Chapter 3

0 0 0
                                    

"Nakakainis talaga yung kuya mo Amelie! Ang taas masyado ng tingin sa sarili porket siya ang Captain ganiyan na siya umasta" Gigil na sambit nito, andito kami ngayon sa room. Walang teacher kaya ito siya at nanggigilaiti nanaman sa kuya. Paano ba naman kasi itong gaga na ito nagmessage sa kuya ko dahil sa kagustuhang maisali si Travis, ngunit kahit seen ay wala.

"Eh bakit kasi nagchat kapa alam mo naman yung kuya ko na may pagkasuplado din. Atsaka kapag nagdesisyon na iyon hindi na talaga yun mapipigilan" Iling ko at pinagpatuloy ang pang istalk kay Simon kahit na palagi naman akong tambay dun sa profile niya. Hindi siya mahilig magpost ng pictures noya pero mahilig siya magshare ng kagaguhan.

"Grabe naman kung kahit manlang seen hindi ginawa diba? Ganun na ba talaga kabusy? Eh bakit si Evelyn nareplyan niya naman ah." Tukoy nito sa sikat na Grade 10 officer din sa buong JuniorHigh.

"Baka naman kasi importante naman yung sinabi ni Evelyn officer siya diba?" Tanging sagot ko habang tumatawa sa mga pinagshishare ni Simon.

" Importante ba yon? Hmp! Yung sabi sakin ni Evelyn ang saya daw kausap eh" Tampo nito na nilingon ko naman.

"Alam mo konti nalang iisipin ko talagang girlfriend ka ni kuya, feeling kowa yern" pang aasar ko at tinawanan sabay inabala ulit ang sarili sa phone.

" Yuck! Anong feeling duh girl gwapo ang kuya mo oo aminado ako pero yung ugali niya mas mabaho pa sa kanal" pagtataray nito at sabay kaming napataas ng tingin nang may sumabat sakaniya.

"Really?" Kalmadong tanong nito ngunit ramdam mo yung galit sa kung paano siya tumingin. Shocks! Anong ginagawa ni kuya dito lol agad kong nilingon ang best friend kong lumingon sa ibang direksyon. Nanatili ang sama ng tingin ng kuya ko kaya agad din akong sumingit.

"A-ah k-kuya hehe anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang sabi ko dahil hindi talaga nawawala yung sama ng tingin niya kay Lovelace.

"Napadaan ako para ibigay tong tatlong ticket na hinihingi mo." Saglit pa siyang lumingon kay Lovelace bago tuluyang umalis nang padabog. Napalingon din ako sa mga estudyanteng nakipasok at sumilip sakaniya hay kapag sikat nga naman.

"Eh ano naman kung narinig niya at least nalaman niya kung anong klaseng ugali yung meron siya" pagbubulong bulong nito at napailing na lamang ako dahil baka kapag may masabi ako ay mas mag alburoto siya sa galit. Magbest friend nga naman kasi talaga sila ni Simon hmp! Mga suplado nakakainis.

Dahil may meeting ang mga lahat ng teachers sa JuniorHigh ay napaaga tuloy ang uwian namin. Magcocommute nalang ako kasi hindi naman ako masasabay ng kuya ko dahil abala pa siguro iyon sa klase. Usually kasi ang uwi nila is 4:30PM sabay lang sa amin kaya sumasabay na ako sakaniya, inuuwi niya lang ako saglit sa bahat at siya naman ay babalik para sa training nila. Palaging ganoon kaya hindi ko alam kung pano niya nagagawang ipagsabay sabay lahat.

Kahit ganun kasi kasuplado ang kuya ko ay maasikaso naman yun pagdating sa akin at hindi rin pabaya sa pag aaral. Kaya hindi ko nga maimagine kung gaano kahirap yung ginagawa niyang gampanan lahat. Ang pagiging kuya, estudyante at captain ng basketball team.

Pero bwisit talaga at wala manlang tricycle na nakapila ngayon ano ba naman yan. Sampung minuto na ang nakalipas ay wala parin talaga kaya napagpasiyahan ko nalang tawagan si kuya sana lang ay hindi siya abala ngayon.

Tatlong missed call bago nasagot ang tawag, napahinga ako ng maluwag nang masagot ang tawag.

"Hello kuya? Napaaga ang uwian namin may klase pa po ba kayo?" Nag aalangang tanong ko dahil baka nakakaistorbo ako ng klase.

"You're kuya is upstairs, he's taking a bath and he left his phone here on the sofa. I'll just tell him about this" nanlaki ang mata ko sa lamig at ganda ng boses ng sumagot sa tawag. Gosh heaven! I'm sure si Simon iyon! At what? Sa sofa? So nasa bahay sila akala ko ba may klase sila.

Chasing HimWhere stories live. Discover now