Kabanata 15

3 0 0
                                    

Tulog na si Kyle ng dumating kami sa farm. Nalaman ko din na hindi nga anak ni Roshid si Kyle, OA lang ako. Apo pala siya ni mang Andres at magkaibigan ang papa noon ni Kyle at Roshid, pero nagpatiwakal ito ilang taon matapos ang insidente sa site na ikinamatay ng dad ni Roshid habang ang mama niya naman ay namatay sa panganganak. Habang si Kyle ay visually impaired na since birth.

Kita ko pa ang pamumuo ng luha ng matanda mula sa rearview mirror galing sa mga mata nito habang nagkukwento. Pero yumuko agad ito ng makita niyang nakamasid ako sa ekspresyon niya.

Dahil sa kwentong iyon mismo ni mang Andres habang nasa byahe kami ay lalong lumambot ang puso ko para sa bata. Bukod kasi sa hindi nya na nasilayan ang ganda ng mundo ay wala pa siyang kinagisnan na mga magulang. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit quality time with her parents ang hiling ni Kyle.

Sa kwarto muna sa transient pinatulog si Kyle, dahil maaga pa naman. Si Kaloy at mang Andres naman ay abala sa pag aayos ng gamit sa camping site.

"Kamusta po kayo dyan, kailangan nyo po ng tulong?" Tanong ko sa dalawa dahil kanina pa rin naman ako walang ginagawa.

"Naku hindi na ija, kaya na namin ito. Magpahinga ka na lamang muna. Saka pasasalamat ko na lang din ito para sa apo ko" sagot ni mang Andres.

Ngumiti ako bago sumagot "Naku wala po yun, saka kay Engr. Casco po kayo magpasalamat dahil siya po ang nakaisip nito" suhesyon ko naman.

Napansin ko namang kanina pa walang imik si Kaloy, ang tanging kakwentuhan ko lang kanina ay si mang Andres, hindi ko alam kung hindi lang siya pala kibo o talagang iniiwasan niya lang magkwento.

"Ikaw Kaloy, baka gusto mo ng meryenda?" Alok ko dito para umpisahan ang usapan

"Busog pa ako madam" sagot naman nito habang hinihimas himas pa ang kaniyang tyan.

"Ano ka ba sabi ko naman sayo, Cami na lang. Teka ano palang problema sa site bakit hindi makakapunta si Engr. Casco ng maaga?" Usisa ko rito.

"Bumigay po kasi yung metal frame sa roof ng construction site. Chinicheck pa ni Boss D kung ano nangyari pinatigil nya rin yung operation sa site" sagot naman ni Kaloy.

"What!? Bumigay yung metal frame? Ka..kamusta si Roshid?" Gulat na ulit ko pa sa sinabi ni Kaloy. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinabahan, kanina lang kasi ay tungkol sa gumuhong site before ng usapan namin, tapos ngayon ay makakarinig ako ng problema sa site na pinagtatrabahuan ni Roshid.

Ngumisi pa si Kaloy bago ako sagutin "Wag ka mag alala madam, ayos naman na ang lahat sa site, kontrolado na yun ni Boss D." Pagpapakalma pa nito sa akin.

"Sinong nagsabing nag-aalala ako?" Pagkakaila ko naman habang tumulong na ako ayusin ang mga pagkain na dala namin sa mesa.

Natawa si mang Andres at Kaloy dahil sa reaksyon ko. "Hindi naman halata madam, kaya wag kana magkaila" tumatawang pamimilosopo pa ni Kaloy.

"Alam mo ang dumi ng utak mo, papasok na muna ako sa loob, baka gising na ni Kyle" pag-iiba ko ng usapan para makatakas na rin ako sa pang aasar nila.

Dinig ko pang tinawag ako ni Kaloy "Madam! Wag kang mag alala sekreto lang nating nag aalala ka kay Boss!" Pang aasar pa sa akin ni Kaloy habang si Mang Andres ay patawa tawa sa tabi niya.

Tss.. sino ba kasing nag aalala sa damuhong yun. Pake ko ba sa kanya.

----------------

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa tabi ni Kyle kanina, pagkagising ko ay wala na sa tabi ko ang bata. Kaya dali dali akong lumabas.

Nadatnan ko sa labas si Kaloy na nag iinom. Habang seryosong kinakausap ang sarili niya.

Taragis may tama na yata sa utak ang isang ito.

Hindi ko naman nakita si Mang Andres kaya lalo akong nag alala kay Kyle, mas inuna pa ni Kaloy ang bituka niya bago magbantay ng bata, pasalamat sya di pa kami ganun kaclose kung hindi nakatikim na siya ng batok sa akin.

Dali dali akong lumapit kay Kaloy, napatigil siya sa pagtungga ng alak ng makita ako "Asaan si Kyle at mang Andres?" Tanong ko agad dito.

"Umalis si Mang Andres, bibili lang daw ng uling na pang ihaw. Si Kyle nagpaiwan sa tent para magbasa." Turo nito sa tent na nakatayo malapit lang din naman sa transient house.

Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos ang sagot sa akin ni Kaloy, kasi kung hindi siya talaga ang iihaw ko.

Pinuntahan ko si Kyle sa tent at naabutan ko itong nakikinig ng recordings ko...napahinto ako sa harap mismo ng tent ng mapagtanto ko na hindi nag iisa si Kyle. Kasama kasi niya si Roshid sa loob, pareho pa silang nakapikit habang pinapakinggan ang kwento ng misteryosong babae at prinsipe na sinasabayan ng mga tunog na narecord ko sa lumang town house.

Pinagmasdan ko si Rosbid, mula sa kanyang mata na nakapikit ngayon ay mapapasin mo ang makapal at mahaba nitong pilik mata, matangos at perfect nitong ilong, maging ang labi nito na katamtaman ang pula.

Bakit ba sobrang perfect ng mukha niya. Wala ba syang kapintasan sa katawan. Parang siyang bidang karakter na lumabas sa libro.

Biglang dumilat si Roshid kaya nagitla ako. Tumalikod ako saka nagpanggap na may hinahanap sa damuhan.

"Shocks, saan ko ba nahulog yun?" Pag kukunwari ko.

Napatalon naman ako ng biglang magsalita si Roshid mula sa likuran ko. "Are you looking for something?" Tanong nito.

"Huh?? Eh... Umh.. hayaan mo na yun. Lumipad na" nangunot naman si Roshid sa pinagsasabi ko dahil hindi niya ako maintindihan.

Ano ba Cami... Shunga lang! umisip ka naman ng magandang sasabihin.

"Kunin mo na pala si Kyle, malapit na mag-alas dose. Kakain na tayo." Seryoso kong sabi kahit ang totoo sobrang kaba ng dibdib ko.

Shocks! di naman siguro ako halata masyado na tinititigan ko siya ng matagal kanina. Saka hindi naman kasalanan ang tumitig noh!

Matapos kong sabihin yun ay bumalik lang si Roshid sa tent at binuhat si Kyle. Pumunta naman ako agad sa lamesa para ayusin ang mga kakainin namin.

Nang makalapit sa lamesa ang dalawa ay inupo agad ni Roshid ang bata. Tumikhim ito para makuha ang atensyon ko pero tiningnan ko lang siya saglit at ibinalik ko na ang tingin ko sa mga pagkain na inayos ko.

Kinuha ko ang mga barbeque at isa isa yung inayos sa ihawan na naka handa na. Dumating na din kasi kanina si mang Andres at pinagbaga niya agad ang ihawan.

" Let me do that, just checked Kyle for me" alok ni Roshid habang kinukuha sa akin ang pamahid ng mantika mula sa likuran ko.

Tangina Cami yung puso mo pakalmahin mo, bawal ka madala sa sistwasyon.

Hindi na ako umimik at hinayaan ko nalang si Roshid ang mag ihaw, lumihis din ako agad at dumiretso kay Kyle na kumakain ng chicken lollipop ngayon dahil siguradong namumula na rin ang buong mukha ko.

Pero imbis na humupa ang kalabog ng puso ko at pamumula ng pisngi ko ay ay mas lalo pang nadagdagan ito ng sabihin ni Kyle na.....

"Can you be daddy Daile's wife for tonight?"

Love Unseen (On-Going)Where stories live. Discover now