Kabanata 7

1 0 0
                                    

Kulang nalang ikapit ko sa sasakayan ni Josh maging daliri ng mga paa ko ng tumapat kami sa sinasabi niyang pupuntahan namin. Sa dinami-dami kasi ng bahay na pagdadalan niya ng mga bulaklak ay dito pa talaga sa bahay nila Roshid.

"Huy..ano pang tinutunganga mo dyan? Baba na!" bungad sa akin ni Josh ng buksan niya ang pintuan ng sasakyan na nasa gawi ko.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" kabang kabang tanong ko kulang nalang kasi lumabas ang puso ko sa lakas ng kalabog nito sa dibdib ko.

"Dito mo aayusin ang mga bulaklak, saka dito din natin itatanim yung mga punla" pagmamalaki ni Josh sa bahay na nasa tapat namin ngayon.

"Anong tingin mo sa akin employado mo na pwede mong utusan kung kelan mo gusto, ayoko! Humanap ka nalang ng ibang mag aayos niyan at magtatanim" galit-galitan kong sagot kay Josh baka sakali kasing makatakas ako sa kanya sa ganuong paraan.

"Sige na Cami, wala akong kakilala na gagawa nito bukod sa iyo. Alam mo namang kababalik ko lang din galing ibang bansa diba" pag-papaawa sa akin ni Josh.

Palibhasa alam niya na madali akong lumambot at makuha pag-nagpapaawa sila sa akin nila Pat ng ganyan.

Nakakainis paano ba ako makakalusot sa isang ito, siguradong nasa loob si Roshid. Magkakaharap na naman kami. No! Hindi pwede Cami!

"Si Ally....tama si Ally ang interior designer ng bahay na yan. Sa kanya mo yan ipagawa,wag sa akin" suhesyon at pagtangi ko kay Josh.

Yes tama, si Ally...si Ally dapat ang umayos niyan hindi ako. Saka baka way na rin yun para mas magkalapit sila dalawa.. Naks feeling ko tuloy ako na si kupido haha..

"Hindi daw pwede si Ally, masama daw pakiramdam niya ngayon, kakachat niya lang" sabay pakita sa akin Josh ng chat ni Ally.

Ang bilis niya namang contact-kin si Ally, kakasuggest ko lang nakatype na pala ang mokong. Tss..

"Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko Cami. Kailangan kasi matanim din natin ngayon ang mga rosas para umabot ang mga bulaklak nito sa June." Dagdag pa ni Josh

"tss. hindi niya nalimutan ang pangako niya" hindi ko namalayang bulalas ko.

"Ano kamo? Payag ka na ba?" usisa ni Josh habang pilit na nakangiti ito.

"Huh? Ahmm.. Sabi ko natatakot ako pumasok diyan kasi....kasi kwento sa akin nila Ally masungit daw ang may ari ng bahay. Pagsisinungaling ko kahit wala naman talagang sinasabi sila Ally.

"Haha yun bang si Roshid ang tinutukoy mo. Wag mo alalahanin yun seryoso lang talaga yun sa buhay, saka wala siya ngayon nasa out of town" natatawang paliwanag ni Josh.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Josh "Oh tara na ngarod, mag ayos na tayo! Ibaba mo na yung mga halaman at bulaklak" yaya ko kay Josh.

Tuwang-tuwa naman si Josh na napapayag niya ako, ibinukas niya agad ang likuran ng sasakyan at ibinaba ang mga halaman at bulaklak na nabili niya.

Matapos naming maipasok lahat ng dala namin ay inayos ko na ang mga halaman na itatanim ko. Buong akala ko ay hindi na muli ako makakapasok dito sa lumang villa.

Pinagmasdan ko ang loob ng bahay at walang pinabago ang loob nito, walang pinabago si Roshid sa desenyo ng villa. Sigurado ako na gusto niya ring mabuhay ang mga alaala ng nakaraan lalo na ni manang huling at ng asawa nito. Napansin kong patapos na nga ang pag-aayos sa villa may mga kaunting sira na lang ang dapat ayusin.

Wala ang trabahador ngayon sa bahay, malamang ay araw ngayon ng day off nila, weekend din kasi. Idinala ako ni Josh sa likuran ng bahay sa may garden. Maging sa garden pala ay walang pinabago si Roshid. Hindi pinaalis ni Roshid ang mga baging doon na syang nagsisilbing lilim pinabawasan niya lang yuon upang maging malinis sa paligid.

Hindi rin pinatangal ni Roshid yung puting fountain sa gitna, gumagana na ulit ito hindi tulad nung huli kong punta na palyado na ang daluyan ng tubig. Nagsimula na akong magtanim ng mga halaman, sakto rin ang mga nabili na halaman ni Josh. Inuna kong itanim ang mga rosas, itinanim ko yuon sa malapit sa fountain kung saan madalas na naaarawan, dito rin kasi nagtatanim ng rosas dati si manang Huling.

Nang matapos akong magtanimtanim ay nag inat inat muna ako dahil nagawit akong nakayuko. Pinagmasdan ko din ang paligid na tulad lang ng dating kong ginagawa ng biglang........

"WAAAAAAH!" biglang sumindi ang lahat ng faucet na pandilig sa bermuda grass.

"naku ma'am sorry ho!" rinig kong sigaw ng matandang lalaki habang nagmamadali siyang patayin ang faucet at lumapit siya sa akin agad ng mapatay ito. "Pasyensya na po ma'am akala ko po kasi ay walang tao" nakayukong paumanhin ng matanda.

"Ayos lang po kuya, magpapalit nalang po ako ng damit" hindi ko alam ang itatawag sa matanda dahil ngayon ko lang naman siya nakita.

Dahil malapit lang naman ang bahay namin ay naisipan ko nalang na umuwi ang kaso...naalala kong yung susi ng bahay nasa bag ko pala at naiwan yun duon sa transient dahil nga kinaladkad ako dito ni Josh. Nasa garden pa rin sila mama kaya siguradong wala akong pag asang makapasok sa bahay.

"Ahm.. kuya nakita nyo po ba si Josh" tanong ko sa matanda.

"Si sir Josh ma'am, kakaalis niya lang po may emergency daw po siya, kaya din pinapunta niya po ako dito" paliwanag naman ng matanda sa akin.

What the.....at iniwan niya talaga ako dito ng hindi man lang nagsasabi. Shet ka Josh humanda ka talaga sa akin.hmmmp.

"Ma'am kung gusto nyo po, pwede po kayong magpalit sa itaas siguradong may mga damit po duon dahil minsan dito po natutulog ang amo ko. Ako na pong bahalang magsabi kay sir Josh, para din po mapaliwanag niya kay sir" alok sa akin ng matanda.

Nag-aalangan pa ako nung una pero alangan naman magpakamatay ako sa lamig diba. Sinamahan ako ni kuya Andres sa itaas, nakipagkwentuhan rin siya sa akin at nasabi niya nga rin na siya ang bagong care taker at kasa kasama ni Roshid dito sa villa. Nang maihatid ako sa itaas ni kuya ay bumaba na siya agad dahil ipagpapatuloy niya na rin ang pagdidilig.

Sa master bedroom ako dinala ni kuya Andres, kung saan ang kwarto ni Roshid. Wala pang masyadong laman ang kwarto bukod sa kama, cabinet at working area ni Roshid. Binuksan ko agad ang cabinet niya at naghanap ng pwedeng suotin, kaso panay mag corporate attire lang ang mga damit niya dito.

Naisip kong suotin nalang ang panloob niyang long sleeve na white, siguradong mahaba naman yuon sa akin dahil matangkad siya. At tama nga ako ng hinala dahil ng maisuot ko ang damit niya ay kulang nalang maging gagatuhod ko yun na medyo manipis para sa akin buti nalang din ay hindi nabasa ang panloob ko kaya may suot pa rin ako hangang ngayon.

Matapos kong magbihis ay tinawagan ko si Josh para sabihin sa kanya na ibalik na ako sa transient, kaso ang walanghiya naka ilang tawag pa ako bago niya nasagot ang tawag. Hinihingal pa sya ng masagot nya ang tawag ko.

"WHAAAT!" sigaw ko sa kabilang telepono.

Love Unseen (On-Going)Where stories live. Discover now