"Bakit kasi sa dinami dami ng pwede mong gustuhin ayan pa talaga napili mo, kahit aksidenteng sulyap sayo wala" mataray na sambit ng best friend ko habang sumisimsim sa hawak niyang juice. Andito kasi kami sa canteen katatapos lang ng klase sa Mathematics.
Very stressing ampeg ng atmosphere namin ngayon dahil palapit narin yung exam at halos lahat ata kami walang maayos na tulog. Kahit malandi ako pagdating kay Simon syempre may pakealam din ako sa pag aaral noh, consistent honor student ata toh.
"Ayun gusto ko yung mahirap makuha" sagot ko na may mayabang na tono. hah! kahit na yung totoo sinubukan kong ituon yung atensyon ko sa iba noong nag grade 9 kami at sadyang panira lang yung tadhana dahil paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siya sa sala.
Na hinihintay ata si kuya na naliligo dahil maglalaro daw sila ng basketball. Ayun ata yung pinaka malas at pinaka swerteng nangyari sakin kasi nagkaroon man ng pagkakataong natignan nya ako ngunit ayun naman yung oras na wala akong ayos at ligo.
"Balita ko kasali siya sa mga maglalaro ngayong intrams ah?" sabi nito na puno ng kuryosidad malamang dun niya nanaman nalaman yan sa kalandian niyang kaklase ni Simon. Agad akong napatingin sakaniya dahil sa narinig, ang sabi ng kuya ko hindi muna sila makakasali kasi mukhang wala silang time dahil nga sa exam week ngayon at pagkatapos lang nun ay intrams na.
"Seryoso?! saan mo napulot yan?" lagot talaga sakin si kuya pag uwi ko sus! nang dahil sakaniya ay hindi pa ako makakapag prepare ng banner!
"Gaga hindi mo alam? bago yan ah palagi ka namang una sa balita dati" ani nito na takang taka sa nasasaksihan ngayon. Paano naman ako mauuna eh tumanggi nga si kuya nung nagtanong ako kung maglalaro ba sila.
"Ang sabi kasi ni kuya hindi daw sila makakapaglaro kasi marami daw silang gawain lagot talaga siya sakin mamaya pag uwi ko" saglit pa akong natulala at nag isip ng mga sasabihin mamaya kay kuya nang biglang makita ang grupo nila kuya na animo'y bibili ng pagkain, agad kong nilibot ang aking paningin sa mga kasama niya at nakitang andun siya sa bandang likod nagpupunas ng pawis. Hmm so true nga talaga maglalaro talaga sila halata kasing galing lang sila sa practice.
Matangkad sila lahat pero syempre mas lamang lang ng ilang pulgada si Simon at yung kuya ko. Sila talaga palagi yung kapansin-pansin sa team nila dahil bukod sa pareho silang lamang sa tangkad ay pareho din itong mga pinagpala sa mukha. Marami ngang inggit sakin dahil meron daw akong sikat at gwapong kuya na kasali sa basketball team na pinupugaran ng mga papi. Duh ako lang toh.
"Baka ayaw na ng kuya mong manood ka kasi nakakahiya ka" ani niya at tumawa nang malakas. Eh kasi naman ayun yung time na nag tie yung score at paubos na yung oras, hawak kasi ni kuya yung bola sa sobrang taranta ko sinigaw ko yung 'Kuya ishoot mo yan kung hindi ikakalat ko sa mundo na kaya ka binasted kasi ang lakas ng utot mo' nashoot naman yung bola pero after nun sinamaan niya ako ng tingin at pinagalitan pagdating sa bahay.
Sa inis ko ay hindi na lamang ako sumagot, at itinuon na lamang ang atensyon sa kinakain habang nagrereview naman para sa quiz mamaya. Sampung minuto pa ata ang tinagal namin duon sa canteen nang mapagdesisyunan naming bumalik na sa room. Hindi naman gaanong kalayuan ang room namin sa canteen dahil JuniorHigh naman kami, ang building namin ang pinakamalapit kumpara sa SeniorHigh na nasa likod na parte na ng campus. Mas maganda nga daw duon kasi bagong building at yung mga gamit ay mas maayos at maganda kaysa sa elementary at juniorhigh. Kumpleto sila dun kahit ang laboratory ay kumpleto dahil ang sabi ng dean ay mas maganda nang kumpleto para mahasa sila at hindi na mahirapan pagdating ng college.
Iyon ang dahilan kung bakit gustong gusto ko nang maging Seniorhigh pero nakakalungkot din kasi kumpleto man ang pasilidad dito ngunit hindi naman nag ooffer ng College level itong paaralan at paniguradong sa malayong unibersidad na mag aaral si Simon. Ang alam ko ay gusto nitong mag Civil Engineering dahil ang pamilya niya pinupugaran ng mga magagaling na inhinyero dito sa bansa. Baka nga ay mag ibang bansa pa ito sabi ni kuya.
"Nicolaus Ray Hernandez! Why the hell did you lie to me about your game?!" Inis kong tanong nang makarating sa bahay at nadatnan siyang naglalaro nanaman ng kung ano sa TV.
"Don't you dare ruin our game with your annoying tactics Amelie! I didn't told you about it because of what you did last year" Galit na sambit nito at saglit pang tumingin ng masama sakin bago itinuon ulit ang pansin sa TV.
"Kuya please I want to watch the game, I promise I'll behave. I won't do it again na please?" Pagpapacute ko sakaniya at pinulupot pa ang kamay sa kaniyang braso ngunit agad din niyang tinanggal.
"That won't work Amelie Rei hindi lang iyon yung ginawa mong pamamahiya sakin isusumbong na talaga kay dad" Punong puno ng pagkairita ang boses nito.
"Please kuya? hindi na po talaga at alam mo naman kung gano ko kagustong guto manood diba?" Pagpapa awa ko dito at nakita nainis pa siya lalo dahil nakukuha ko na yung loob nito.
"Akala mo wala akong nababalitaan tungkol sayo na mayroon kang gusto sa team? sino yun?" inis na sambit nito at sa wakas ay hinarap na ako.
"Wala kuya gusto lang talaga kitang panoorin kasi natutuwa ako bilang kapatid mo" pagpapalusot ko ngunit nanatili ang kunot na noo nito.
"Sino ba? si Edwin? wag nun siraulo yun pagdating sa babae o baka naman si Dexter? bali-balita pa basag ulo yang lalaking yan wala kang patutunguhan diyan. Wag mo rin susubukan si Ryan at Brynce dahil mga kampon yan ni satanas kung makapag cut class. O siguro si Simon?" Mahabang sermon nito at tumigil saglit sa huling pangalang binanggit at makahulugan akong tinitigan na parang pinag aaralan talaga.
"What? No kuya that's just rumors duh" tarantang sambit ko ngunit nakatingin parin siya na parang may kung anong iniisip.
"Mas lalong wag kay Simon at mapapahiya ka lang. Bukod sa hindi naman iyon mahilig makipagrelasyon, maarte din yun pagdating sa babae. At hindi yun marunong manligaw kasi di niya naman gawain yon, ang mabuti pa go date someone your age" Ani nito at pinagpatuloy ang nilalaro. Saglit pa akong napaisip bago umakyat patungong kwarto.
Agad kong binagsak ang sarili sa kama dahil sa pagod sa buong araw na nangyari sa buhay ko. Naalala ko yung sabi ni kuya kanina, although okay naman yung height ko. And I always make sure that I look pretty whenever I go outside the house. Kailan man ay hindi ako nagpabaya sa pag aaral ko. Ang pinaka insecurity ko lang ata ay yung atensyon ni Simon at pati narin sa age gap. Pierre Simon Gallego is two years older than me hay next year din ay graduation na nila, siyempre hindi naman yun mag aaral dito.
Napangiti ako nang mag maisip, hmm hindi ko alam kung magiging maayos toh pero kailangan kong makanood talaga sa game nila. Aamin ako kay Simon kapag manalo ang team nila.
YOU ARE READING
Chasing Him
RomanceMay mga bagay na nakakabuti sa atin kung ipipilit natin at meron ding hindi. Minsan kung ano nakabubuti para sa atin ay hindi na natin naiisip kung ano naman kaya kung sa iba rin? minsan kapag sobrang saya natin ay akala mo pati sila ay masaya rin n...