"Gosh ayan na crush mo beh" kinikilig na sambit ni Luis, my gay best friend. His full name is Raphael Luis Sy but well naiirita pag natatawag sa first name. Nilingon ko naman yung tinitignan niya. Gwapo nga naman talaga oh napakatangkad kabwisit, kung hindi lang ako abalang tao pagsisikapan ko talagang manood sa training nila.
"Gaga wag kang maingay ang lakas ng boses mo" iritado kong bulong at kinurot ang tagiliran niya dahil kasama namin yung kalandian ni Lovelace na si Travis. Agad ko silang tinignan kung narinig ba nila and thank God busy sila sa paglalandi.
Agad ko ring nilipat ang tingin kay Simon girl kahit pagsubo ng pagkain napaka gwapo tangina naman! kaya hindi ako nakakamove on eh. And yes sumobra pa ata yung titig ko dahilan ng pagsulyap niya sakin. Nakakahiya!
"A-ah girl cr muna ako parang sumasakit yung puson" nauutal kong sambit at agad tumakbo papuntang CR.
Gosh! Amelie!! Hibang kana ba?! ano obsess na obsess?! The f is wrong with me?
Ilang saglit nang pagtitig sa sarili sa salamin na parang baliw ay agad na akong nag ayos kasi talagang mukha na talaga akong tanga sa itsura ko ngayon.
Wala na siya doon nang makabalik ako sa table namin, mabuti pa nga kasi baka kapag nanatili pa siya bigla nalang akong magteleport papunta sakaniya.
"Beh may lumapit sakaniyang girl hindi ko alam kung anong sinabi pero tinignan lang siya ni fafi sabay alis kaya nga pahiya ampeg ni atih" Kwento nito sabay tawa nang malakas. Hindi ko magawang matawa kasi parang naisip ko na bigla yung maaaring mangyari sakin.
Pero ano namang masama sa paghanga sakaniya wala naman diba.
Nang makauwi sa bahay ay agad akong dumiretso kay kuya na may kausap yata sa kabilang linya.
"Uh yeah ngayon ba bro? Biglaan naman yata?" Saglit pa itong tumingin sakin na may tanong sa mga mata, nagtataka yata kung bakit nakatingin ako.
"Okay wait, I'll be there in 10 minutes" Sambit nito at agad pinatay ang tawag.
"Aalis ka kuya?" Naguguluhang tanong ko nang makitang nililigpit niya na nga ang mga gamit niya doon sa sofa.
"Yup biglaang training eh diyan lang sa court, nakahanda na diyan yung pagkain at nga pala bilin ni mom ay wag ka daw masyadong magastos. Kung ano ano nalang pinaggagastusan mo" napaismid ako sa narinig ngunit binalewala ko lang at sinundan siyang umaakyat na sa hagdan.
"Training kuya? Can I go with you?" I asked na dahilan nang pagtigil niya habang nakakunot ang noo.
"Ngayon? I thought you're busy?" Sabi nito at magsasalita pa sana dahil mayroong naalala.
"I just finished taking notes kanina sa school and familiarization nalang naman yun. I need to freshen up my mind so please?" Pagdadahilan ko sakaniya, well totoo naman na yun atsaka gusto ko rin kasi talagang makita si Simon huhu please kuya.
"Fine. Siguraduhin mong walang maiistorbo sayo dahil ayokong malagot kay mom." Napangiti ako nang mapapayag ko ito kaya agad akong tumalon talon at tumakbo sa kwarto para magbihis at mag ayos.
I just wore white trousers pants and a black high neck croptop. Hindi na ako nagsapatos kasi grabeng outfit naman yun para sa makikinood lang diba. Just a white flats.
"May bench dun upo ka nalang sa gilid bantayan mo narin mga gamit namin tutal sasama ka narin naman" sabi nito habang pinapaandar ang kotse at ang tono pa nito ay parang sinasabing 'para may silbi naman yung pagsama mo' duh.
Inirapan ko na lamang siya at tinignan ang sarili sa salamin. Tama lang para sa simple look, oh diba naglagay lang ako ng kaunting cheek and lip tint na color pink.
Nang makarating kami sa patutunguhan ay hinintay kong pagbuksan ako ni kuya at saka lumabas. Girl ang dami nila and lahat sila gwapo pero isa lang yung hinahanap talaga ng mga mata ko at ayun siya nagwawarm up na.
"Hi Amelie looking good huh" nakangiting sambit ni Edwin sa akin at napansing napatingin din saglit si Simon. Ngumiti lamang ako sakaniya at nakipag usap ng konti bago ako naupo sa may malapit na bench. Nagsimula na ang training nila at ako nanonood lang, tunaw ka sakin beybe hihi.
Wala na ata akong ginawa sa buong oras na pagtraining nila kundi ang titigan si Simon, may minsang napapatingin din siya sakin pero ngumingiti naman ako tuwing ganun ang nangyayari pero syempre wala lang siyang reaction at iwas agad ng tingin. Pero sa maliit nanbagay na yun kinikilig na ako gosh atleast napapatingin siya diba.
May minsan pang lumalapit siya sa kung nasaan ako dahil andun yung mga gamit nila, umiinom siya ng tubig at nagpupunas ng pawis and girl super hot ng papi na yan. Parang gusto ko nalang isnatch yung ginamit niyang towel kasi pakiramdam ko mabango yon wahh I wanna cry.
Natapos ang training at lahat sila ay nagsi bro fist na kasi magsisi uwian na rin. May ilan pang nagpaalam din sakin at kinikilig pa, ako lang toh. Pero si Simon hindi manlang tumingin kahit saglit at kay kuya lang nagpaalam ang daya!
"Suplado talaga si Simon noh?" Wala sa sariling sambit ko nang nasa loob na kami ng kotse ni kuya.
"Ah oo ganun yon sa mga taong hindi siya interesado at hindi close. At saka Simon? Mas matanda yun sayo ah" makahalugang tanong nito.
"E-eh ano naman" utal kong sagot at umiwas ng tingin sakaniya. Napakunot lamang siya ng noo ngunit hindi na sumagot. Buti naman kung ganun para hindi na humaba ang usapan.
Wala pa akong balak sabihin kay kuya na may gusto ako kay Simon dahil baka bigla akong pagalitan nito at mas lalong hindi payagang manood sa game nila. Ewan ko ba sa kuya ko kung bakit masyado akong pinapaiwas sa mga ka-team niya.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto para tumawag kay Lovelace, kinuwento ko yung mga pangyayari sa kanina at ang gaga pinalala ang pagdedelusion ko. Bukod sa pagkuwento ko tungkol sa kanina ay nagkuwento rin siya sa kung paano na ang takbo ng relasyon nila ni Travis. Nalulungkot nga daw siya dahil si Travis at hindi makakasali sa laro. Ang mga datihan at malalakas na members lamang ang isasalang sa laro, ewan ko kung bakit feeling ko ang unfair. Gustuhin ko mang kausapin si kuya tungkol duon dahil siya naman ang Captain ngunit mas pinili ko na lamang ang wag mangialam.
"Ang pagkakaalam ko ay yung kuya mo daw yung nagsuggest na ganun yung gawin. Ang epal talaga ng kuya mo nakakainis na talaga porket mas matangkad siya kay Travis ay ganiyan na siya" Pagmamaktol nito na ikinatawa ko nalang. Eh paano ba naman kasi parang mas matangkad pa ata ako kay Travis at itong si kuya ay ubod ng tangkad dahilan kung bakit hanggang dibdib niya lang si Travis.
Nasanay nalang ako sa mga sinasabi noya tungkol sa kuya ko kasi matagal na talaga siyang mayroong sama ng loob sa kuya ko nadagdagan pa itong palaging hindi pagpapasali kay Travis. Naalala ko pa nung Grade 8 kami at sila kuya ay Grade 10 nung una ko siyang dinala dito sa bahay. Si kuya lang naman ang kasama ko sa bahay dahil yung parents namin ay nasa ibang bansa, pinakilala ko si Lovelace kay kuya pero tango lang yung ginawa ng kuya ko samantalang siya daw ay ngiting ngiti. Tawa lamang ako nang tawa sa pagmamaktol niya noon ewan ko ba kay kuya.
"Pasensya kana Lovelace eh kahit ako wala naman akong magagawa diyan sa desisyon ni kuya" Pagsuko ko at napaismid na lamang siya. Nang matapos ang tawag ay naglinis muna ako ng katawan saka nagbihis ng pantulog. Bukas panibagong pagpapagod nanaman pero atleast may progress naman.
YOU ARE READING
Chasing Him
RomanceMay mga bagay na nakakabuti sa atin kung ipipilit natin at meron ding hindi. Minsan kung ano nakabubuti para sa atin ay hindi na natin naiisip kung ano naman kaya kung sa iba rin? minsan kapag sobrang saya natin ay akala mo pati sila ay masaya rin n...