"Cheska! Cheska!" Muli akong nagising sa tawag ng aking kaibigan. Sa pagkakataong ito ay labis akong nasasaktan sa aking nasaksihan.
Ang bawat alaala ni carmela mula sa kaniyang talaarawan ay aking nasaksihan at nasubaybayan. Ako'y binabalik ng oras sa nakaraan upang masaksihan at balikan ang walang kapantay at sing-sakit na alaala ni carmela.
Napalingon naman ako sa babaeng nasa tapat ko, mahimbing parin siya sa pagkakatulog ngunit may luhang kumakawala sa kaniyang nakasaradong mga mata.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa isang libro upang siya sana ay gisingin. Huli ko ng napagtanto na tulad ko, ay maaaring siya din ay napunta sa ibang mundo ng libro.
Anong ginagawa nila dito at bakit may lampara? Gulong katananungan ko sa aking isipan.
"Sebastian, Bago mo makalimutan ang lahat, ibig kong malaman mo na... Gusto kita."
"Faye."
"Shocks! Bakit hindi namatay"
"Bakit mo pinatay ang sindi ng lampara?"Nais ko ng magising sa kahihiyan na aking nasaksihan. May pagkakatulad din pala sila ni carmela na minsan ay hindi talaga iniisip ang ginagawa. Bumalik sa akin ang ilan sa mga kahihiyang ginawa ni carmela. Napailing nalamang ako at napangiti, dahil nagawang mahulog parin ni juanito sakaniya.
Pag lingon ko ay ibang senaryo nanaman ang aking masasaksihan.
Nakita ko naman si faye na may kausap na isang gwapong sundalo. Kaya ayoko sa mga romance story kasi naiinggit ako sa mga nakikita ko eh. Kung si juanito at si carmela ay hindi masyadong PDA, itong dalawa naman ang PDA yata, nalalaman pang subuan ng puto.
"Sabihin mo ang dubidubidiwapwap please." Rinig kong sabi ni faye. Agad akong natawa sa sinabi niya.
"D-dubidi---- Ano iyon?" Tanong ng gwapong sundalo sakaniya. Pero sa huli ay nabigkas din ang pinapaulit sakaniya.Nakakatuwa silang panoorin. Comedy kaya itong kwento?
Pag pikit ko ay nasa ibang anggulo nanaman ako ng kwento.
"Kerida? Iyong iniisip na ikaw ay aking kerida?" Tanong ng gwapong sundalo na nag ngangalang sebastian guerrero.
"Hindi ka isang kerida. Ikaw ang ibig kong pakasalan."Tuluyan na akong napangiti sa kanilang dalawa. Nakakakilig sila. Sana nga lang ay hindi masakit ang ending. Bagay na bagay sila. Ship ko na nga sila.
Nagising ako kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan.
Akin ring napagalaman na ang Salamisim ay isang malungkot na kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng anak ng gobernador at lider ng rebolusyon noong panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. Isinulat ito ni Faye, isang manunulat na nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa sariling kuwento. Doon, nakilala niya ang lahat ng mga karakter na kanyang nilikha, naranasan ang mga eksena na kanyang iminahin, at narinig ang lahat ng mga linya na kanyang nilikha.
Simula nang araw na iyon ay hindi ko na muling nakita si faye. Tila pinagkrus lamang ang aming mga landas upang makapulot ako ng aral at balikan ang alaala nila ni heneral sebastian.
Akala ko ay matatapos na ang lahat ngunit pag pasok ko kinabukasan ay nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa lapag. Akin siyang nilapitan at nagulat. Hinawakan ko ang libro at muling bumalik sa nakaraan.
"Mahal kita, carmela." Wika ni juanito habang mahigpit ang yakap kay carmela.
Punong puno ng luha at sakit ang nadarama niya.Pag pikit ko ay natauhan din ako, iniwan ko ang babae at saka tumakbo paalis. Habang tumatakbo ay isa isang pumapasok sa isipan ko ang lahat ng pang yayari, mula sa masaklap na alaala ng talaarawan ni carmela hanggang sa masakit na pag ibig ni faye at heneral sebastian.
Ilang beses din akong tinawag ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila nilingon. Hindi ko mapigilan ang pag luha sa aking nalaman at nasaksihan.
Sa paglipas ng bawat minuto, natutunan ko ang halaga ng pagmamahal at pag-ibig sa pamamagitan ng kanyang pakikipagsapalaran sa kanilang salamasim.Sa tulong ni Faye, natuklasan ko na ang pag-ibig ay may malalim na kahulugan at hindi lamang nauukol sa mga salita at pangako. Ang tunay na pagmamahal ay nagmumula sa pusong handang magmahal at mag-alay ng sarili para sa iba. Na kahit imposimpleng magkatuluyan ang isang totoong tao at ang isang tauhan sa libro ay pipiliin parin nilang umuwi sa manatili sa kanilang pag ibig.
Sa huli, ang pagtatagpo ng mga kuwento nina Carmela at Faye ay nagdulot ng pag-asa at inspirasyon sa puso ko. Ang bawat pahina ng talaarawan ni Carmela at ang mga salamasim na nilikha ni Faye ay nagdala ng liwanag at pag-asa sa mga taong naghahanap ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.They both embark on extraordinary journeys that challenge their beliefs and push them outside their comfort zones. Carmela and Faye face challenges and sacrifices in their pursuit of love. Both Carmela and Faye undergo journeys of self-discovery and personal growth through their experiences. Both Carmela and Faye navigate the blurred lines between reality and fiction, grappling with the consequences of their creations and the impact they have on their own lives.
Sila ay nagpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay. Ito ay isang lakbay tungo sa pagkakaisa, pag-asa, at kaligayahan... Kahit walang kasiguraduhan kung mananatili kayo sa tabi ng bawat isa.Ang mga Salamisim ni Carmela at Faye ay babaunin ko habang buhay. Sa loob ng aking kalooban, alam kong lagi akong hihilahin pabalik sa kanila, dahil nahanap ko ang kapayapaan at kalayaan sa kanila. Ang kanilang salamisim at pagmamahal ay naging aking tahanan, isang santuwaryo na laging maaari kong balikan, kahit ano pa ang mangyari.
And it brings me the smile of happiness and tears to the sadness, The story may end, but the lessons and the memories it leaves behind, will forever echo through my hearts for years to come.
Kung sakaling gigising muli ako sa panibagong kwento. Walang pag aalinlangan kong pipiliin ang daan patungo sa salamisim ng talaarawan ni carmela at ang salamisim ng pag ibig ni faye ang aking pupuntahan;
"Hindi mo kailangan magtago dahil kahit saan ka man magpunta, makikita at makikita parin kita." - Juanito
"Hahanapin kita kahit anong mangyari." - Sebastian
Dahil sa kanilang salamisim ko lamang matatagpuan ang nag iisang Doctor Juanito Alfonso at Heneral Sebastian Guerrero.
YOU ARE READING
Salamisim sa Bawat Pahina ng Talaarawan ni Carmela
Fanfic#ILYS1892xSALAMISIM Short Story