Chapter 2

2 0 0
                                    

After kong malaman ang sakit ko ay parang tinanggap ko na lang lahat ng kamalasang nangyari at mangyayari palang sa buhay ko.

Tuloy pa rin siguro ang buhay kahit na hirap na hirap ka na. 

After naming makauwi ay pumasok ako ng school at umattend pa ng Honor's Assembly, di ko alam na yun na pala yung huling pasok ko sa quarter na yun.

Biyernes nun at dahil mas lalong lumaki ang tiyan ko ay mas lalong tumitindi ang sakit nito. Para akong buntis ng 4 months sa laki. Nakatulog ako sa kakaiyak, nagmamakaawa sa mga magulang ko na tanggalin na ang kung anumang nandito sa tiyan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong di pala ako buntis kasi wala din naman akong pinapakitang sintomas na buntis nga pero halos ikamatay ko naman sa depresyon ang nalaman ko.

Naiiyak na si Nanay that time kasi naman wala siyang magawa, aside sa bukas pa ang dating ng doctor mula sa Davao, sa Brokenshire, dito sa Bislig, wala siyang magawa sa sitwasyon ko, if only pwede lang ibigay sa kanya yung sakit ko, kukunin niya.

Kinabukasan nun, agad akong dinala sa Emergency Hospital sa Bislig  pero hindi raw available ang anesthesiologist nila kaya pinadiretso kami sa Soriano and doon na nga ako inoperahan. Di ako pinakain ng hapunan, tiniis ko na lang rin kahit na gutom na gutom na ako. Ilang beses akong binigyan ng injection, sa dextrose, for allergies raw pero halos maiyak ako sa sakit and such.

Hindi ko alam kung anong oras ako inoperahan nun, nakipag chika pa nga ako kay Doc at sa anesthesiologist. Tinanong nila ako kung ano raw ba gusto ko, sinabi ko OB po pero nauna pang naging pasyente kaysa maging doctor, huhu.

Tiningnan ko ang mga nakadikit sa dingding at mas lalo akong kinabahan. I prayed hard to God na sana maging successful ang gagawing operasyon sakin at after ilang minutong pananatili sa OR, ay nakatulog ako hindi pa man tinurukan ng anesthesia. Take note, may period pa ako nun kaya doble ang hiya, huhu.

Hindi ko alam kung anong oras akong nagising basta paggising ko sumasakit ang tiyan ko nun ng malala pa sa inaasahan ko. Hirap na hirap akong gumalaw, pati pagtawa ay kailangan pang pigilan.

Almost a week rin akong naka admit roon, John, my ex sa Grade 8, and I had a chat but then natigil din, ghinost ba naman ako, grrr at before birthday ng kapatid ko kami umuwi, we bought handa para sa birthday niya kinabukasan.

At wala pa palang katapusang kamalasan ang nangyari sakin, my cat die after that. I mourned and mourned, 3 years na nasa sakin tapos mamatay lang, hirap na hirap akong umiyak dahil sariwang sariwa pa ang sugat ko. Mas iniyakan ko pa yung pusa ko kaysa sa bwisit na Peter na yun.

I made another acc sa fb para mas makapag move on na ng tuluyan sa ex ko but then kahit ano pang move on ang nangyari, iba't ibang lalaki naman ang naka relasyon ko.

Funny thing is, babae ako pero parang ang sugapa ko sa lalaki. Sino ba namang magiging hindi kong sa mismong bahay niyo, wala kang atensyon na nakukuha from your parents. I always think na bakit hindi ko maranasan yun? But it's fine anyways, I have already found my the one I guess. We've been dating for a month now. After ng last relationship ko, pinatulan ko na agad, naghanap agad ako ng bago. Sino ba namang hindi kung ang karelasyon even a single minute of his time di pa maibigay, tf! Kaya iniwan ko na lang rin. And then Lionel came, he taught me how to love again TEMPORARILY kasi sa una lang pala siya magaling, tangina. Nung sasagutin ko na sana parang nagbibigay na sakin ng motibo si Lord na wag, plano ko na sana siyang sagutin sa may Florland, doon, nagsabi ako sa kanya na pumunta siya, may sasabihin ako kako pero amputcha nakauwi na pala ng Tagbina, the hell, kaya bukas na lang but then hindi niya ma gets ang gusto kong sabihin kaya pinag awayan na naman namin. He's I love you is too rigid, cringe for me. Parang may kulang. Or more, parang may mali. But then sinubukan ko pa rin nung other day and parang nagdadalawang isip na siya, tangina. Grabe na yung sign na binigay ni Lord pero bakit ang bulag-bulag ko. Parang hindi pa raw niya kaya mag take the risk pero tinakot ko, baliw ka talaga self.

Reach a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon