Chapter 4

0 0 0
                                    

"Kuya may girlfriend ba yun si Simon?" Takang tanong ko habang nasa biyahe napalingon naman agad si kuya sakin at this time punong puno na siya.

"Ano ba at Simon ka nang Simon diyan? Kasing tanda ko lang yon bat hindi ka magkuya? At saka ayang tanong mong yan duda na ako sayo ah do you like him?" Inis na sambit ni kuya habang nagmamaneho. Napanguso lamang ako at saka ngumiti sakaniya.

"Crush lang naman e" pag iinarte ko sakaniya na mas lalo nakapagpairita naman sakaniya kaya napatawa ako ng mahina.

"Naririnig mo ba sarili mo Amelie? Parang kuya mo na yun kilabutan ka nga at ang bata bata mo pa." Sambit nito at iniliko ang manibela dahil papasok na kami sa village.

"Dali na kuya meron ba? Or nagkaroon na ba siya ng girlfriend?" Pagpupumilit kong tanong sa kuya kong bugnutin. Napaka damot talaga nakakainis.

Padabog na lamang akong lumingon sa bintana dahil ayaw niya talagang sagutin yung tanong ko. Bakit ba nagagalit siya eh crush lang naman. Nang makarating sa bahay ay agad kong sinabit nang padabog ang bag ko sa aking balikat at hindi lumabas na ng kotse na hindi hinihintay na pagbuksan niya. Bahala ka diyan kuya nagtatampo ako sobrang damot mo. Mula sa gilid ay kita kong nagmadali si kuya sa pagsara ng kotse niya at sinundan akong papasok sa bahay.

"Bakit ba tinatanong mo? At saka crush? Sa iba ka nalang magkacrush" crush lang naman!

" Crush lang naman kuya humahanga lang dali na sagutin mo na yung tanong ko kasi" pagpupumilit ko at nakitang suko na siya sa pagmamatigas niya.

"Walang girlfriend yun at hindi pa nagkakaroon. May isang beses na nireto namin iyon sa kaibigang model ni Edwin pero hindi niya niligawan, nagkalandian lang. Nagtagal lang ng isang linggo tapos wala na" baka bakla? Hmm

"Hindi yun bakla. Ang seryoso lang talaga masyado sa buhay, abalang abala sa pag aaral at sa basketball." Naiiling nitong pagtawa sabay tingin sa kaniyang phone. Kaya napatingin din ako dun at naalala yung tungkol kay Travis.

"Nga pala kuya, nagchat daw sayo si Lovelace ah?" Nihindi ko manlang nakitaan ng gulat ang mata niya nang mapatingin sakin.

"Ah yung nagtatanong tungkol dun kay Travis? Yung lalake niya bang late palagi sa training at lutang pa kada laro?" Tawang tawa nitong sambit na ikinakunot na noo ko. Seryoso ba siya?

"Akala ko ba maayos naman siyang maglaro?" Tanong ko na takang taka sa narinig habang kumukuha ng tubig sa ref at siya naman ay nakaulo sa sala.

"Ayun yung kwento niya sainyo? Di hamak na wala pa sa kalingkingan ko yon tapos ipaglalaban niya sakin na isali ko?" Tawang tawa parin ito habang nakatingin parin sa phone niya. Akala ko ba hindi siya nagseen messages ni Lovelace? Napakakibit balikat na lamang ako at umakyat na sa taas.

Nagbihis lang ako saglit and did some skincare routine. Nang makahiga sa kama ay binuksan ko ang aking laptop para isearch ang profile niya. Wala nang bagong post, ang last shared post niya ay nung last month pa nakakainis. Yung profile picture niya naman ay yung mayroong siyang medal at may hawak na certificate tsaka trophy. Yeah MVP nga pala siya last year.

Ang gwapo niya talaga at kamangha manga na hindi siya nagkakaroon ng girlfriend. Bali-balita nga noon na may nakakalandian siyang mga model o di kaya ay vloggers siguro dahil narin sa mga kaibigang sikat. Pero sikat din siya o kung tutuusin nga ay siya ang mas sikat sa ibang nasa team. Nakakamangha lang talaga na ang dami niyang kakilalang sikat.

Pero kahit isang beses talaga ay wala akong nabalitaang naging girlfriend niya. Sa gitna ng pag iisip ay naalala ko naman ang nangyari kanina. Bakit kaya yun nainis bigla wala naman akong ginagawa sakaniya. Mukha na ba akong tanga kakakingiti sakaniya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing HimWhere stories live. Discover now