nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglalakad niya sa direksyon ng cottage.

I panicked and wanted to leave the cottage before he got here but my legs didn’t move. I looked away intensely when I saw him enter the cottage and smelled his perfume.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now