Kabanata 16

5 0 0
                                    

Maya't maya ang pagpalo ko sa braso ko dahil sa kumakagat na lamok dito.
Masyado rin yatang nasisiyahan ang mga lamok sa dugo ko kasi kanina pa nila ako pinapapak.

"Just do what Kyle's wish. Isang gabi lang naman. Kung inaalala mo ang boyfriend mo, I'll explain to him" pamimilit sa akin ni Roshid na magpanggap bilang mama ni Kyle.

Napapamura nalang ako sa utak ko dahil bagong taon na bagong taon gusto nila maglaro kami ng bahay bahayan.

Teka sinabi ba ni Roshid yung word na boyfriend. Is it his way of asking me if I have a boyfriend?! Hayst wag ka feeling Cami, sinabi niya lang yun para mapapayag ka.

Kinurot ko ang sarili ko dahil sa iniisip ko ngayon. Nasaktan ako kaya siguradong hindi ito panaginip. Napaangat naman ang tingin ko kay Roshid na nag iintay pa din ng sagot ko.

"Fine! Just for this night." Sabi ko sabay talikod kay Roshid dahil hindi ko na talaga matiis ang mga kagat ng lamok maging ang presensya ni Roshid. Nakita ko pang napangiti siya sa peripheral vision ko pero ayoko na pansinin kasi siguradong lilipad na naman ang utak ko kung saan.

Pag dating ng alas dose ay kinantahan namin ng happy birthday si Kyle nagwish din siya. Tinanong namin kung ano ang wish niya pero sabi nya secret daw muna. Nagkainan na rin kami. Sinusubuan ko si Kyle, habang si Roshid ay nakangiti habang pinagmamasdan kami.

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain kay Kyle dahil sa titig ni Roshid. "Wala ka bang balak kumain?" Inis na tanong ko dito.

Nakuha ko rin ang atensyon ni Kaloy at mang Andres dahil nakatingin na mga ito sa amin ngayon. Maging si Kyle nahinto sa pag nguya ng pagkain niya.

Napangiti naman si Roshid sa tanong ko na kinakunot naman ng noo ko "I'm already satisfied seeing may wife and child happy" deretso ang tingin at nakangiting sabi nito sa akin.

Nasamid naman si Kaloy dahil sa sinabi ni Roshid habang si mang Andres ay nakangiti ng nakaloloko habang sumusubo ng pagkain.

"Gutom lang yan Engr. Casco" Sabay lapag ko ng dalawang stick ng barbeque sa plato niya na kinain naman niya agad.

Nang matapos kaming kumain ay sinindihan na nila ang mga kwitis at fountain, maganda at makulay ang foutain kaya nagiliw akong pagmasdan yun. Hangang sa mabaling ang atensyon ko kay Roshid at Kyle na nagkakatuwaan ngayon.

Nakapasan si Kyle sa balikat ni Roshid habang may dala itong lusis. Hindi man niya nakikita ang ganda at linawanag ng paligid ngayon ay masaya naman sya dahil sa ingay na nagmimistulang magandang musika para sa pandinig niya. Mistulang batang nakalaya naman si Roshid habang sumisigaw ito ng happy new year sa gilid ng burol kasabay si Kyle.

"Ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganyan si Boss D." Biglang sulpot ni Kaloy sa tabi ko.

"Tss. Simula pa naman noon hindi na yan palangiti" bulalas ko

"Matagal mo na palang kilala si Boss madam?" Tanong ni Kaloy.

Natauhan nama ako sa tanong ni Kaloy. "Huh? Ano.. sabi ko mukhang noon pa man di na talaga palangiti yang boss mo" pag iiba ko sa sinabi ko

"Ahh.. kala ko matagal mo ng kilala ang boss ko" kakamot kamot pa nito sa batok habang mistulang nadidismaya.

"Gaano mo kakilala ang boss mo?" Tanong ko kay Kaloy.

Hindi ko alam saan nanggaling ang tanong na yan. Pakiramdam ko pasmado lang talaga ang bibig ko at kung ano ano nalang ang lumalabas dito. Oh gusto ko lang talagang madivert ang topic namin.

"Si Boss D. Tahimik lang yan at laging seryoso lalo sa trabaho. Pinaka ayaw niya ng palpak at palyado kasi once pumalpak ka tanggal ka. Pero kahit ganun mabait yan, alam mo bang pinahanap niya ang pamilya namin, driver ng dad niya ang papa ko dati. Maging si mang Andres na tatay ng kaibagan ng papa niya ay ipinahanap niya, tinulungan din sila ni Boss kahit na alam niyang isa ang tatay ni Kyle sa dahilan ng pagguho ng building"

Hindi ako makareact sa kwento ni Kaloy, hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman ko.

"Tutulungan ka ni Boss sa abot ng makakaya niya basta wag na wag mo lang gagawin ang pinaka ayaw niya sa lahat" banta sa akin ni Kaloy.

"Ano?" Tanging tanong ko kay Kaloy.

"Basta wag mo lang siya lolokohin at iisahan. Pinaka ayaw niya sa lahat ang sinungaling" deretsong sagot ni Kaloy sa akin.

Pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano ngayon sa lalamunan ko. Mas napagtanto ko ngayon na dapat ibaon ko nalang sa limot ang ginawa kong pagpapanggap noon.

Dapat mauhan ko si Roshid makakita ang kwintas as sulat. Kung nasa kwarto pa nga niya yun ako dapat ang unang makakita nun.

---------------------

Matapos naming magkasiyahan ay nauna na kami ni Kyle sa tent para matulog. Habang sila Roshid naman ay gumawa ng bonfire sa labas at nag inom pampatulog daw.

Para patulugin si Kyle ay ginamit ko ang recording ko ng story telling tungkol sa prinsesa at prinsipe.

Nang matapos ang kwento ay biglang yumakap sa akin si Kyle. "Thank you mommy! Sobrang saya ko po. Sana hindi na matapos ang araw na ito" saka siya pumikit habang nakahiga sa kandungan ko.

OA man pero parang gusto ko maiyak ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng mga mommy kapag napasaya nila ang anak nila.

Inayos ko ng higa si Kyle, dahil naramdaman kong malalim na ang tulog niya. Pagkatapos nun ay lumabas ako ng tent at tiningnan ang tatlo, nagtatawanan sila ng lumapit ako.

"Madami pa ba yan?" Tanong ko sa kanila. Napapalakas kasi ang tawanan nila baka magising ang bata.

"Tss. Umuwi ka na kasi boss sinusundo ka ng asawa mo" sabay turo sa akin ni Kaloy na pupungay pungay pa ang mata

Nagulat naman ako dahil biglang hinwakan ni Roshid ang kamay ko. Madali niyang nagawa yun dahil sa kanya ako nakatapat na tumayo.

Inihilig niya pa ang ulo niya sa braso ko na parang bata. "Don't worry sayo pa din naman ako uuwi....Cami" namumulang sabi ni Roshid. Mukhang hindi siya sanay uminom dahil pati braso niya ay namumula ngayon.

"Grabe hindi pa naman magtatag-ulan pero ang dami ng langgam" hirit ni Kaloy sabay hampas sa binti niya na kunwaring may kumakagat dito.

"Lasing na kayo. Tapusin nyo na yan, at ikaw!" Harap ko kay Roshid sabay higit ko ng kamay ko sa kanya. "Tumayo kana dyan, hindi na maganda yang itsura mo" sabay turo ko sa balat niya na pulang pula ngayon.

Iniwan ko na sila matapos ko silang paalalahanan itinabi ko na din ang mga kalat sa lamesa at nilinis yun. Bumalik din agad ako sa tent kasi walang kasama si Kyle.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa tabi ni Kyle, napagod na din siguro ako kasi simula palang umaga ay nagreready na ako ng camping site dito sa farm.

Naalimpungatan ako ng may maglagay ng kumot sa amin Kyle, hindi ko na pinagka abalahan na dumilat pa dahil nanlalaban na rin talaga ang antok ko.

Pero mistulang nagising ang buong diwa ko ng tumabi ito sa akin at yumakap mula sa likuran ko. Nagkunwari pa rin akong tulog, dahil pakiramdam ko ay naninigas na ako na parang yelo sa pwesto ko ngayon buti nalang talaga ay nakatalikod ako sa kanya.

Kala ko matatapos na ang lahat sa pagyakap niya. Hindi pala dahil inihilig niya ang ulo niya sa gawing batok ko. Pakiramdam ko ay may gumagapang na kuryenta sa buong katawan ko dahil hindi lang buong katawan niya ang nakadikit sakin ngayon, maging ang paghinga niya ramdam ko na din mula sa batok ko.

"Why....why do I see her in you? Why do I feel this way because of you? I wish you were really her." Bulong ni Roshid habang nakahilig pa rin ang ulo nito sakin.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Unseen (On-Going)Where stories live. Discover now