Ako si francheska, isang babaeng walang hilig sa araling kasaysayan o historya. Isang maarteng babae na nakakaramdam ng hiya sa mga kwentong pag ibig na nagbunga at nag simula sa kasaysayan ng rebolusyon o digmaan ng bansa.
Wala akong hilig sa pag babasa ng libro, o kahit anong kwentong pag ibig o tungkol sa history. I find it cringe, naiirita ako lalo kapag tinutukso ako ng mga kaibigan ko. Para daw akong si carmela na isang main character sa binabasa nilang story sa wattpad.
"Pag nabasa mo itong kwento ni binibining mia for sure maiinlove ka din kay juanito." Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, inirapan ko lamang siya. Nakakaantok lang ang kwento na puro pag ibig.
"Akin na nga yang cellphone mo. Mag dodownload ako ng wattpad para makapag basa ka. Para makarelate ka naman sa kabaliwan namin. Kahit manlang sa libro may maging boyfriend ka." Sabat naman ng isa pa naming kaibigan habang kinakalikot ang cellphone ko.Kinagabihan ay punong puno ang GC naming magkakaibigan at lagi nalamang nilang pinag uusapan ang tungkol kay carmela at juanito.
Kaya naman agad kong sinimulan ang pag babasa ng kwentong yon. Hindi dahil curious ako sa love story, kundi para makasabay lang sa hype ng mga kaibigan ko.
Ngiti at kahihiyan ang nararamdaman ko tuwing may moment sila ginoong juanito at binibining carmelita, o dapat kong sabihin na si carmela.
Ngunit nag bago ang lahat nang isang araw. Nang gabing nag babasa ako ay bigla nalamang lumiwanag ng husto ang aking cellphone.
Nagising na lang ako sa loob ng isang kwentong sinusubaybayan ng mga kaibigan ko.Hindi ako isang tauhan sa kwento ngunit malaki ang parte ko sa mga iniwan at isinulat na alaala ni carmela para kay juanito. Naging saksi ako sa bawat pahina ng kanilang pag iibigan.
"Dear Diary,
Ngayon Ko lang na-realize na hindi lahat ng nakasulat sa diary na ito ay totoo. Hindi lahat ng kwento nina lola carmina at madre olivia ay totoo dahil...
May ibang napupusuan pala si juanito at ito ay si... Helena.Nalilito,
Carmela "
Sa aking pag dating sa mundo at panahong ito ay aking nalaman na si Carmela ay isang apo ng pamilya Montecarlos. Siya ay nagmula sa ika-apat na henerasyon ng pamilya at ang kanyang pangalan ay hiniram mula sa yumaong anak ng Montecarlos na si Carmelita. Isang araw, si Carmela ay biglang napadpad sa taong 1892, kung saan naglalayon siyang matapos ang isang misyon - ang iligtas ang isang lalaki mula sa trahedya ng kanyang pag-ibig. Sa pagdating niya sa taong 1892, sinimulan ni Carmela na isulat sa kanyang talaarawan ang mga naramdamam.At heto ako ngayon, nakikinig at nararamdaman ang bawat lungkot at saya na ibinabahagi ni carmela sa akin.
"Dear Diary,
Hindi ako naniniwala sa love at first sight, Hindi rin ako naniniwala sa forever, at mas lalong hindi ako niniwala sa happy endings. Pero ngayon, nangangamba ako. Nangambang tamaan ng pana ni kupido.Nagugulumihanan,
Carmela. ""Cheska!! Cheska whuy gising!" Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ko ang boses ng isa sa mga kaibigan ko. Pilit kong hinahabol ang bawat pag hinga ko sa aking napanaginipan.
"Malalate na tayo, mag bihis kana." Sabi ng kaibigan ko.Lunch time namin ng maisipan kong pumunta sa isang cafe malapit lang din sa school. Busy ako sa pag aayos ng mga PETA ko ng may isang babaeng lumapit sa table ko.
"Hi! May kasama ka ba? Pwede bang makishare ng table?" She asked. Ngumiti lang naman ako saka tumango.
Gagawin ko na dapat ang mga PETA ko nang mapansin kong nag susulat siya sa wattpad.
"Writer ka?" Tanong ko.
"Ah oo? medyo?" Hindi siguradong sagot nya.
"Ikaw? Nag babasa kaba ng wattpad?" Ngiting tanong niya. Umiling naman ako at ngumiti.
"I'm francheska, cheska for short." Pakilala ko sakaniya.
"Faye," sagot nya at ngumiti din.Ilang saglit lang habang nag kwekwentuhan kami'y bigla na lamang lumiwanag ang mga screen ng laptop namin. What's happening? Before it gets brighter and bighter, napatingin ako sa orasan, it was 6pm. And all of the sudden. I realize, muli akong napunta sa alaala nina carmela at juanito.
"Dear Diary,
Tulungan mo ako!
Hindi ito ang plano!
Wala sa plano ang ma-in love ako kay juanito!Nagugulintana,
Carmela"Naging saksi ako simula ng mahulog ang loob ni carmela kay juanito. Bawat kilig, saya at kaba ay aking nakikita at nararamdaman.
"Dear Diary,
Hindi maaari!!
Anong gagawin ko?
Nandito na si Leandro!Nawiwindang,
Carmela"Bawat problema na kaniyang kinakaharap ay nasa tabi niya ako. Naging saksi ako kung gaano siya katibay at katalino upang lusutan at gawan ng paraan para makatakas at makaligtas sa problema.
"Dear Diary,
Sa totoo lang, ang pinakamasakit sa lahat, bukod sa hindi ko na makikita pa si juanito...
Ay hindi ko man lang nasabi sa kaniya na siya ang tunay na nilalaman ng puso ko.Nasasaktan,
Carmela.""Dear diary,
Sabihin mong hindi nangyayari ito!
Sabihin mong isang masamang panaginip lang ito!
Sabibin mong nagkakamali lang ako!
Hindi ko kayang tanggapin na...
Wala na si juanito.Nagdadalamhati,
Carmela."Hanggang dumating ang masakit na pang yayaring muntikan ng umagaw sa buhay mo, carmela. Ika'y nagpakalunod sa lawa tulad ng ginawa ng tunay na carmelita. Sa bawat pag tangis at hinanakit mo ay aking naramdaman at nasaksihan. Nang paputukan ni heneral leandro ang lalaking iyong minamahal.
YOU ARE READING
Salamisim sa Bawat Pahina ng Talaarawan ni Carmela
Fanfic#ILYS1892xSALAMISIM Short Story