Chapter 31- 5 years later

840 27 2
                                    

Ella De Jesus

"Mahal na mahal kita,Jessica. Sisiguraduhin kong, Matutulad ang wish ng mama mo. I'll marry you, soon. Basta lagi mong tatandaan, Ikaw at ako, Tayong dalawa...Hanggang dulo"

Napa sapo naman ako sa ulo ko

"Are you okay, babe?" My girlfriend asked

Tinignan ko naman siya at ngumiti
"I-I'm fine, babe. Don't worry, maybe pagod lang sa work" I answered

I felt her hand on my hand, I smiled and intertwined it

"I'm okay nga, babe... Don't worry" I chuckled

"Pa check up na ulit tayo sa sa doctor?" She said

"Mae, Okay lang talaga ako. Let's just change the topic... Where do you wanna eat, babe?" I asked, trying to divert the topic

"Sige na nga, hmm... sa Gotham steakhouse nalang babe. I've heard maganda yung food and yung service nila" Mae said

"Alright then, Gotham Steakhouse it is" I smiled and drove  away

"Babe? kailan kayo uuwi ng Philippines?" She suddenly asked while we're eating
"Sabi ni dad babe probably next week daw. Sama ka na babe" Sagot ko
"Okay, I'll ask permission from daddy muna Babe. I'm sure naman papayagan niya ako kasi andun ka eh" she replied

Napa ngiti naman ako sakanya

Bigla namang sumakit ulit ang ulo ko

"You'll always have me. we'll always have each other's back. And I promise, I'll never break your heart.Ipapangako ko, kahit sa harap ni tita. Sa hirap at ginhawa, tanging ikaw lang ang gustong makasama"

Napa sapo ako kaagad sa ulo ko

Tangina, ang sakit

"B-babe? Okay ka lang?t-teka" Mae was worried

Hindi ko na kaya, Ang sakit na ng ulo ko

Everything was black

Nagising ako sa isang puting kisame

Putek, nasaan ba ako?

Bigla ko namang naalala si Mae kaya dali dali akong bumangon, pero may pumigil sakin

"Babe, Calm down. The doctor will check your condition muna" It was Mae!

I hugged her tight

"I thought naiwan kita dun, I'm sorry babe for passing out" i said

"It's okay, babe. Buti nalang nadala kita dito sa doctor mo. Kung hindi, hindi ko na alam kung anong gagawin ko" sagot niya

Napangiti naman ako sakanya
"Thanks babe. I'm grateful for you, salamat sa pag aalaga sakin"sambit ko

"Soft hours ka nanaman babe? Sige na tama na yan. Gusto mo water, babe?" Sabi niya

napatawa naman ako sakanya at tsaka tumango

"she's doing fine na naman so maybe later, she can go out. Don't forget to drink your medicines, Doc DJ" doctor Smith said

We both smiled and thanked him

"Narinig mo yun, babe? wag ka nang pasaway kina tita at inumin mo yung gamot mo. "Sambit niya

"Hindi kaya ako pasaway, babe. Nakakalimutan lang" Palusot ko pa

She rolled her eyes on me kaya napatawa naman ako

"Kulit mo, babe. tulog ka na muna dyan. Para later may energy ka pag labas mo" Sabi niya

Umusog ako ng konti sa bed and tapped beside it

"Come here, babe. You deserve to take a rest too" I smiled

Napa ngiti naman siya at tsaka tinabihan ako sa hospital bed

"I love you, babe" I kissed her forehead

"I love you too, Ella" she said and smiled

"Tulog na tayo babe, medyo inaantok ako eh" she yawned kaya napa tawa naman ako

"Alright, Maybe I'll ask doctor smith if pwede ba na bukas nalang ako lalabas" Sabi ko

Sinamaan niya naman ako ng tingin

"You're tired, babe. Ayokong maputol yung tulog mo" I firmly said

Inirapan niya nalang ako at hinigpitan ang pagka yakap

We've been together for three years

And Those years with her was wonderful

Everything was wonderful since we came here

Kasi nakilala ko si Mae

But

There's this person who kept on bothering me

Jessica, who are you?

Jema Galanza

"Look,my!!!" My 3 year old kid said

"very good ng baby na yan! what shape is that ulit?" I asked

"Yectangle!" He smiled

Bulol pa din siya sa r kaya ni ngitian ko nalang siya

"Jema, anak. luto na yung pagkain. Kain na kayo ni Jordi" tawag ni papa

"Baby, The food is ready. Tara na anak" Sambit ko

"Yey! food is yeady!" he exclaimed

"Excited ang bebe ah? parang di pinakain ng nanay" Mafe teased

Siraulo tong kapatid ko, kaka uwi na nga lang galing ibang bansa, Mang aasar pa

"Tama na yan Mafe,Jema. Wag kayong mag away sa harapan ng pagkain at sa harap ni jordi" Saway ni Papa

Binelatan ko nalang si Mafe

"Mommy, i want sabaw! my, sabaw" Sambit ni Jordi

"Wait lang anak, nag kukuha pa si mommy ng rice" seryosong sabi ko

"Wait muna, Jordi. May ginagawa pa yung mommy mo oh" Sabi ni Papa

I saw him pout kaya napa tawa ako

It's been five years, since wala na sina Mama and Ella

and It's been 4 years also, since I got pregnant, by Jordi

Love You, DocWhere stories live. Discover now