"Let's go Amelie tama na yan" my brother said using his cold voice. Nandito kami ngayon sa labas ng arena kasi katatapos lang ng game nila.
Patuloy lamang ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi habang nakatulalang bitbit ang maliit na paper bag na may lamang regalo para sakaniya. Nice! Here I am again, chasing the man I love. Hindi ako nakasagot kahit ilang beses na akong niyayaya ni kuya paalis sa lugar na iyon.
"Amelie wag mo nang ipilit!" Hinablot nito ang aking braso nang mag akmang susunod kay Simon.
"No kuya! mahal ako nun may hindi lang kami pagkakaintindihan, namisinterpret niya lang kailangan kong magpaliwanag sakaniya please let me go" hagulgol ko dahil nakita kong pinaandar niya na ang kotse niya. Hindi pwede! kailangan niyang pakinggan yung side ko baliw ba siya?!
"Amelie please! hindi maganda ito baka may makakita sayo" ramdam ko yung galit ni kuya sa tono niya pero nagpumilit ako. I was about to run to him but saw that his car was leaving, I ran faster as I could.
"Amelie hindi mo ba nakikita sarili mo?! tangang tanga kana ba?" mariing sigaw ng kuya ko at malakas na hinarap sakaniya nang mahabol ako.
Wala akong nagawa kundi humagulgol dahil kahit anong gawin ko ay wala na nakalayo na siya sakin.
"He was begging me to convince you to please stop bothering him! at ikaw itong tangang habol nang habol! hindi ito yung ineexpect ko sayo Amelie. You were better than this!" He said with his eyes full of disappointment.
"That's because he misinterpret what he saw that time! wala akong ginawang masama kuya hindi ko siya niloloko!" nahihirapang sagot dahil sa matinding iyak.
"No Amelie! Fuck! wake up! stop being so delusional. Inamin niyang pinakisamahan ka nalang niya kasi hindi ka nga tumitigil! Hibang kana ba? kapatid kita pero nakakahiya yung ginagawa mong katangahan nanaman ngayon" kitang kita mo ang galit sa tono niya, I can't believe I am hearing this.
Nihindi ko naisip na ganun lahat iyon kasi pinaramdam niya sa aking mahal na mahal niya ako, hindi ko lubusang matanggap sobrang sakit.
"At dahil pa sayo hindi na siya nakakaayos sa laro, umalis na siya sa team Amelie kulang pa bang rason yan?" Gulat akong napatingin sakaniya dahil hindi ko inaakalang ganun na nga kalala yung naging epekto ko sakaniya.
"Yes Amelie umalis na siya. Kahit yung isang major subject namin ay naibagsak niya dahil hirap na hirap na siya kung pano ba makakatakas sayo" parang gumuho ang mundo ko sa narinig.
hirap na hirap na pala siya hindi ko manlang napansin iyon dahil sa buong akalang totoo lahat. Nakakasira ako ng buhay ng iba dahil sa sariling kaligayahan. Niminsan hindi ako naging mabuti sa iba, puro kamalasan yung dala ko. Yung akala kong mahal ako ay hindi naman pala totoo at nakakahiya pa dahil sa kulit at sobrang mapilit ko ay nakasira pa ako ng kinabukasan.
Napaluhod na laman ako at napayuko, suko na ako haha sobrang bobo ko. Sobrang tanga ko! sobrang makasarili. Hindi ko manlang naisip na nakakaperwisyo na pala ako. Pinunasan ko ang luha at nanghihinang tumayo.
"Uwi na tayo" mahinang sambit ko at naunang naglakad patungo sa sasakyan ni kuya.
Simula ngayon hinding hindi ko na ipipilit, what's for me is for me and what's not is not. Masyado akong nagfocus sa sariling nararamdaman at hindi na naisip na mayroon ding buhay ang iba. Na maaaring nakakasama ang epekto sa iba. This time, I learned my lesson well.
YOU ARE READING
Chasing Him
RomanceMay mga bagay na nakakabuti sa atin kung ipipilit natin at meron ding hindi. Minsan kung ano nakabubuti para sa atin ay hindi na natin naiisip kung ano naman kaya kung sa iba rin? minsan kapag sobrang saya natin ay akala mo pati sila ay masaya rin n...